Chapter 30: Tension

6.5K 275 43
                                    

Diana's POV

"Diana?.. What are you doing here?" Hindi parin ako makagalaw sa kinatatayuan ko.. nakaplanta parin ang mga paa ko sa sahig. Hindi makapaniwala sa nangyari saaming dalawa ni Nephra.

"Where's Neph?" Nagtatakang tanong ni Buck, tulala parin ako.

Pinunasan ko ang nag-smudge na lipstick sa labi ko, natakot akong makita iyon ni Buck; hindi ko alam kung lipstick ba yun ni Nephra.. o lipstick ko. Baka naghalo na yung akin at kanya.

"Uh.. um. Gu-gusto ko lang.. gusto ko lang sanang magpaalam sayo bago ako umalis. Sinabi saakin.. ni Georgie na nandito ka raw.." Nanginginig parin ang boses ko.

"Ah ganun ba?.." pagkatapos ay lumapit sya saakin, "Are you okay? You look like you've seen a ghost."

Humakbang ako paatras, ayoko talagang makita nya ang mukha ko ng malapitan.. paano ba naman! Hinalikan ko ang girlfriend nito.

"Uh.. okay lang ako. Sige aalis na ako."

"Wait! I could just drop you home.. para hindi kana mag-commute. It's late, baka anong mangyari sayo." Napahinto ako sa sinabi ni Buck.

"Hi-hindi na. Okay lang naman ako, Buck. Salamat."

"No, I insist." Pagpupumilit parin nya.

"Why don't you get changed and then I will come to you sa dressing room. Okay? Huwag kanang makulit." Nakangiti nitong sabi.

Wala na akong nagawa kundi ang pumayag.

Tama naman sya..

Naisip ko na mas magandang ihatid nalang nya ako, baka kasi ano pang mangyari saakin sa daan lalo't lumilipad ang isip ko.

***

Bumalik na ako sa dressing room at nagpalit na ng damit. Isinuot ko ulit ang jeans at white tshirt ko, tinanggal ko na rin ang boots na ipinahiram saakin. Mas gusto ko parin ang slip-on shoes ko, mas komportable.

Habang naghihilamos ako ng mukha ko ay hindi ko maiwasang alalahanin ang nangyaring halikan namin ni Nephra.

Yung amoy nya..

Yung malambot nyang labi..

Sobrang vivid parin sa isip ko.

I absent-mindedly touched my lips.

I just ran my fingers sa ibaba at itaas ng labi ko.

Napapikit ako.

God!!

I liked it.

Nagustuhan ko yung halik ni Nephra,

At ngayon takot na takot ako.

Nagmamadali kong kinuha ang face towel sa bag ko at agad na pinunasan ang mukha ko; na ngayon ay wala ng make up.

Hindi ito tama Diana!!!

Tinanggal ko narin yung contact lenses at sinuot na ulit ang salamin ko.

Balik na ako sa dati.

"Hm.. heto na po yung mga damit at boots na pinasuot ninyo saakin. Maraming salamat po ah." Mahinang boses kong sabi kay Georgie na ngayon ay humihithit ng sigarilyo, katabi nya ang mga ibang modelo na hindi pa umaalis.

(GxG) Let somebody love you 2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon