Chapter 9: Beyond our control

6.4K 216 9
                                    

Diana's POV

Kanina pa ako nakatunganga sa powerpoint na ginagawa ko.. bakit hindi ko 'to matapos tapos?

"How are the preparations for the PTA meeting coming along?" I looked over my shoulder para makita kung sino ang nagsalita..

..si Mrs Trenor.

Nakatayo ito sa likod ko habang nakabulsa ang mga kamay nito sa kanyang teacher's uniform.. nasa early 30's pa lamang si Mrs Trenor.. sya ang pinakabatang teacher namin. Average lang ang itsura nya pero magaling itong magdala ng damit at palaging malinis sa sarili.

..nakaupo naman ako sa harapan ng computer ng aming school library.

Tumingala ako at tinignan ang mukha nito, hindi ako makasagot sa tanong nya.. dahil labag sa loob ko ang pagtanggap ng duty nato.

"Ms Zedilla?.." Pilit nitong kinukuha ang atensyon ko.

"Uh.. Ma'am... pwede ho bang.. pwede bang ibigay nyo nalang sa iba yung.. pag-aasikaso ng PTA meeting?" Tanong ko ng sawakas ay makuha kona ang lakas ng loob ko.

Biglang kumunot ang kilay nito sa tanong na iyon, "Malapit na ang PTA meeting.. wala na tayong oras para baguhin ang lahat." Alam kong sasabihin nya 'yon..

Tumayo ako, baka sakaling mapilit ko sya. "Hindi naman po natin kailangang palitan ang lahat ng preparations natin, Ma'am... yung powerpoint nalang po yung kailangang tapusin.. sa pagkain naman po.. okay na yung.. yung mga caterers na kinuha ni Nephra." bulol kong paliwanag kay Ma'am.

Lahat ng gagastusin sa PTA meeting ay cover ng aming school expenses, wala kaming kailangang bayaran dito.. kaya hindi na namin 'yon po-problemahin.

Nakayuko ako habang kinakalikot ang mouse..

"Hindi pwede, Ms Zedilla. You can't just back out whenever you want! Baka ma-compromise ang event natin." Seryoso nitong sabi.

"Pero, Ma'am--" Hindi ako nito pinatapos magsalita.

"Is this about Ms Allen?" Agad na napaangat ang ulo ko kay Mrs Trenor.

Hindi ako makapagsalita.. walang gustong lumabas sa lalamunan ko.

"Ano.. Diana?? Narinig mo lang si Ma'am na binanggit ang pangalan ni Nephra, baluktot kana agad?" Sigaw ng isip ko.

I adjusted my eyeglasses.. another nervous habit, I guess.

"Alam kong ayaw mong tanggapin ang duty nato dahil kay Ms Allen, hindi ba?" Siguradong sigurado ito.

Wala parin akong masabi.

"Stop holding yourself back, Zedilla. Alam kong matalino kang bata.. 'wag mong hayaang diktahan ng iba ang mga desisyon mo..
Be your own person, alam kong mayroon kapang ibubuga." Bakit parang ganito nalang sya kasigurado saakin?

Ayoko ang ganito, nakakaramdam ako ng pressure! Gusto ko lang namang mag enjoy sa school..

Iniwan ako nitong nakatayong mag-isa sa harapan ng computer station..

Naiwan akong iniisip ang mga sinabi ni Mrs Trenor.. "Be your own person."

Pabagsak kong inupo ang sarili ko sa upuan..

I felt defeated.

Hinawakan ko ang sintido ko, "Gulo na naman 'to.." Bulong ko sa sarili..

It's been a week since the stockroom incident occured, everyone seems to forget what happened, while I'm still struggling to move on from it all.

Ilang araw din akong puyat dahil sa pag-iisip kung okay lang ba si Nephra.

(GxG) Let somebody love you 2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon