Chapter 28: Lose control

6.5K 334 71
                                    

Diana's POV

"Dito.. dito ka tatayo mamaya, Diana." Itinuro na saakin ni Buck ang pwesto ko, isang silver na kotse ang naroon.

Sobrang kinakabahan parin ako.. para akong masusuka sa nerbyos!

Hindi ko na naman mapigilang paglaruan ang mga kamay ko.

"Diana??" Nag-echo ang boses ni Buck sa tenga ko.. kanina pa pala nya ako tinatawag. Hindi ko pansin.

Lumapit sya sakin, "Huwag kang masyadong kabahan.. I know that it's your first time, pero kailangan mong maging professional. Remember why you're doing this.. for your dad."

Wala sa sarili akong tumingin sa sasakyan na nasa harapan ko.. tama si Buck. Kailangan kong tandaan na ginagawa ko ang lahat ng ito para kay papa.

Mas kawawa naman ang kundisyon ni papa ngayon sa ospital kesa sa kundisyon ko dito. Nakukuha ko pang magreklamo!

Ipinikit ko muna ang mga mata ko ng ilang segundo.. kunwari ay wala ako sa lugar na ito.. kunwari ay nasa bahay ako kasama sina mama, papa at Dani gaya ng dati; masaya kaming nakaupo sa sofa at nanunuod ng paborito naming palabas..

Sinubukan kong huwag munang mag-isip ng kahit na anong suliranin.. kahit ilang segundo lang.

"Diana?" Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko.. si Buck nakatayo parin doon at hinihintay akong sumagot. "Okay ka lang ba?"

"Oo, Buck.. okay na ako. So, ano ang gusto mong gawin ko?" Para akong narecharged, handa sa kung anong i-utos sakin ni Buck.

"I'm really sorry for what happened to your dad.. I hope he feels better. It must be hard." Sympathetic na pahayag ni Buck.

Malungkot na ngiti lang ang isinagot ko sakanya.

"As I was saying.. I want you to stand here. Malapit sa mismong car, huwag kang lalayo dito banda.. o kaya dun." Buong atensyon akong nakinig sakanya.. para walang mangyaring kahit na anong kapalpakan mamaya. "Gawin mo nalang yung mga pose na tinuro sayo ni Georgie..

Kung may kumausap man sayo at magtanong tungkol sa kotse. Pwede ka rin namang magbigay ng impormasyon.. gaya nitong kotse na ito. Porsche ang tawag dito.. I will provide more details mamaya." Paliwanag nya habang hinahawakan ang harapang bahagi ng sasakyan.

Tumango ako, naghihintay pa ng instructions galing sakanya..

"Hm.. what else?" Tumingin sya sa hawak nyang tablet. Iniisip kung ano pang nakalimutan nya..

"I think that's it! You're ready.."

"Salamat, Buck.. gagawin ko ang best ko para hindi ka magsisi na kinuha mo ako."

"Salamat din, Diana.. for trusting me. Ngayon alam ko na kung bakit malapit si Neph sayo.. you're nice." Ngumiti ito.

Wala syang kaalam alam sa mga pinagdaanan muna namin ni Nephra bago kami naging okay sa isa't isa.

"Hm.. darating.. darating ba sya ngayon?"

"Yup! Neph and her family.. lagi silang invited dito. Kase isa sila sa mga sponsors namin.." naramdaman ko ang biglaang pagdaloy ng dugo sa mukha ko.. dahilan para mamula ang aking pisngi.

(GxG) Let somebody love you 2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon