Chapter 33: Beauty is truth, truth beauty.

6.5K 324 67
                                    

Nephra's POV

Sunday afternoon..

"Yaya, I specifically asked you to bring my brandnew luggages! Hindi itong luma! What is happening with you? Nasaan naba kasi si yaya maring?!" Galit kong sabi sa isa sa mga kasambahay namin.

Mainit ang ulo ko ngayon dahil sa mga nangyayari saakin at pagkatapos ng conversation namin ni Diana sa homeroom; everything just pisses me off!

Kaya naman kahit na sinong makaharap ko ay napapagalitan ko.

"S-sorry po, Ma'am. Kunin ko nalang po yung bago.." nakayukong sabi nito. Nanginginig pa ata sya sa takot.

I exhaled sharply through my nose at hinawakan ang bewang ko, "You can't do your job properly! You're fired."

Nagulat ito.

Bago lang ata sya, I don't really know her name, hindi na ako nag-aaksaya ng oras para makilala pa silang lahat.

Mabilis itong nag-angat ng ulo at halos mangiyak-ngiyak na tumingin sakin, "P-pero Ma'am.. kailangan ko po talaga itong trabaho."

"I don't care. Get out!" I yelled, sabay turo sa pintuan.

"Neph?.. What's going on here?" Biglang pumasok si mommy.

Napalingon yung pinagagalitan ko, "Ma'am Rebecca.." maririnig mo ang pagmamakaawa sa boses nya; parang sinasabi nya kay mommy na i-rescue sya nito.

I bit the inside of my cheek, nagpipigil ako ng galit lalo pa't nandito si mommy.

"Why are you yelling, love?" Mahinahon at malambing na tanong nya.

"Tignan mo tuloy, umiiyak na si yaya.." lumapit ito sa kasambahay at hinawakan ang kamay nya, "Stop crying.. baka wala lang sa mood ang Ma'am Neph mo; huwag mo ng dibdibin ang mga nasabi nya. Sige na, pwede kanang bumalik sa trabaho mo.."

Unbelievable!!

"S-salamat po." Pasasalamat nito habang umiiyak parin, "Paalam po, Ma'am Neph.." tinaasan ko lang sya ng kilay at pagkatapos ay lumabas na sya ng kwarto ko.

I rolled my eyes sa eksenang iyon.

Tinignan ni mommy ang mga luggages na nakakalat sa sahig, "May camping nga pala kayo tomorrow noh?.. Mrs Trenor called me on the phone, asking for me and your dad's permission na.. sa resort nalang natin—ninyo gawin yung P.B camp. Pumayag naman kami ng dad mo.. atleast panatag kami, alam namin kung nasaan ka."

Naka-simangot parin ako.. hindi nagsasalita.

Bakas ng pagtataka ang mukha ni mommy; iniisip siguro nya kung bakit ganito ang behaviour ko.. tumingin sya saakin na parang nag-aalala. "What seems to be the problem, honey?"

Lumakad ito papalapit saakin, "Lately, sobrang bad-tempered ka."

Lumayo ako sakanya at tumalikod.

Mas kinakampihan ba nya yung katulong na yun kesa saakin?!

"Why did you let her stay?" I said while looking over my shoulder. "Hindi naman nya nagagawa ng maayos ang trabaho nya." My arms are crossed.

(GxG) Let somebody love you 2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon