Chapter 48: End of camp, Beginning of love

6.8K 249 116
                                    

Diana's POV

Mabilis na dumaan ang mga araw. Last day na namin ngayon sa camp, finally! Completed na namin ang mga activities namin. May mga school bus kaming pwedeng sakyan pero kinumbinsi ako ni Nephra na sakanya nalang sumabay, gusto niya daw kasi akong ihatid. Pumayag na ako dahil gusto ko pa siyang makasama ng mas matagal.

"So, are you all packed up?" Nagliwanag ang mukha ko nung makita ko kung sino ang nagsalita sa may pintuan.

"Yup! All set." Sagot ko. Ang gaan ng katawan ko at parang walang kahit na anong pagod na maramdaman ito sa isang linggong camping trip. I finally revealed all of my innermost thoughts and feelings. Sobrang daming nangyari sa isang linggo, hindi maniniwala si Arty 'pag kinwento ko lahat sakanya.

Luminga-linga muna si Nephra sa paligid, chini-check siguro niya kung may ibang tao ba malapit sa pod namin? Nung masiguro nyang wala na ay tuluyan na itong pumasok at inilock ang pintuan. Simula nung mag-aminan kami ay doble na ang pag-iingat niya.

Humakbang siya palapit saakin, sa gilid ng kama; kung saan naroon ang mga maleta.

She crossed her arms, just looking at me.. habang nakangiti na parang ewan. Hindi ko malaman kung ano ang iniisip niya, pero alam kong masaya siya.

"O? 'Bat naka-smile ka?" Natatawa kong tanong sakanya nung ma-conscious ako sa titig niya.

"Wala lang." Ngiti-ngiti nyang sagot, "Hindi lang ako makapaniwala na may girlfriend na ako pagbalik ko sa school." Malambing nitong pahayag habang hinihila ako nito palapit sakanya.

Andun parin yung fluttering feeling na nararamdaman ko tuwing kasama ko si Nephra. Lalo na sa tuwing kaming dalawa lang. Kumakabog at nagwawala parin yung puso ko, tapos palagi ko siyang hinahanap-hanap kapag wala siya. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong klaseng pakiramdam.

"Ako rin.. hindi parin makapaniwala na magugustuhan ng isang Nephra Allen ang isang tulad ko." Buong tapat kong sentimiento.

"Shh! Don't say that.." Mas lumapit pa ito, then she tilted my chin up with her hand; para mas mag-meet ang mga mata namin. "I'm the lucky one sa ating dalawa." She said softly, "Sobrang simple mo pero ubod ng ganda!" Pagbibigay diin niya sa salitang "ubod". Nakaguhit sa buong mukha niya yung honesty and kindness in her smile, "Matalino pa.. matapang.. because whatever life throws at you, even if it hurts you, you remain strong. So stop selling yourself short. You are amazing! Higit pa sa iniisip mo."

Naramdaman kong uminit ang magkabilang pisngi ko sa mga sinabi ni Nephra. Nang dahil sakanya, mas nagkakaron na ako ng kumpiyansa sa sarili, ang laki ng growth naming dalawa eversince we came here. Simula nung i-acknowledged namin yung mga nararamdaman namin. Totoo nga ang sinabi ni Mrs Trenor, matututo kami dito.

"Napaka-buladas naman.." Nonchalant kong sagot, pero sa kaloob-looban ko; sobrang mahalaga ang mga sinabi niya, vina-value ko talaga ang opinyong galing sakanya. "Pero seryoso.. sobrang nakakataba ng puso, Nephra. Salamat." Mas seryoso ko ng pahayag ngayon.

"Totoo lahat ng 'yon. At kung sakali mang makalimutan mo, hindi ako mapapagod i-remind ka palagi. Lucky for you, I take my girlfriend duty very seriously." Sabay kurot sa pisngi ko, we can't stop touching each other. Mas naging sweet pa kami sa isa't isa, para kaming nasa honeymoon stage.

"Ang sarap naman marinig niyan." Sabi ko, touched na touched sa mga salita niya. "Hay.. what did I ever do to deserve you?" Napatulala nalang ako sa nakaka-engkanto niyang mukha.

She didn't break our eye contact, "God! I want to kiss you right now." Bulalas nito, nangungusap ang kanyang mga mata. I felt butterflies in my stomach, parang nawalan ako ng hangin. Gumalaw tuloy yung mata ko paibaba sa labi niyang sobrang nakaka-adik hagkan.

(GxG) Let somebody love you 2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon