Chapter Sixteen

431 13 14
                                    

Ellaira's POV

"OMG! Yohann! Kailan ka ppa bumalik?" Excited na tanong ko habang nakakapit sa braso nila ni Taehyung na nakasimangot. Haha! Namimili kami ng mga damit ko para sa pagpunta namin ng Resort.

"Kagabi lang. Actually last week pa ako nakauwi kaso dumiretso ako ng Cavite sa utos din ni Mom. Dumating kasi yung fiancee ko." Paliwanag niya tapos tumawa.

"Fiancee?" Wow.

"Yes! May fiancee ka na!" Singit bigla ni Taehyung tapos ngumiti ng maluwag. Weird. Haha!

"Yes. Siguro karma ko na to dahil sa pagiging playboy ko. Tsk. Iba talaga si Mom." Sabi niya tapos nginitian ako.

"Pre, sama ka samin ah? Tutal kaibigan ka nitong si Elle. Punta kami sa Sparkling Resort para mag-party." Sabi ni Taehyung sa kanya habang nakangiti. Parang kanina lang sobrang talim ng tingin niya kay Yohann. Haha!

"Sure! Marami rin kasi akong iku-kwento sa Baby ko." Ngiti niya sabay tingin sakin.

"Uh, bakit 'Baby' tawag mo sa kanya?" Tanong ni Taehyung sa kanya.

"Kasi siya ang Baby ng group namin sa States noon." Tumawa siya kaya siniko ko siya. Ako kasi pinakamaliit!

"Ah. Kala ko kung ano." Buti nalang di na nagtanong pa si Taehyung! Pero nakangisi siya habang nakatingin samin.

Pagkarating namin sa Parking Lot ay sinabi agad ni Taehyung na sumunod nalang samin si Yohann. Dala niya kasi ang sasakyan niya.

Natulog lang ako buong byahe, ginising lang ako ni Taehyung nung nag-drive thru kami sa Jollibee. Buti nalang talaga di na ganun kasakit ang mga braso ko kaya medyo malaya na ako sa paggalaw.

"Diba nung nawala si Jin, yung Yohann din ang isang dahilan? Naikwento niya kasi noon." Biglang pag-o-open ng topic ni Taehyung.

"Huh? Talaga? Pero kasama ko si Yohann nun para sa business." Takang tanong ko sa kanya.

"Ehehehe." Tumawa lang siya tapos di na nagsalita. Weird. Tapos nagku-kwento rin pala si Jin? Haha.

Pagkarating namin ng resort ay sinalubong kami nila Kryzzet at Jungkook. Medyo halata na ang baby bump ni Kryz kasi flat tummy niya dati, as in. OMG! Ang cute cute niya ngayon!

Nakangiti ako pero bigla ako napatingin sa tiyan ko at napahawak din. This past few days kasi, napansin ko na lagi akong gutom pero di ako kumakain tapos madalas ako mahilo at nasusuka. Di pa rin pala ako nagkaka-period. Shit! Kinakabahan ako pero kailangan ko muna siguraduhin. Pagbalik namin ng Manila, magpapa-check-up agad ako or bibili muna ng pregnancy test kit. Fuck! Wag naman sana.. please.

"Oh bakit, Elle? Masakit ba tiyan mo? Di ka ba pinakain ni V kaya nalipasan ka ng gutom?" Tanong ni Kryz sakin at matalim na tinignan si Taehyung.

"Hoy! Tatlong beses kami nag-drive thru at siya halos nakaubos!" Defensive na sigaw ni Taehyung kaya tumawa ako. Totoo sinabi niya, lalo na marami ako nakain na fries.

"Totoo yun, pati yung fries ko kinuha niya rin!" Nakangiting sabi ni Yohann. Nanlaki naman mata ni Kryzzet nang makita siya.

"OMG! Yohann Vazquez?! Yung supermodel?!" Malakas na sabi ni Kryzzet.

"Babe." Nakangusong tawag sa kanya ni Jungkook pero di niya pinansin.

"Yes." Sagot ni Yohann na biglang niyakap ni Kryzzet.

"Oh my gosh! Oh my gosh! Pa-picture, please? Gosh! Babe, maayos ba mukha ko? Wait ah! Mamaya! Picture-an muna kita, tayo ka sa harap ng car mo. Babe, pahiram muna ng phone mo!" Sunod-sunod na sabi niya kaya kumunot na noo namin nila Jungkook at Taehyung.

Mr. Right (BTS Jin FanFiction)Where stories live. Discover now