Chapter Ten

411 16 3
                                    

Ellaira's POV

Natapos yung trip namin na hindi ako satisfied. Puro landian lang nila Jin at Carmela ang nakikita ko, tapos yung pangungulit ni Jeric nakakainis na. Hindi ko alam anong nakain ng lalaking yun at ginugulo ako. Bakit di yung fiancee niya ang guluhin niya. Kainis. Tuwing lalapit ako kay Jin para ilayo kay Carmela ay bigla siyang susulpot at dadalhin ako sa kung saan. Tapos parang wala lang yon kay Jin! Sabagay, fake girlfriend lang ako. Si Carmela talaga ang gusto niya.

"Pupuntahan ko pa pala si Yohann. Bakit ba di ko siya agad naisip lapitan noon? Sana siya nalang pala ginawa kong fake boyfriend! Kaso baka walang maniwala. Ang playboy kasi ng lalaking yun!" Naiinis na sabi ko habang nagbababad sa tub at pinaglalaruan ang rubber duck.

Matapos ko maligo at magbihis ay pumunta agad ako sa XOXO. I'm sure nandun na si Yohann. Balak kasi niyang mag-invest para maging business partners daw kami. Sus, gusto lang niya makakita araw-araw ng chicks sa bar. Naabutan ko siya sa office na nakaupo sa sofa at naka-de kwatro pa.

"Finally! You're here! Kalahating oras na akong naghihintay sayo." Nakangiting sabi niya tapos hinalikan ako sa pisngi bago niyakap.

"Sus, ang aga mo kasing dumating. Thirty minutes pa bago nga bago ang usapan natin." Sabi ko at niyakap siya pabalik.

"Alam mo namang ayokong nauuna sakin ang babae. Lalo na pag magandang tulad mo." Sabi niya at tumawa.

"Tumigil ka nga! Mga pambobola mo talaga." Natatawa kong sabi at tinulak siya. Tinawanan lang niya ako.

"Nasaan si Andrea?" Tanong niya.

Bumalik ulit siya sa sofa at tinapik yung tabi niya. Sumunod naman ako at umupo sa tabi niya. Umakbay siya agad at humiga sa balikat ko.

"Kasama sa concert nila Baek. Alam mo na.. Bigat mo, umayos ka nga." Sagot ko. Ang hilig magpabigat ng lalaking to. Tsk. Kung di ko lang matagal na kaibigan to, iisipin ko na chinachansingan lang niya ako.

"Wait lang. Ten minutes. Inaantok lang talaga ako." Sabi naman niya.

"Bakit kasi di ka umidlip kanina habang wala pa ako? Engot mo rin no? Bahala ka ngang mangawit dyan." Sermon ko sa kanya. Bahala siya mangawit, liit liit ko eh tas ang tangkad niya, matangkad pa kay Jin kaya alam ko mahihirapan to. Tss

"Tsk. Ingay mo naman." Mahinang bulong niya tapos umayos ng upo bago ako inusog sa dulo ng sofa at inunan ang hita ko.

"Happy now? Di na ako mangangawit." Nakangisi niyang sabi tapos kumindat.

"Heh. Matulog ka na nga." Tinampal ko labi niya kasi nakangisi. Kung di lang siguro playboy to baka na-inlove na ako sa kanya. Gwapo kasi, successful,matangkad, matangos ang ilong, mapula ang labi.. ugh! Tama na nga, si Jin naaalala ko. Shit!

"Wow. Sweet niyo naman." Nagulat ako pero napairap din dahil kilala ko kung kanino boses yun.

"Bakit nandito ka?" Tanong ko kay Jin na nakasandal sa wall at nakahalukipkip.

"Masama bang dalawin ang girlfriend ko?" Tanong niya at matalim ang titig sakin.

"What? Kayo na?" Tanong ni Yohann na nakadilat na at tumayo mula sa pagkakahiga sa lap ko.

"Oo. Kaya wag ka magkakamali.." Banta ni Jin sa kanya at binitin ang sasabihin niya.

Nag-'tss' lang si Yohann kaya kumunot-noo ni Jin at lumapit samin.

"Tara, aalis tayo." Hinawakan ni Jin kamay ko at hinila ako patayo pero hinawakan din ni Yohann ang isa kong kamay.

"Hindi siya pwede umalis, may pag-uusapan pa kami." Sabi ni Yohann saka tumayo.

Mr. Right (BTS Jin FanFiction)Where stories live. Discover now