Chapter Twenty-One

330 13 8
                                    

Ellaira's POV

"Ma'am Elle, tumawag ang mommy mo. Mamaya daw may darating na package para sayo. Yun daw ang susuotin mo sa dinner mamaya." Sabi sakin ni ate Adel. Kasambahay namin.

Nagising ako dahil sa walang tigil na pagkatok niya. Puyat ako at pagod dahil mag-a-alas dos na nung makauwi kami ni Jeric. Grabe, talagang pinaghandaan niya yung gabing yun.

"Ate, gising na ba si Jeric?" Tanong ko habang hinahawi niya ang mga kurtina.

"Wala na, ma'am. Maaga nagising kanina at pinapasabi niya na pinatawag siya ng daddy niya para sa isang meeting." Sagot niya. Tumango na lang ako at nagpa-salamat. Nahihilo ako, ugh!

Agad akong tumakbo sa banyo dahil bumaliktad na naman ang sikmura ko. Shit! Ang sama yata ng gising ko ngayon. Parang gusto ko na lang mag-stay dito sa kwarto at matulog. At kumain din.

Naligo na lang ako para kahit papaano ay mabawasan ang hilo at init na nararamdaman ko. Nag-malaking t-shirt lang ako at cycling shorts na maliit dahil nasa bahay lang naman ako.

"Gusto ko ng ice cream, yung chili flavor." Naka-simangot na bulong ko habang pababa ng hagdan. Kainis naman, kung kailan tinatamad ako umalis dun naman ako magke-crave sa ice cream.

To:  Yohann Vasquez

Bili mo kong chili-flavored ice cream, please?

Hinintay ko ang reply niya hanggang sa makaidlip ako. Nagising ako dahil may nag-doorbell.

"Si Yohann po ba yan?" Excited na tanong ko. OMG~ ice cream~

"Hindi po, ma'am. Package po." Sagot niya kaya napasimangot ako.

"Sige po lagay mo nalang dyan sa lamesa." Sabi ko na medyo maluha-luha. Kainis naman kasi si Yohann! Dati naman agad siya nagre-reply at agad na binibigay o binibili ang gusto ko!

To: Kim Seokjin

Baklang isip-bata, bili mo ko ng

Ay wait lang! Bakit ko siya itetext? Erase! Erase! Si Taehyung nalang!

To: Kim Taehyung

Pst. Bili mo kong chili-flavored ice cream? :

Agad naman siyang nagreply kaya na-excite ako sa pagbasa ng reply niya.

From: Kim Taehyung

Halo-halo nalang. Mas masarap pa at perfect ngayong summer. :P

Napasimangot ako at binato ang phone ko sa single sofa. Kainis naman! Matutulog na nga lang ako. Kinuha ko ang mga cushion at ginawang unan, dantay at niyakap ang dalawa.

----
"Elle, gising na." Mag yumuyugyog sa akin kaya hinawakan ko yung kamay na nakahawak sakin.

"Wag ka magulo. Inaantok pa ako." Sabi ko at tumalikod.

"Elle, malayo pa ang biyahe para sa dinner mamaya. Kung ayaw mo na mahuli tayo, tumayo ka na dyan." Sabi ng taong gumigising sakin. Wait, dinner? Mamayang gabi? Paanong--

"J-Jin?" Nanlalaki ang mga mata ko at biglang umupo at pinakatitigan siya. Seryoso lang ang mukha niya at biglang umiwas ng tingin.

"Mag-ayos ka na. Aalis tayo after one hour, may susunduin lang ako." Sabi niya at nagmamadaling umalis. Napatakbo naman agad ako sa kwarto ko at tumingin sa salamin.

"Buti naman medyo ayos pa ang itsura ko." Sabi ko. Ayoko naman magmukhang panget lalo na sa harap ni Jin. Lalo na maganda rin siya. Haha. Joke!

Mabilisan akong naligo at sinuot yung damit na padala ni Mommy. Simpleng white dress na backless, may diamond studs sa terante at may silver belt. White stilletos at may necklace, bracelet at earrings pa. Mommy talaga, ganun ba kaimportante yung ka-dinner namin mamaya para paghandaan pa namin?

Mr. Right (BTS Jin FanFiction)Where stories live. Discover now