Chapter Eighteen

293 11 10
                                    

Ellaira's POV

"Okay na ba siya?"

"Oo. Sabi ng doctor, sobrang stressed lang daw siya. Pero may mga test sila na ginawa para makasigurado."

"Mabuti naman. Sige, hyung. Alis muna kami. Kami nalang bahala kay manager."

"Sige. Pasensiya na."

"Sus! Wala yun. Alam namin na kailangan ka ni Elle. Lalo na wala pa sila Tita at Tito."

"Sige, salamat ulit."

Naramdaman ko na may humawak sa kamay ko. May malay na ako pero di ko pa maidilat ang mga mata ko.

"Mommy.."

"J-Jin!" Sigaw ko pagkatapos piliting buksan ang mga mata ko.

Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Jin. Nakatingin siya sakin at pinunasan niya ang pawis ko sa noo. Tinignan niya ang bawat detalye ng mukha ko bago ako tignan ulit sa mata.

"Ayos na ba pakiramdam mo? Sabi ng doktor stressed ka daw." Tanong niya. Napatingin ako sa paligid.

Nasa ospital ako. Napa-buntong hininga ako at tinignan si Jin na naga-alala sa kalagayan ko.

"Pwede na ba akong umuwi?" Tanong ko. Umiling naman siya kaya napasimangot ako.

"Bukas ka pa pwede umuwi kaya magpahinga ka lang diyan. Don't worry, hindi kita iiwan." Nakangiti niyang sabi kaya napaiwas ako ng tingin.

Minsan mo na akong iniwan, Jin. Diba? Para kay Carmela, handa kang iwan ako..

"Nagugutom ka ba? Nagdala ng lugaw si Samantha dito." Sabi niya at tumayo siya para pumunta dun sa table.

"Jin.." Tawag ko sa kanya. Agad naman niya akong nilingon.

"Hm?" Hay. Bakit ba ang gwapo mo? Napakaamo ng mukha mo.

"Hindi pa ba uuwi sila Mommy?" Tanong ko at bumuntong-hininga.

Sana umuwi na sila. Ayoko na munang makasama at makita si Jin. Mali tong nararamdaman ko. Mali tong plano ko. Ayokong maging selfish at angkinin siya, kasi in the first place, kay Carmela siya. Nagmamahalan sila.

Pero.. bakit ko nga ba pinipigilan ang sarili ko? Palaban ako, lahat nakukuha ko, lahat kaya ko.. Bakit ba hindi ko subukan? Malay niyo, mahalin din niya ako. Time at effort lang ang kailangan.. Pero..

"Paano pag.." Bulong ko habang hawak ang tiyan ko.

"I hate you, Jeric." Bulong ko at pumikit ng mariin.

"Hey." Tawag ni Jin sa pansin ko at hinawakan ang naka-kuyom ko na palang palad.

"Masakit ba ulit tiyan mo? May nakain kang di maganda kahapon kay sumakit." Naga-alalang tanong niya dahil nakita niyang nakahawak ako sa tiyan ko.

"No. Jin, gusto ko na umuwi. Please?" Naiiyak na pagmamakaawa ko. Gusto kong mapag-isa. Kailangan kong makapag-isip-isip.

"Pero hindi pa pwede. Ano ba ang problema? Sabihin mo sakin." Sabi niya at lumapit ulit sakin. Bakas sa mukha niya ang frustration.

"Jin, please! Gusto ko na umuwi.." Mahinang pakiusap ko at yumuko. Nag-unahan na sa pagtulo ang mga luha ko.

"W-wait, bakit ka umiiyak?" Gulat niyang tanong at niyakap ako ng mahigpit.

"J-Jin, gusto ko na umuwi." Humihikbing sabi ko. Bumuntong hininga siya at tumango.

"Fine, uuwi ka sa condo ko. Dyan ka lang, babayaran ko ang bill." Paalam niya pero agad kong hinawakan ang kamay niya.

Mr. Right (BTS Jin FanFiction)On viuen les histories. Descobreix ara