Chapter Seven

368 16 5
                                    

Hi, ate Stelle~ inspired po ako sa Daddy Kookie.  Silent reader po ako kaya ayon.. ^_^

*

Ellaira's POV

Nandito kaming magbabarkada sa Airport. Ngayon kasi ang dating ni Angelika Gonzales, ang girlfriend ni J-Hope.

"Oh my goodie~ I can't wait to see her! I'm sure na mas lalo siyang gumanda ngayon!" Masayang sabi ni Ayesha.

Ako lang ang hindi nakakakilala kay Angelika dahil third year college sila nong nag-transfer siya sa university na pinapasukan nila.

"Haha! Yeah. Nasaan na ba sila J-Hope? Aba naman! Kanina pa sila nagsasabi ng 'malapit na', pero hanggang ngayon wala pa!" Medyo asar na reklamo ni Kryzzet.

"Che! Miss mo lang si Jungkook! Parang kahapon di kayo magkasama ha?" Nang-aasar na sabi ni Samantha. Namula naman si Kryzzet kaya tinawanan namin siya.

"Tama na nga yan! Wait, si Angelika na yun!" Saway niya pero bigla siyang may tinuro na babaeng naka dress at fur coat.

"Angelika Gonzales!" Malakas na sigaw ni Zarina kaya napalingon lahat ng tao sa amin, pati yung tinawag niya na ang lapad ng ngiti samin.

"Aray!" Sigaw ni Zarina, binatukan kasi siya ni Ayesha.

"Nakakahiya ka." Natatawang sabi ni Ayesha kaya sinimangutan siya ni Zarina.

"Girls! Omg! Na-miss ko kayo!" Masiglang sabi ni Angelika at isa-isa silang niyakap.

"Ikaw si Ellaira, diba? Lagi kang naiku-kwento nila Ayesha sakin! Nice to meet you!" Nakangiting niyakap niya ako at nakipag-kamay.

"Wow. Ang ganda mo na ah!" Puri sa kanya ni Charlotte.

"Matagal na akong maganda. Ano ba!" Natatawang sabi niya at nag-flip hair. Hahaha. I like her, kalog din katulad ko.

"Para kang tanga, Angel. Kanina ka pa tawa ng tawa." Kunwari naiiritang sabi ni Charlotte.

"Eh sabi kasi ni J-Hope, maganda daw tawa ko." Kinikilig na sabi niya. Napaubo bigla si Kryzzet.

"Sira. Mukha kang biik na umiigik!" Sabi ni Ayesha kaya naman nagtawanan kami.

"Ang bad niyo! Kadarating ko lang ginaganyan niyo na ako." Nakasimangot na sabi niya. Tinapik naman siya ni Sam sa balikat na para bang dinadamayan.

"Hi! Kanina ka pa? Pasensiya na, na-traffic kasi kami." Hinihingal na sabi ni J-Hope. Lumapit naman sa kanya-kanyang girlfriend ang iba at humalik.

"Hindi naman. Kamusta, Baby? I missed you!" At naglambingan na nga sila. Ay wait, pati pala ang iba. Tsk

"Nasaan pala si Jin?" Nagtatakang tanong ni Ayesha kay Rapmon.

"Ewan. After ng photoshoot namin nagmamadali siyang umalis." Tumingin naman sila sakin kaya nagkibit-balikat ako.

"Baka may emergency lang sa kanila." Sabi ni Jungkook na nilalambing si Kryzzet.

"Ano ba! Mamaya na nga yang lampungan niyo." Saway ni Zarina sa kanila kaya naman kinurot siya ni Suga sa pisngi.

At naglampungan pa sila sa harap ko bago nila maisipang magyayang kumain.

---

"Relax, parang ikaw ang ikakasal ha." Natatawang bulong ni Jin. Kanina pa kasi ako bumubuntong-hininga.

Nasa labas na kami ng simbahan at inaayos na mga kasali sa entourage. Hinihintay nalang ang bridal car.

"Wag ka nga mang-asar." Nakasimangot na saway ko sa kanya.

Mr. Right (BTS Jin FanFiction)Where stories live. Discover now