Chapter Twelve

327 12 2
                                    

Ellaira's POV

Ugh! Ang sakit ng ulo ko! Ano ba nangyari kagabi? Huling natatandaan ko lang umiinom ako ng 12th shot ko ng JD.

"Asjdkdjsk." May narinig akong bumulong sa tabi ko kaya napaupo ako sa kama at napansin ko na wala akong damit! Agad-agad kong hinila ang kumot para itakip sa katawan ko.

"What the fuck?" Nasabi ko habang nakatingin kay Jeric na natutulog sa tabi ko. Wala rin siyang damit at buti nalang di ko masyado nahila ang kumot dahil mae-expose ang ano niya.

"Shit! May nangyari samin?" Bulong ko habang mahigpit ang kapit sa kumot.

Umiiling-iling ako at pumikit para alalahanin ang mga nangyari kagabi pero wala talaga akong matandaan! Unti-unti nang nag-unahan ang luha ko dahil narealize ko na wala na ang pinakai-ingatan ko. Dahan-dahan akong bumaba sa kama para di magising si Jeric, ayoko muna siya maka-usap. Isinuot ko ang mga damit ko na maayos na nakatupi sa bedside table. Shit talaga, buti nalang wala sila Mommy kundi lagot ako dahil hindi ako umuwi at di rin ako nagpaalam. Sumakay ako ng taxi para balikan sa parking lot ng bar yung kotse ko.

"Shit. Anong gagawin ko pag nagbunga?" Bulong ko pagkapasok ko ng kotse. Hinawakan ko rin ang tiyan ko at naiyak na naman ako. Ilang minuto rin akong umiyak, tumigil lang ako dahil tumunog ang cellphone ko.

Tumatawag si Jin.

"H-hello?" Mahinang sabi ko.

"Where the fuck are you?! Bakit hindi ka umuwi?! Kagabi pa kita tinatawagan!" Sigaw sakin ni Jin. Malakas ang boses niya pero parang wala lang sa akin. Pinatay ko nalang tawag niya at nakita ang ilang daang missed call at texts. Pinatay ko rin ang cellphone.

Ang dumi ko na.. di na kami pwede ni Jin. Sabagay, di naman talaga kami pwede dahil una sa lahat, si Carmela ang gusto niya at mas bagay sila. Pagkaliko ko pa lang ng sasakyan sa kanto ng street namin ay nakita ko na agad si Jin na nakatayo sa harap ng gate namin. Nang makita niya ang sasakyan ko ay lumapit siya agad at binuksan ang driver's seat at tinulak ako kahit umaandar pa.

"Ano ba! Masakit ha! Saan ba tayo pupunta?!" Sigaw ko dahil pinaharurot niya paalis.

"Hoy! Itigil mo nga ang sasakyan!" Sigaw ko ulit at hinampas hampas siya sa braso.

"Shut the fuck up!" Sigaw niya na dumagundong sa loob ng sasakyan kaya nanahimik ako. Ngayon ko lang siya nakitang ganito ka-galit. Hininto niya ang kotse at napansin ko na nandito kami sa lugar kung saan kita ang buong city.

"Labas!" Sabi niya at halata ang galit sa boses. Di ako kumilos dahil sa takot. Baka mamaya iwan niya ako dito. Malayo pa naman ang main road dito.

"Puta! Labas sabi!" Sigaw niya na ikinagulat ko kaya nagmadali ako sa paglabas. Narinig ko rin ang padabog na pagsara niya sa pinto.

Wow. Pinapaalala ko lang, kotse ko yan, Jin. Kotse ko.

"Bakit kasama mo si Jeric sa bar kagabi?" Matalim ang tingin niya sakin. Nasa harap ko na siya at natatakot ako sa kanya ngayon.

"Ha? Di ko siya kasama." Sagot ko at umiwas ng tingin.

"Tang-ina, Elle. Wag mo akong lokohin. Sinabi sakin ni Carmela na kasama mo si Jeric." Madiin niyang sabi at lumapit sakin.

"Nagkataon lang na nandun siya sa bar pero agad din siyang umalis." Sagot ko.

"Sinungaling." Sabi niya. Nilagay niya ang dalawang kamay niya sa magkabilang gilid ng ulo ko at yumuko para magpantay ang mukha namin.

"Totoo nam--- mmmm!" Di ko natuloy ang sinasabi ko dahil bigla niya akong hinalikan ng marahas.

Nalalasahan ko na ang dugo na mula sa labi ko at nalasahan niya rin siguro kaya naging mabagal ang halik niya. Parang ninanamnam niya ang bawat sandali kaya di ko napigilan at sinagot ko na ang halik niya. Pero ilang sandali lang naalala ko na di na nga pala ako malinis, nagalaw na ako ni Jeric kaya naiyak ako at tinulak si Jin at sinampal.

Mr. Right (BTS Jin FanFiction)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora