Chapter Twenty

330 10 2
                                    

Ellaira's POV

"Jeric, timplahan mo kami ni baby ng milk, please?" Pakiusap ko sa kanya. Nakaunan ako sa lap niya habang tinititigan niya ko at hinahaplos ang buhok ko.

"Sure, higa ka lang dyan." Sabi niya at dahan-dahan tumayo at nilagyan ako ng unan.

"Ayaw. Sama mo ko." Tinaas ko pa ang dalawang kamay ko na parang batang nagpapabuhat. Tinawanan naman niya ako at kinurot sa pisngi.

"Sige, sakay ka dito sa likod ko." Sabi niya at tumalikod para makasakay ako. Agad kong pinulupot ang braso ko sa leeg niya at ang binti ko sa bewang niya.

"Ang sarap dito sa likod mo, Jin." Sabi ko at agad nanlaki ang mga mata ko.

"J-Jin?" Tanong niya na may halong lungkot ang boses. Napalunok naman ako.

"I-I mean Jeric. Sorry." Sabi ko at nilapat ang pisngi ko sa likod niya.

"It's okay, naiintindihan ko naman." Sabi niya at naramdaman ko ang kamay niya sa hita ko para di ako mahulog.

Naglakad na siya papunta sa kusina habang naka-piggy back ako sa kanya. Nagtimpla siya ng gatas na para sa buntis at ibinigay sakin. Nakaupo ako sa counter habang siya ay nasa harap ko at nakayakap sa bewang ko. Nakalapat ang pisngi niya sa tiyan ko.

"Alam mo, Elle, excited na ako na lumabas ang baby mo." Sabi niya at hinaplos ang tiyan ko. Napasimangot naman ako.

"Baby natin, Jeric. Natin." Inis na sabi ko at hinaplos ang buhok niya. Ang lambot.

"Sabi ko nga. Nga pala, uuwi ako bukas. Gusto mo ba sumama? Ipapakilala kita kila Mom at Dad." Nakangiting tanong niya. Ang gwapo talaga niya pag nakangiti. Haaay.

"Su--" Naputol ang sasabihin ko dahil tumunog ang cellphone ko. Agad ko naman sinagot ang tawag at sumenyas kay Jeric na tumahimik.

"Hello, Mom! I missed you!" Masayang salubong ko. Buti naman tumawag na sila. Sobrang nami-miss ko na sila!

"I missed you, too, anak. Uuwi na kami bukas dyan and may dinner tayong pupuntahan." Sabi ni Mommy at halata sa boses niya ang saya.

"Sure, Mom. Saan po ba yan?" Tanong ko. Nakangiti at tinititigan si Jeric na enjoy na enjoy sa kakahaplos sa tiyan ko.

"Basta, anak. Sumabay ka nalang kay Jin, pupunta rin naman siya." Sabi ni Mommy. Napakunot-noo naman ako.

"Si Jin po? Bakit po siya kasama, Mom?" Medyo inis na tanong ko. Kung kailan naman lumalayo ako. Hay naku!

"Yes, anak. Importante rin kasi siya sa dinner na yun. Sige na, tatawag nalang kami bukas. Naghahanda na kami para sa flight namin. I love you, anak. Ingat ka raw sabi ng Daddy mo." Sabi niya at agad rin binaba ang tawag.

Seriously? Bakit ba sa tuwing lalayo o iiwas na ako kay Jin ay bigla naman kaming paglalapitin na naman ng tadhana! Nakakainis na ha!

"Wag ka na sumimangot." Biglang sabi ni Jeric at hinalikan ako. Napangiti naman ako. Di pa rin siya nababago, sweet pa rin tulad ng dati.

"Ayos ah, ang sweet niyo." May sarkastikong nagsalita kaya napatingin kami sa entrance ng kitchen.

"Anong ginagawa mo dito?" Inis na tanong ko kay Jin na nakahalukipkip at masama ang tingin kay Jeric.

"Susunduin ka sana, gusto ka daw kasi makasama nila Jimin kaso nakikipaglandian ka pala. Ge, alis na ako." Walang emosyong sabi niya at agad na tumalikod para umalis. Tss

"Hindi mo ba siya susundan?" Tanong ni Jeric at binuhat ako para ibaba sa counter. Umiling ako at ngumuso. Asa siya!

"Thank you, Elle." Sabi niya at niyakap ako ng mahigpit.

Mr. Right (BTS Jin FanFiction)Where stories live. Discover now