Special Chapter (Suga and Zarina)

311 9 3
                                    

Zarina's POV

"Yoongi~" Bulong ko habang busy siya sa paghiga. Tch

"Hm?" Napa-pout ako. Ganun lang?

"Pasyal tayo~" Paglalambing ko at humiga sa tabi niya.

"Gusto ko magpahinga." Sagot niya at tinalikuran ako.

"Sige na? Please? Jebal?" Pagmamakaawa ko at niyugyog siya. Naman eh! Di na nga kami madalas mag-date! Tapos pag nasa bahay ko siya lagi siyang natutulog! Di pa niya ako nilalambing!

"Aish! Zarina naman. Next time nalang, okay? I'm tired." Sabi niya at tumihaya. Kita kong nakakunot ang noo niya at naka-lip bite.

Kainis! Lagi nalang! Bakit? Siya lang ba pagod? Ako rin naman ah! Siya galing sa practice, ako galing sa shooting! Pero ginagawa ko to para makasama siya, imbes na matulog lang. Hindi ba niya ako nami-miss?!

"Bahala ka nga dyan! Kainis ka!" Sabi ko at binato sa mukha niya yung unan pero wala naman siyang reaction.

"I hate you, Min Yoongi!! Sabi ko pero nainis lang ako lalo dahil sa sagot niya.

"Sweg." Ugh! Bwisit! Iniwan ko siya sa kwarto.

Siguro tatawagan ko nalang si Tristan para samahan ako mag-shopping. Buti pa yun kahit lalaki, di nagsasawa na samahan ako. Ay! Kaso baka may makakita samin. We're both models but first niya sa showbiz. Siya ang leading man ko. Sikat siya kahit wala siya sa showbiz noon. Gwapo kasi tapos successful pa. Baka ma-issue pa kami. Pero bahala na! Todo disguise nalang! Ang boring kasi dito sa bahay. Nakakasawa na manood at magsurf sa net.

"Hello? Tristan, samahan mo ko mag-shopping, please?" Sabi ko pagkasagot niya sa call ko. Nag-puppy eyes pa ako kahit di naman niya nakikita.

"Sure. Susunduin ba kita?" Kita mo? Payag agad! Di katulad nung isa na nasa kwarto. Hmp!

"No, SM nalang, foodcourt." Sabi ko at narinig ko siyang tumawa. Problema nito?

"Foodcourt? Seriously?" Tanong niya. Bakit ba? Para nga di na ako matemp kumain!

"Eh basta! Dun ha! O kaya sunduin mo nalang ako dito sa bahay. Bilisan mo! Bye." Sabi ko at agad na binaba ang tawag. Sanay na rin naman siya sakin. Hoho

"Saan ka pupunta?" Biglang lumitaw si Suga sa harapan ko habang ginugulo ang buhok. Shit! Ang gwapo! Huhu. Wait lang, naiiyak ako sa kagwapuhan ng gums na to! Ugh!

"Mall." Dry na sabi ko. Okay, Zarina. Wag papahalata na kinikilig ka pa rin sa kanya.

"Ah." Sabi lang niya tapos pumunta na sa kusina! Kainis!

"Wait!" Sigaw ko dahil parang pinagti-trip-an ang doorbell. Tsk

"Sino ba yun?" Asar na tanong niya habang palapit sa sofa.

"Tristan! OMG! Ang gwapo mo talaga!" Sigaw ko pagkabukas ng gate at niyakap si Tristan. Yes! Sigaw talaga! Bwisit ka Suga!

"Yung boyfriend mo ang sama ng tingin." Bulong ni Tristan habang nakayakap pa rin ako.

"Yumakap ka pabalik." Bulong ko at tinapakan ko paa niya.

"Aw! Shit!" Daing niya at napayakap sakin ng mahigpit.

"Wow. Saan kayo nakabili ng pandikit at di na kayo mahiwalay?" Napangisi ako nang marinig ang sinabi niya.

"Oh, sorry. Na-miss ko lang si Tristan." Sabi ko at hinila si Tristan. Iniwan namin sa labas si Suga na sumunod naman agad sa amin.

"Talaga? Kahapon lang kayo nagkasama." Sabi ni Suga at dire-diretsong umakyat sa taas, pupunta na naman sa kwarto at matutulog. Tss

"LQ?" Tanong ni Tristan at umupo sa sofa. Nagpalakad-lakad lang ako, nag-iisip.

Mr. Right (BTS Jin FanFiction)On viuen les histories. Descobreix ara