Chapter Thirteen

349 14 7
                                    

Ellaira's POV

Sabi ni Jin puntahan ko siya sa tambayan ko mamaya. Yun yung place kung saan kita ang buong city. Pupunta ba ako? Kaso iiwasan ko na nga kasi siya diba, kaya kailangan ko gumawa ng paraan para di makapunta.

"Miss Elle, may bisita po kayo." Sabi ng maid namin. Nagsuot ako ng jacket bago bumaba sa sala. Malamig kasi ngayon, makulimlim at maya-maya lang siguro ay uulan na.

"Hi, Elle!" Bati sakin ni Suga at lumapit sakin para yakapin ako.

"Ano ginagawa niyo dito?" Tanong ko sa kanila.

"Aayusan ka. Naligo ka na ba?" Sagot ni Zarina at ngumisi. Sumimangot naman ako.

"Bakit niyo ako aayusan? Hindi pa, ang lamig kaya." Sagot ko naman at umupo sa sofa.

"Uso naman maligamgam ah. Palusot mo. Maligo ka na, dali! Tanghali na di ka pa naliligo." Tumatawang sabi ni Suga. Niyakap ko lang unan na nasa tabi ko.

"Ligo na!" Ulit ni Zarina.

"Wag nga matigas ulo mo." Sabi ni Suga at tumayo at binuhat ako na parang sako ng bigas.

"Ano ba! Bitawan mo nga ako! Suga!" Sigaw ko habang naglilikot.

"Tigil nga! Mahuhulog ka! Lagot pa kami kay Jin." Sabi ni Zarina at pinalo ng mahina ang ulo ko.

Pagkarating namin sa kwarto ko ay diniretso nila ako sa cr at nilapag sa tub bago buksan ang shower. Sabay naman silang tumakbo palabas.

"Maligo ka na! Di namin bubuksan pinto pag di ko naligo. Thirty minutes lang ha? Bilisan mo!" Sigaw nila kaya napapadyak nalang ako sa inis.

"Ang lamig! Ugh! Nabasa pa damit ko! Lagot kayo sakin mamaya!" Sigaw ko at naghubad na para maligo.

---

"Suotin mo to ha? Hala, dali! Umupo ka na dito!" Hinila ako ni Zarina at pinaupo sa kama ko.

"Marunong naman ako mag-make up ng sarili ko!" Pagmamaktol ko.

"Alam ko. Pero sabi kasi ni Jin wag ka pagurin." Sagot niya habang ina-apply ang BB Cream.

"Di naman nakakapagod ang pagme-make up." Sabi ko.

"Ah basta. Tahimik na, pwede?" Sabi niya kaya nag-make face lang ako at nanahimik na.

"Panget mo." Sabi ni Suga habang tumawa na nanonood sa ginagawa sakin ng girlfriend niya.

"Che! Gums man." Sinipa ko siya pero di naman umabot. Ugh!

"Gwapo naman. Liit mo kasi." Pang-aasar niya kaya dumila nalang ako sa kanya at tinaas middle finger ko. Hehe

"Tsk, bad yan!" Sigaw niya at tinapik ng marahan kamay ko.

"Sus, echos ka. Tumigil ka nga dyan ha. Nakakadagdag ka ng stress." Pagbabawal ni Zarina sa kanya na nanahimik naman. Bleh! Buti nga sayo.

"Para saan ba to? Bakit kailangan naka-ayos pa?" Tanong ko pero di naman sila sumasagot. Kainis.

Light make-up lang naman ang ginawa sakin ni Zarina. Pinasoot niya sakin ang pink tube dress na hanggang tuhod at white pumps. Naka-curl din sa baba ang buhok ko.

"Okay! Ngayon naman, kailangan ka namin ihatid. Tara!" Masayang sabi ni Zarina at pumalakpak pa. Nauna na siya lumabas pagkatapos senyasan si Suga.

"Tara, princess." Nilahad ni Suga ang braso niya sakin at kumapit naman ako dun. Inalalayan niya ako sa paglabas ng bahay at pagsakay sa kotse. Sa backseat ako nakaupo, nakikinig lang sa sweetness ng dalawa.

Mr. Right (BTS Jin FanFiction)Where stories live. Discover now