Chapter One

920 20 5
                                    

Ellaira's POV

"NANG IKA'Y IBIGIN KO~ MUNDO KO'Y BIGLANG NAGBAGO~ AKALA KO IKA'Y LANGIT~ YUN PALA'Y SAKIT NG ULO~ SABI MO SA'KIN~ KAILANMA'Y DI MAGBABAGO~ NANIWALA NAMAN SAYO~ YUN PALA'Y IIWAN MO~~"

Namamaos na ang boses ko sa pagkanta ng paulit-ulit sa karaoke dito sa bahay. Buti nalang naiintindihan ng magulang ko pinagdadaanan ko ngayon kaya hinahayaan lang nila ako. Isa lang naman ang dahilan kung bakit halos dalawang linggo na akong nagda-drama at iisang kanta lang ang kinakanta. Umaga hanggang hatinggabi kumakanta ako ng walang sawa. Brokenhearted ako! Bwisit! Yung walang kwenta kong boyfriend pinagpalit ako sa ibang babae! Walanghiya siya! Kaya eto ako ngayon, sawing-sawi.

"DI MO ALAM DAHIL SAYO! AKO'Y DI MAKAKAIN! DI RIN MAKATULOG BUHAT NANG IYONG LOKOHIN! KUNG AKO'Y MULING IIBIG SANA'Y DI MAGING KATULAD MO! TULAD MO NA MAY PUSONG BATOOOOOOO~"

"Hoy, Elle! Tumahimik ka na nga at patayin yang karaoke! Rinding-rindi na ako sa boses mo!"

Argh! Boses palang ay alam ko na kung sino ang sumigaw. Wala naman ibang nambubuwisit sa akin sa kahit anong oras kundi ang anak ng kapitbahay namin at bestfriend ni mama! Hindi na ako nagtataka kung bakit nakapasok yan dito sa sala ng ganun ganun lang. Walanghiya yang bakla na yan eh! Pasalamat siya family friend namin sila! Naka-boxer lang siya at gulo gulo pa ang buhok.

"Ano ba, baklang isip bata? Lumayas ka nga dito! Nakita mo nang nagse-senti ako oh!" Asar na sigaw ko. Ang gago kasi, agad kinuha sakin ang microphone at pinatay ang karaoke. Aagawin ko sana yung microphone kaso dahil matangkad siya kaya di ko maabot!

Mula pa dati parang aso't pusa na kami. Ang yabang kasi niya at ang epal sa buhay ko kaya inis na inis ako dyan! Napaka-mapang-asar pa! Ako nga pala si Ellaira Monterey. Elle for short. Eighteen years old na ako, first year college taking up Bachelor of Science in Business Administration major in Management.

"Anong baklang isip bata? Gusto mong makatikim?" Nagdilim ang mukha niya. Ayaw na yaw niyang tinatawag na ganun. Mahilig kasi siya sa color pink at super mario kaya ganun ang tawag ko para maasar din siya. Huh! Kala nya ha!

"Ikaw hindi ka ba nahihiya sa boses mo? Ang pangit! Hindi ka ba nahihiya? Para kang sunasapian ng espiritu! Kung gusto mo magwala, tara sa music room ko! Atleast doon, wala kang maiistorbong tao." Pagkatapos sabihin yun ay hinila niya ako kaagad papunta sa kanila. Aangal sana ako kaso mukhang di ko na rin siya mapipigil. Sila mommy parang walang pakealam na pinapanood kami habang kumakain ng cake. Si Daddy umiinom ng kape habang nakatingin din samin. Hay! Kainis talaga!

Siya nga pala si Seokjin Kim. Jin for short. Eighteen years old din. Pure korean pero dito siya sa Pilipinas lumaki. Bata pa lang kasi siya iniwan na sila ng Daddy niya. Namatay sa isang car accident kaya simula nun nag-migrate sila dito at dun nagkakilala sila Tita Hyerim at mama. Nakita ko rin na may grupo ng babae sa tapat ng bahay sa kabilang lane, nakatingin sila kay Jin at halatang kinikilig sa topless na baklang to.

Kasali siya sa isang group. Wala pang isang linggo nung maipakilala sila sa music industry pero napakarami na nilang fans. Gwapo kasi silang lahat at talented. Pero tong lalaking to, di naman ganun kagaling sumayaw pero sobrang gwapo kaya ayos lang. Dagdag points din ang malapad niyang balikat.

"Oh kanta na. Kahit magngangawa ka pa buong magdamag dyan walang maaasar sayo." Sabi niya pagkarating palang namin sa loob ng music room niya. Kumpleto lahat ng instruments niya at may dance studio pa sa kabilang side. Grabe talaga pag nag-iisang anak, lahat ibinibigay.

"Tignan mo nga yang itsura mo. Mugtong-mugto ang mga mata mo, malaki eyebugs mo at gulo-gulo buhok mo. Naliligo ka pa rin ba?" Natatawang sermon niya kaya sinuntok ko siya ng malakas sa tiyan kaya napaupo siya sa sahig. Bagay sayo yan! Ang sama talaga ng ugali! Kaya hindi ko type yang lalaking yan kahit na halos lahat ng babae nagkakagusto dyan!

Mr. Right (BTS Jin FanFiction)Where stories live. Discover now