Chapter Fifteen

338 11 2
                                    

Ellaira's POV

"Isusuot ko sayo to. Don't worry pipikit naman ako." Seryosong sabi niya. Tinignan ko lang siya na parang nahihibang na siya.

"Trust me." Sabi niya at nakipagtitigan sa akin. Nakakailang!

"O-okay." Sagot ko at medyo umiwas ng tingin.

Dahan dahan niyang inalis ang butones ng pantulog ko bago isuot sa akin ang blouse ng nakapikit. Ganun din ang ginawa niya sa shorts. After nun ay sinuklayan niya ako at nilagyan ng hair pin. Medyo natatawa nga ako pero pinipigilan ko dahil seryosong-seryoso ang mukha niya.

"Tara na sa baba, naisunod na yung kotse ko." Sabi ni Jin at inakbayan ako habang palabas kami ng unit niya.

Pagkarating namin sa harap ay nandun ang driver nila at iniabot sa kanya yung susi. May binigay naman siya dun bago ako pinagbuksan ng pinto.

"Sakay na dali." Nag-make face ako pagkasakay. Sungit ng lalaking to.

"Gusto ko pumunta sa amusement park." Sabi ko habang nakatingin sa labas.

"Walang nagtatanong." Sabi naman niya kaya nainis ako bigla.

"Ako nalang mag-isa ang pupunta." Inis na sabi ko.

"Hindi pwede, may pilay ka pa. Hayaan mo pag gumaling yan pupunta tayo." Sabi niya. Heh! Asa naman ako sayo. Busy na kaya kayo nyan.

"Elle." Bahala ka. Tss

"Ellaira Monterey." Nye nye nye. Wala akong naririnig.

"Hoy, pandak, panget, engkanto, dwende--"

"Gago ka ha!" Pagpuputol ko sa mga pang-aasar niya. Bwisit tong lalaking to!

"Ayaw mo kasi ako pansinin." Sabi niya habang tumatawa. Sumulyap din siya sandali sakin.

"Nakakaasar ka kasi. Paasa ka." Sabi ko at tumingin nalang sa harap.

"Hindi naman ako paasa. May dahilan naman ako kung bakit di ako nakakapunta pag nangako ako sayo." Sabi niya at parang malungkot ang tono ng boses niya.

Hindi nalang ako umimik hanggang sa nakarating kami sa mall. Sinundan ko siya hanggang sa korean restaurant na kinainan ko dati. Oo, ako lang dahil diba nag-usap sila ni Carmela. Tss

"Upo na." Sabi niya pagkahila ng upuan. Tumango lang ako bago umupo.

"Ikaw nalang bahala sa pag-order." Sabi ko pagkabigay samin ng menu. Tumango lang siya at sinabi sa waiter ang order.

"Bakit tumamlay ka yata?" Tanong niya at tinitigan ako. Umiling lang ako at umiwas ng tingin.

"Elle." Hinawakan niya ang baba ko para maiangat ang ulo ko kaya nagkatitigan kami.

"Wh--" Di natuloy ang sasabihin niya dahil biglang may sumingit. Napapikit si Jin dahil sa iritasyon? Ugh! Ewan!

"Hi, Jin! Nice mustache." Naka-smirk na sabi ni Carmela.

"Carmela." Seryosong banggit ni Jin sa pangalan niya.

"Hey, why so serious?" Natatawang tanong ni Carmela. Umiling lang si Jin at ngumiti. Binitawan na din niya ang baba ko.

"Restroom lang ako." Paalam ko sa kanila nang umupo si Carmela sa tabi niya.

Dire-diretso lang ako sa paglalakad papuntang restroom. Pagkapasok ko ay agad ako tumingin sa salamin para tignan ang sarili ko.

"Relax, Elle. Hindi na mauulit yung dati." Pagchi-cheer ko sa sarili ko.

"Ang kulit mo rin no? Diba sabi ko layuan mo na si Jin?" Nabigla ako dahil sumunod pala si Carmela sakin.

Mr. Right (BTS Jin FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon