Chapter Four

503 15 8
                                    

Ellaira's POV

"Wala pa rin nagbabago sa school na to maliban sa pag-iiba ng kulay ng mga buildings. I miss the garden, ang lagi namin pinupuntahan to ng mga kaibigan ko kapag vacant at nagka-cutting kami." Sabi ko kay Jin. Dito rin kami nag-college, pero umalis nga lang kami nong first year second sem.

"May kaibigan ka pa pala noon?" Medyo nang-aasar na tanong niya. Iniisip niya siguro na sa sama ng ugali ko magkakaroon pa ako ng kaibigan.

"Meron din naman maliban kay Andrea no!" Asar na sabi ko.

"Saan po ang reunion? Sa gym po ba?" Tanong niya kila Mommy. Tumango si Tita at nagkwentuhan ulit sila. Ipinarada niya ang kotse.

"Nandito na pala tayo, Mare. Masyado tayong nalibang sa kwentuhan." Masiglang sabi ni Mommy.

Bumaba si Jin para alalayan bumaba sila Tita at Mommy. Mag-isa akong bumaba at agad kumapit kay Mommy.

"Ellaira, kay Jin ka na sumabay. Marami pa kaming pag-uusapan ng Mommy mo." Ngumiti si Tita at tumango ako.

"Shall we?" Kahit medyo nag-aalangan ako ay wala na rin akong nagawa. Kumapit nalang ako sa nakalahad niyang braso at sabay kaming naglakad papasok.

Ang tangkad ng lalaking to. Kahit mataas na ang stilletos ko ay hanggang baba niya lang ako. Nakita kong may mga dalaga na kumakaway sa kanya. Nginitian niya ang mga yon. Sus, pa-cute.

"Ang bait mo pala." Bulong ko sa kanya.

"Matagal na. Ikaw lang naman ang salbahe." Nang-aasar na sabi niya. Bwisit talaga ang lalaking to! Siniko ko siya pero tinawanan niya lang ako.

"Kung hindi ko lang nahahalata na may hidden agenda ka, hindi naman ako papayag na maging escort mo." Biglang sabi niya. Ngumisi ako. Tama ang hinala ko kanina.

"Huh? What are you talking about?" Pagkukunwari ko.

"I'll interrogate you later. Cheer up, maraming nagkalat na paparazzi." Mahinang sabi niya.

Ngumiti naman ako. I knew it, alam niya na agad na may balak ako. Pero tama bang gawin ko siyang fake boyfriend? Well, kung babalikan ko ang mga listahan ng mga quality ng lalaking gagawin kong fake boyfriend..

Number one, he has to be handsome. Check! Two, he has to be friendly. Check din! Three, we have to have something in common. Friends ang mommies namin and same school kami mula kinder hanggang first year college. Oh my! Check na check! Four, he is not intimidated by me. Check! Ako pa nga ang na-intimidate kanina. Five, someone who will never fall in love with me. Super check! I'm not his type. See? He is the perfect fake boyfriend candidate. Sana lang ay pumayag siya.

Mag-isa ako sa garden, lumabas ako para magpahangin. Nabo-bore na rin kasi ako. Jin is flirting. Ugh! Nagiging friendly lang daw siya. Friendly my ass! Bakit ba ako naaasar? Ts!

"Now, tell me your hidden agenda." Muntik na akong atakihin sa puso ng marinig si Jin na magsalita sa likod ko.

"Gosh! Bakit ba sumusulpot ka nalang bigla?" Medyo asar na tanong ko. Shit! Parang lumabas ang puso ko sa gulat!

"I don't have all night." Sabi niya at tumabi sakin.

"Paano mo nasabi na may hidden agenda ako?" Tumingin ako sa fountain na nasa harap namin.

"Come on, Elle. Ilang beses mo na ba akong ipinahamak noon? Unang tingin ko pa lang sayo kanina, alam ko na may masamang itinatakbo yang utak mo." Nanunuksong tumingin siya sakin kaya tumingin din ako sa kanya.

Nakatitig kami sa mata ng isa't isa at nahigit ko ang hininga ko. Gosh! Bakit ang gwapo gwapo niya? Lalo na ngayon na naha-highlight ng ilaw sa post ang gwapo niyang mukha. He looked so manly, like the hero in love stories I always dreamed of. My mr. Right.

Mr. Right (BTS Jin FanFiction)Where stories live. Discover now