EPILOGUE

297 10 5
                                    

Elloisa's POV

Dumarating talaga sa buhay natin ang mga pagsubok, hindi para pahirapan lang tayo at paiyakin o pasukuin sa buhay. Dumarating ito para palakasin tayo, para patatagin upang maging handa para sa mas mabibigat pang pagsubok. Hindi ito ibibigay ng Diyos kung hindi natin kaya, basta manalig lang tayo at maging matatag.

"Mommy! Mommy! Inaaway ako nila Tito Jimin at Tito Hopie!" Sigaw ng anak namin habang tumatakbo palapit sa amin. Nandito kami sa poolside para magmeryenda.

"Bakit? Anong ginawa nila sayo?" Kunwari'y galit na tanong niya na ngayon ay minamasahe ang kanang kamay ko. Umupo sa gitna namin si Taehan kaya binitawan muna niya ang kamay ko.

"Sabi po nila walang forever. Mommy, Daddy, meron naman po, diba? Kasi kayo forever po, diba? Di naman po kayo maghihiwalay?" Naiiyak na sumbong niya kaya napangiti ako. Tumawa naman siya.

"Yes, baby. Forever na kami ng mommy mo. Forever na tayong magkakasama." Sabi niya at binuhat si Taehan para iupo sa kandungan niya. Nilingon niya ako at mabilis na hinalikan sa labi.

"I love you, Elle. Mahal na mahal na mahal na mahal kita." Bulong niya at hinalikan na naman ako.

"Yehey! Sabi na nga ba may forever! Sige po, makikipaglaro ulit ako sa kanila." Narinig kong sabi ni Taehan at narinig ko nalang ang pagtakbo niya palayo.

"Tae.." Bulong ko kaya tinignan niya ako sa mata bago ako yakapin ng mahigpit.

"Sakin ka lang, Elle. Hindi mo naman ako iiwan, diba?" Tanong niya at ramdam ko ang lungkot niya. Natawa naman ako at tinulak siya palayo sa akin.

"Oo naman! Mahal kita at kahit wala na akong naaalala sa nakaraan ko, ayos lang. Kasi alam ko naman na magsisimula ulit tayo, Tae. I trust you.. Alam kong di mo ako lolokohin at iiwan." Nakangiti kong sabi habang hawak ang magkabilang pisngi niya. Nagulat naman ako dahil biglang tumulo ang luha niya.

"Elle.. Thank you." Sabi lang niya at niyakap ulit ako.


-------

Seokjin's POV

Limang taon..

Limang taon na ang lumipas mula ng iniwan niya kami. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin siya makalimutan. Siya pa rin hinahanap-hanap ko. Hindi ako naniniwalang patay na siya.  Fuck! Imposibleng patay na siya dahil ramdam kong hindi niya bangkay ang laman ng bridal car!

"Mr. Kim, I'm sorry pero isinarado na ulit ng court ang kaso. Malinaw na nakasaad na si Ms. Ellaira Monterey ang---" Hinagis ko ang kopita sa pader dahilan kung bakit natigil ang pagsasalita niya.

"Mag-file ka ulit para mabuksan ang kaso. Mag-hire ka ng invertigator para mahanap kung sino ang may pakana ng lahat ng ito. Ramdam kong buhay pa siya, Attorney Han. Please.. nagmamakaawa ako, gawin niyo ang lahat para makita siya." Ramdam ko na naman ang mga luha ko. Tangina! Ellaira, miss na miss na kita!

"Sige, Mr. Kim. I'll update you soon. I need to go." Paalam niya at nang makaalis na siya ay napaupo ulit ako sa swivel chair at itinukod ang dalawang siko ko sa mesa.

"Dad.." Narinig kong tawag sakin ni Yoosun. Agad akong napatingin sa kanya. Umiiyak na naman siya..

"I'm sorry, Baby. Ito lang sa ngayon ang kayang gawin ni Daddy." Sabi ko habang naglalakad palapit sa kanya. Umupo ako sa tabi niya at niyakap siya ng mahigpit.

"Daddy.. I'm sorry.. Sana nasa tabi ako ni Mommy nun para naprotektahan ko siya." Garalgal ang tinig niya at sumisinghot pa. Tinignan ko ang mata niya at hinawakan ang magkabilang-pisngi niya.

"No. I'm happy dahil di ka kasama sa bridal car ng mommy mo dahil kung nagkataon, pareho kayong mawawala sakin. Ayaw mo naman nun, diba? Wala ng matitira sakin at wala ng dahilan para mabuhay ako kung pati ikaw iiwan ako. I love you, anak. Kailangan ka ni Daddy. Ikaw na kang ang meron ako." Umiiyak na sabi ko at hinayaan na maging mahina ulit ako sa harapan ng anak namin.

Elle.. bumalik ka na, please. Buhay ka pa, diba?

Someone's POV

"Are you sure na di sila magkasama?" Tanong ko sa mga tauhan ko.

"Opo, ma'am. Sa isang exclusive na subdivision siya nakatira at may isang anak po sila." Sagot nila kaya napataas ang kilay ko. Anak? Interesting. Kailangan ko na talaga bumalik para makuha siya, at alam kong this time.. magtatagumpay na ako. Lalo na't wala na siya.

------------
AN: Sorry, maiksi lang. Sisimulan ko na yung Book II~

Sa Book II:
- Disbanded na ang BTS. Dahis mas pinili na nila na mamuhay ng nornal at makasama nila ang mga minamahal nila. Though, hindi rin ganun ka-normal kasi ex-Idols sila.
- Yung profession nila base sa Dope MV. Hahahahaha. Alam na~
- Yoosun Kim: 10 Years old na.
- Taehan Kim: 5 Years old.
- Suga, Jungkook & Namjoon: Kasal na sa girlfriends nila.

Ayan lang muna. See you sa Book II~ Sana suportahan niyo pa rin! 감사합니다~

Mr. Right BOOK II: Love Is Not Over
http://w.tt/1lWhcpo

Mr. Right (BTS Jin FanFiction)Место, где живут истории. Откройте их для себя