Chapter Nine

378 15 2
                                    

Ellaira's POV

"Boys! Gumawa na kayo ng bonfire! Ano ba! Kumilos-kilos nga kayo!" Nanggagalaiting sigaw ni Ayesha sa BTS.

Kanina pa kasi kami nag-iihaw ng barbeque habang yung mga lalaki nakahiga lang sa buhangin. Inaatake na naman yata ng katamaran.

"Eto na-- Aray!" Sigaw ni Taehyung. Piningot kasi siya ni Charlotte.

"Kami na dyan." Sabi nila Jin at J-Hope. Inagaw nila samin ang pamaypay.

"Rapmon! Yung bonfire!" Sigaw ulit ni Ayesha at pinanlalakihan ng mata ang boyfriend niya.

"Suga, Jimin, Jungkook, tumayo na kayo." Utos ni Kryzzet sa kanila pero si Jungkook lang ang sumunod.

"Zarina oh! Si Suga!" Sumbong ni Jimin na tumayo rin pagkatapos mag-unat.

Kailangan namin ma-enjoy ang trip na to kasi magiging busy na ang girls sa work at business nila. Ang BTS naman puno rin ang sched. Ewan ko nga kay Jin kung paano niya pa masisingit ang pagiging fake boyfriend niya sakin. Free naman kasi ako lagi, di naman ako masyadong kailangan sa bar and resto namin ni Andrea. Ayoko muna mag-work sa company namin. Next year nalang tutal malapit naman na.

Agad din nakagawa ng bonfire sila Jimin, Jungkook at V. Sila Baekhyun, Suga at Rapmon naman ay kumuha ng drinks.

"Andrea, Kryzzet, Zarina, Sam, Ayesha, Angelika, Charlotte.." Bulong ko. Kumunot noo ko habang tinitignan sila. Kumpleto naman na kami pero sino yung babaeng kakulitan nila Jin at J-Hope habang nag-iihaw?

"Huy! Tulala ka dyan?" Nagulat ako sa biglang paglitaw ni Kryzzet.

"Sino yung babaeng yun?" Tanong ko at tinuro nga yung kakulitan nila Jin. Parang familiar yung mahaba at kulot sa dulo na buhok niya. Naka-bikini siya at maikling short. Maputi rin siya at..

"Oh shit! Si Carmela." Bulong ko dahil medyo napaharap siya nung tinawag ni Jin si Suga. Tinignan ko si Kryzzet.

"Ah yon? Biglang dumating kanina nung nag-solo kayo ni Jin. Kilala mo ba yun? Mukhang mabait pero di ko siya feel." Nakangiwing sabi niya.

"Ah." Nasabi ko nalang at tinignan sila Jin. Nakita ko siyang nakakapit sa braso ni Jin.

"Ang gago naman kung makakapit. Kailangan nilalapit sa boobs?" Naaasar na bulong ko. Ang landi! Bwisit! Yung Jin naman na yun gustong gusto! Tss!

"Ano binubulong-bulong mo dyan?" Nagtatakang tanong ni Kryzzet.

"Wala." Sagot ko at tumawa. Mabuti pang uminom nalang ako. Ang panget nila sa paningin!

"Pahingi nga ng isang bote ng beer." Sabi ko kay Jungkook na inabutan agad ako ng dalawa.

"Kailangan mo yan." Sabi niya tapos kumindat at ginulo buhok ko.

Huh? Di ko siya gets. Binuksan ko na ang isa at tumayo para lumayo saglit sa kanila. Lalagok na sana ako nang may biglang yumakap sakin. Natapon tuloy. Ugh!

"Nandito ka rin pala! What a coincidence!" Masayang sabi ni Jeric. Nakasimangot lang ako dahil natapon ang beer! Sayang!

"Bakit nandito ka? At bakit ka bigla-biglang nangyayakap?" Tanong ko na medyo naiirita.

"In-invite ako ni Suga. Bakit, ayaw mo ba?" Sagot niya ng nakangisi. Ah, magkakilala pala sila? At wow, makapal talaga mukha ng lalaking to.

"Hindi ka yata masaya na makita ako?" Tanong niya sa himig na nagtatampo.

Wow. Makapal talaga mukha nito ah. Ang kapal kapal.

"Hey! Nandito ka na pala." Dumating si Suga at inakbayan ako.

"Magkakilala pala kayo?" Tanong ko kay Suga. Tumango siya at ngumiti.

"Kasama ko siya sa varsity nong college." Sagot niya.

"Hands off." Biglang may nagsalita sa likod namin at inalis ang pagkakaakbay ni Suga sakin.

"Seokjin Kim." Ngisi ni Jeric.

"Tss." Hinila ako ni Jin palayo sa dalawa at dinala sa kung saan sila nag-iihaw.

"Saan ka ba pumunta? Try this! Ang sarap ng pagkaka-ihaw ko." Biglang kumapit na naman sa braso ni Jin si Carmela at binigay ang isang barbeque.

Gago to. Pare-parehas lang lasa nyan. Landi mo!

"Sarap no? Oh wait may sauce ka sa side ng lips." Si Carmela na naman at nakita kong pinunasan niya gilid ng labi ni Jin.

"Yes, masarap." Natatawang sabi ni Jin at tinapat sa bibig ni Carmela yung barbeque.

"No, para sayo lang yan." Malanding sabi niya.

"Thanks!" Sabi ni Jin at nagtawanan sila.

Put---! Ang landi niyo, please! Ang sarap niyo ungudngod sa grill. Tss

"Oy, Elle, gusto mo rin?" Tanong sakin ni Jin.

Wow, buti napansin mong nandito pa ako, no? Sana di mo nalang ako hinila kanina kila Suga at Jeric. Ano to? Kumuha ka lang ng audience niyo sa kalandiang ginagawa niyo? Ts.

"Oh! You're here pala!" Maarteng sabi ni Carmela. Ngumiti lang ako ng fake. Sarap mong lunurin. Letche!

"Oh hell yes! I'm here! So stop flirting with my boyfriend!" Asar na asar na sabi ko at padabog na inalis ang pagkapit niya kay Jin.

"Tara! May gagawin tayo! Bwisit!" Sigaw ko kay Jin habang hinihila siya paalis.

"Gagawa na ba kayo ng baby?!"

"Ninang ako ha?!"

"Ninong ako!"

"Oh yes! Pwede sumama?!"

"Nood ako! Dun lang ako sa gilid!"

Sigaw ng mga barkada namin. Ano ba yan! Ang green nila! Tsk!

"My fake girlfriend is jealous. Do you want a kiss?" Nanunuksong tanong ni Jin kaya bigla ko siyang nasipa sa where-it-hurt-the-most.

"Oh my gosh! Sorry!" Natatarantang sabi ko at muntik ko ng hawakan yung ano niya kasi ganun ako, pag mag nasaktan ako hahawakan ko kung saan masakit. Hehe

Pero buti nalang narealize ko na mali yun kaya niyakap ko nalang siya habang nakaluhod siya. Huhu. Di ko sinasadya! Kasalanan naman niya kasi nang-aasar siya!

"Ugh! Pagbabayaran mo to! Pangalawa na to at pag ako nabaog! Makikita mo!" Hirap na hirap niyang sabi. Buti nalang talaga nandito na kami sa room namin.

Siya nagsabi na share kami ng room kasi ewan. Mangmamanyak lang yata to. Tss! Pero sa lapag siya matutulog! Duh! Di ako papayag na tabi kami no!

"Kasalanan mo yan! Ts! Bwisit!" Sigaw ko sa kanya tapos nag-walk-out nalang. Sungit kasi.

Huh! Bahala ka dyan, Seokjin Kim! Ang landi landi mo kasi!

-----

Sorry konti lang. :(

Suga sa side. ♥

Mr. Right (BTS Jin FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon