Chapter Two

466 16 5
                                    

Ellaira's POV

Four years later..

Oh my gosh! Late na ako sa usapan namin ni Andrea! Bestfriend ko siya since college at kahit lumipat kami ng family ko sa States ay hindi pa rin kami nawalan ng communication.

Magba-bonding kami ngayon. Kaso hindi yata tumunog ang alarm clock ko or napasarap lang talaga ang tulog ko? Naiinis kasi ako. Ang dami kong iniisip kagabi. Dali-dali akong naligo at nagbihis. Nakita ko rin na ang daming missed calls galing kay Andrea kaya binilisan ko na ang pag-drive.

Late ako ng two hours sa usapan namin at kitang-kita ko ang nakasimangot niyang mukha. Haha!

"Andrea! Oh my gosh! I'm sorry! Napasarap tulog ko." Ngumuti ako at nag-peace sign. Alam ko naman na hindi niya ako matitiis. Ngumuso lang siya.

"Sorry na, 'kay? Libre kita ng Macchiato." Ngumiti naman siya agad kaya nag-excuse ako para um-order.

"Andrea, I need your help! I need a boyfriend! A fake boyfriend!" Natatarantang sabi ko nang maalala ang iniisip ko kagabi. Sumubo muna siya sa cake bago ako tignan ng nakasimangot.

"Bakit sa akin? Alam mo naman na bigo din ako sa pag-ibig." Sabi niya at sumubo ulit ng cake.

"Eh kasi kahit bigo ka, marami pa ring boys na lumalapit sayo. Samantalang sakin, mas marami ang nai-intimidate. I'm not that bossy, right?" Nakasimangot kong tanong.

"Nope. But you're still intimidating." Natatawa niyang sabi.

"Ang sama mo naman. Bestfriend ba talaga kita?" Nagtatampo kong tanong. Tinawanan niya lang ako.

"I'm just stating a fact. Eh bakit mo ba kailangan ng fake boyfriend, ha?" Tanong niya. Sumubo ako ng cake.

"Remember Arianne Ramos? Yung close friend ko noong college?" Tumango siya.

"Oh anong kinalaman niya sa dilemma mo ngayon?" Tanong niya.

"Ikakasal na siya sa long time love niya na si Kai at ako ang maid of honor." Sagot ko. Napanganga siya.

"Oh my gosh! Really?!" Gulat na tanong niya. Saksi rin kasi siya sa paghahabol ni Arianne kay Kai noon. Si Kai naman eh todo dedma sa kanya. Pero tignan mo, sila rin pala ang magkakatuluyan.

"Yes. Congrats to her."

"Oh, anong problema mo? Kahit wala kang boyfriend, you will still stand out in any occasion." Kalamadong sabi niya.

"Hindi pa rin. Kasi sa lahat ng lalaki na pwede maging best man, Si Jeric Lopez pa ang napili ni Kai." Naiinis na sagot ko. Yan ang dahilan kung bakit hindi ako agad nakatulog kagabi.

"Ah. Yung lalaking iniwan ka at ipinagpalit ka sa mas sexy at mas maganda?" Natatawang tanong niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"So, kailangan pa ipangalandakan sa mukha ko? Oo, siya nga yon. Yung lalaking gago na iniyakan ko ng dalawang linggo at dahilan ng paglipat namin sa States ang magiging best man. That's why I need your help. Kailangan ko ng lalaking papayag na maging boyfriend ko para sa event na yon. Balita ko kasi isasama ni Jeric ang fiancee niya." Hindi niya ako pwedeng makitang mag-isa hanggang ngayon tulad ng hula niya noon.

Sigurado akong ipapamukha niya ulit sakin na wala ng magkakagusto sakin. Na napilitan lang naman siyang ligawan ako dahil pwede na akong pagtyagaan. Gago, diba? Kaya kung kailangan ko magbayad ng malaki ay gagawin ko para lang makahanap ng fake boyfriend.

"Uh, kahit sino pwede na?" Tanong niya.

"Hindi naman. Baka mamaya ex-convict yan o rapist. Basta papasa maging ideal boyfriend. One day lang naman, please?" Sabi ko.

Mr. Right (BTS Jin FanFiction)Where stories live. Discover now