Chapter Twenty-Two

354 12 2
                                    

Ellaira's POV

"Elle, anak. Kumain ka naman, please. Alalang alala na kami sayo. Pati mga kaibigan mo hindi mo nilalabas. Nagtatampo na sila." Sabi ni Mommy pagkaupo sa higaan ko. Nakatalikod ako sa kanya at nakatakip ng kumot.

"Isang linggo ka ng di lumalabas. Makakasama sa baby mo ang pagmumukmok at di pagkain ng maayos." Sabi pa niya at bumuntong hininga.

"Elle, nandito naman kami ng Mommy mo para makinig sa problema mo. Kausapin mo lang kami." Narinig kong sabi ni Daddy pagkatapos ng marahang pagbukas at pagsara ng pinto.

"Please. Talk to us. And is it true na si Jeric ang ama ng batang dinadala mo?" Tanong pa ni Dad kaya napalunok ako. I'm sorry..

"Kausapin mo naman kami, anak. Gusto namin malaman mula sayo." Marahan pero may diin na sabi ni Dad kaya dahan-dahan akong umupo at humarap sa kanila. Kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata nila.

"Nalaman namin kay Jin na buntis ka at si Jeric ang ama." Sabi ni Mommy at nakipagtitigan sa akin. Napayuko naman ako at tumango.

"Nalaman din namin na nag-propose na siya sayo and you said yes." Tuloy ni Dad kaya napapikit ako.

Ugh! Jin! Bakit mo sinabi?!

"Wag ka magalit kay Jin dahil sa sinabi niya samin. Dapat lang naman na malaman natin 'coz we are your parents." May diin na sabi ni Dad. Napakagat ako sa labi at napakuyom.

"I-I'm sorry, Daddy, Mommy." Mahinang sabi ko. Ni hindi ko alam kung narinig ba nila o hindi.

"We understand your situation, anak. Alam kong ayaw mong pangunahan ka namin dahil hindi basta-basta ang issue na to." Sabi ni Mommy at hinawakan ang kamay ko.

"But, are you really sure na magpapakasal ka kay Jeric? Yes, alam namin na ayaw mo na lumaking walang ama ang anak mo lalo na't nandyam naman si Jeric na handa namang panindigan ang ginawa niyo. Anak, alam natin lahat kung ano ang ginawa niya noo--" Di natuloy ni Mommy ang sasabihin niya dahil agad akong humarap sa kanila at magsalita.

"But Mom! N-nagpaliwanag na siya. Sinabi niya na hindi n--" Di ko na rin natuloy dahil sa sinabi ni Daddy.

"Your Mom is still talking, Ellaira Monterey." Madiin niyang sabi kaya napayuko na naman ako at pumikit ng mariin.

"Sorry." Sabi ko na lang.

"As I've said earlier, hindi kaila sa amin, sa ating lahat kung gaano kang nasaktan dahil kay Jeric. Ano man ang dahilan niya, valid or invalid, hindi pa rin maaalis sa amin ng Daddy mo ang mainis sa kanya. Nasaktan kami, anak. Nasaktan kami dahil sa nasaksihan naming pagdurusa mo noon." May diin pero medyo pumipiyok na sabi ni Mommy kaya naiiyak ako. Naiiyak ako dahil hindi ako aware na nasasaktan pala sila Mommy noon. Parang wala lang kasi silang pakealam sakin noon.

"Elle, we know you. Kung magpapakasal ka lang naman sa kanya dahil siya ang ama ng dinadala mo. Think twice. And there's Jin." Napatingin ako kay Daddy pagka-banggit niya pa lang ng pangalan ni Jin.

Nakatingin siya picture na nasa bedside table ko at naka-ngiti. Yun yung picture namin ni Jin matapos niya ako takutin nung may nagkulong sakin sa loob ng locker. Naka-ngiti siya at naka-peace sign habang ako naman ay magulo ang buhok at masama ang tingin sa kanya. Halata pa ang natuyong luha sa mukha ko.

"Nandyan siya para akuin ang bata. Handa siyang akuin ang responsibilidad at mahalin ito na parang tunay niyang anak. Mabait na lalaki si Jin, mapagkakatiwalaan at may isang salita. Alam namin na maaalagaan niya kayo, na hindi niya kayo magagawang saktan. Anak, ramdam naman namin na mahal niyo ang isa't isa." Dugtong ni Dad at tumingin sakin. Nahuli niya akong medyo nakangiti habang nakatingin sa picture kaya napayuko ulit ako at ngumiti ng mapakla.

Mr. Right (BTS Jin FanFiction)Where stories live. Discover now