Chapter Five

429 18 11
                                    

Ellaira's POV

Nakangiti ako pagkagising. Hindi pa rin ako makapaniwala na pumayag si Jin. Pero medyo kinakabahan ako dahil magkikita na kami mamaya ni Jeric. Isasama niya kaya ang fiancee niya?

"Ellaira! Hinahanap ka ni Jin!" Tumayo ako para pagbuksan si Mommy. Ang lakas ng katok niya, parang kalampag na nga. Haynaku!

"Kanina pa nandito si Jin ah. May usapan ba kayo? Isang oras na yatang naghihintay sayo. Hala sige! Mag-ayos ka na. Nakakahiya sa kanya." Sermon sakin ni Mommy. Tumingin ako sa wall clock at nakitang seven am pa lang.

"Sige po. Maliligo na." Sinarado ko kaagad ang pinto pagkaalis ni Mommy.

Naligo agad ako at kung ano-anong pagpapaganda ang ginawa sa cr. Kailangan maganda ako ngayon. Pero mamayang after lunch pa naman ang rehearsal ah?

"Bwisit naman na Jin yan. Ang aga-aga nambubulabog! Tsk!!" Pagdadabog ko habang pinupunasan ang buhok ko. Palabas na ako ng cr para makapagbihis na. Nasa higaan ko kasi ang mga susuotin ko. Pagkalapit ko ay susuotin ko na sana ang pants ko.

"What a nice view." Nanlaki mga mata ko nang biglang may nagsalita at pumito pa.

"Fuck! What are you doing here?!" Sigaw ko at tinakip ko sa katawan ko ang kumot. Ngumisi siya.

Shit! Nakita niya akong naka-undergarments lang?! Ugh! I want to punch that handsome face!

"Pinapanood ka? Kidding. Sige lang, magbihis ka na." Nakangisi pa ring sabi niya at tinaasan pa ako ng kilay.

"Labas!" Sigaw ko at ibabato sana sa kanya ang alarm clock ko pero mabilis siyang tumayo at itinaas ang kamay na parang sumusuko.

"Woah! Chill! Sabi ko nga lalabas na ako." Natatawang sabi niya. Sinamaan ko siya ng tingin. Akala ko lalabas na siya pero tinignan niya muna ako na parang nang-aakit.

"By the way, nice body." Kumindat muna siya bago magmadaling makalabas ng kwarto ko.

Naiwan lang akong nakanganga at tulala sa kung saan siya nakatayo kanina.

"What the hell?" Kunot noong sabi ko matapos mahimasmasan. Nabagsak ko pa sa sahig ang alarm clock ko.

Pagkatapos ko magbihis ay agad akong bumaba para batukan si Jin. Bwisit na manyak!

"Saan ba tayo pupunta? Bakit ang aga mong nambubulabog?" Nakasimangot kong tanong. Hindi ko pa rin makalimutan pagpasok niya sa kwarto ko. Bakit ba kasi nakalimutan kong i-lock?!

"Kila Kryzzet. Movie marathon." Tipid na sabi niya.

"Anong oras tayo uuwi? May rehearsal pa mamaya." Paalala ko. Tamad niya akong sinulyapan.

"Malay ko. Sila Jungkook tanungin mo, sila nagyaya." Tignan mo to nagsusungit na naman. Nag-make face lang ako at tumingin sa labas.

Pagkarating namin sa bahay ni Kryzzet ay naabutan namin sila ni Jungkook na naghahalikan. Seriously? Butterfly kisses lang naman. Pero kahit na. Haaay. Bitter lang siguro ako.

"Nandyan na pala kayo. Nagbake ako ng cookies." Masayang sabi ni Samantha na inaakbayan ni Jimin.

"Siguradong masarap yan! Pahingi!" Sigaw ni Taehyung na pababa ng hagdan. Hinahabol siya ni J-Hope.

"Mamaya pa to! Hintayin muna natin sila." Sabi ni Jimin tapos bumalik na sila ni Sam sa kusina.

"Sino pa bang kulang?" Tanong ni Jin. Seryoso pa rin mukha niya.

"Suga, Rapmon at Ayesha. Sila Charlotte at Zarina nasa kwarto na ni Kryzzet, inaayos para mamaya manonood nalang." Sabi ni Jungkook na nakikipag-kulitan kay Kryzzet. Puro hagikgikan nila naririnig ko. Tsk

Mr. Right (BTS Jin FanFiction)Where stories live. Discover now