Chapter Eight

387 16 5
                                    

Ellaira's POV

Napag-pasyahan ko na manatili sa bahay ngayong araw. Tatlong araw na ang lumipas mula ng ikinasal sila Arianne at Kai. Tatlong araw na ring hindi nagpaparamdam si Jin dahil sa hectic schedule nila at tatlong araw na rin akong kinukulit ni Jeric sa text. Naiinis na nga ako dahil hindi bababa sa isang daan ang text niya sa buong maghapon. Siguro ay kay Kai niya nakuha ang number ko.

"Ano ba yan! Kanina pa kita kinakausap pero mukhang spaced out ka." Naiinis na reklamo ni Andrea. Ikinukwento na naman kasi niya ang problema nila ni Baekhyun na paulit-ulit naman. Haaay

"Sorry. Hayaan mo  na kasi siya. Makipag-break ka na. You need space. Ipa-realize mo sa kanya ang halaga mo. Na hindi lahat ng oras eh nandyan ka para saluhin siya. Kailangan niya matuto, Andrea. Di na healthy ang relation niyo. Ikaw nalang lagi ang nasasaktan." Pangaral ko sa kanya. Napansin ko naman na napaisip siya.

"Sige, mag-muni-muni ka muna dyan. Bababa lang ako para kumuha ng snack natin." Paalam ko sa kanya at bumaba sa kusina. Nakakagutom talaga agad pag walang ginagawa.

"Yes, hijo. Nasa kwarto siya kasama si Andrea. Puntahan mo nalang sila." Palabas na ako ng kusina nang marinig ko si mama na may kausap.

"Sige po, Tita. Okay lang po ba na isama ko siya sa outing naming magbabarkada? Three days and two nights lang naman po." Boses pa lang alam ko ng si Jin yun.

Wow. Outing? Saan kaya? Lumabas ako ng kusina at nagkunwaring walang narinig.

"Oh, anak. Mag-ayos ka na dahil sasama ka sa outing nila Jin. Jin, kausapin mo na yan." Sabi ni Mommy tapos pumunta na sa labas. Nasa garden yata si Dad eh.

"Himala. Anong masamang hangin ang nagdala sayo dito?" Nakataas kilay kong tanong kay Jin.

"I need you. Kailangan mo mag-act bilang girlfriend ko." Seryoso ang mukha niya habang pinapasadahan ng tingin ang buong mukha ko.

"What?" Nasabi ko nalang. Nagulat ako eh. Ako? Kailangan niya para mag-act na girlfriend niya?

"You heard me right, Elle. Whether you like it or not, you will act as my girlfriend." Sabi niya. Napanganga nalang ako ng naglakad siya palabas.

"Nga pala, magready ka ng damit for three days. Isama mo na si Andrea. Aalis tayo in an hour." Pahabol niya pa bago tuluyang makalabas.

Nakasimangot akong umakyat sa kwarto ko. Naabutan ko pa si Andrea na kalandian si Baekhyun sa Skype. Tss

"Nagpadala na ako ng damit kay Baek. Sa kanya ako sasabay ha? Alam ko na sa car ni Jin ka sasakay." Sabi niya.

Sinamaan ko siya ng tingin dahil nakakaloko ang tingin niya sakin. Di ko pa sinabi sa kanya yung sinabi ni Jin na mag-act ako bilang girlfriend niya. Fake boyfriend at fake girlfriend na naman ang peg namin.

After one hour, dumating din sila. Ang ingay ingay nila. Buti nalang sanay na ako at sila Mommy.

"Ingatan niyo ang anak ko ha?" Paalala ni Mommy sa kanila. Nahihiya nga ako dahil parang bata naman ako kung makapaalala si Mom. Haay

Medyo matagal din ang naging byahe namin. Alas tres na rin nang makarating kami sa isang beach resort. Hindi ko alam kung saan to pero napakaganda ng lugar na to. White sand at ang ganda ng paligid. Walang gaanong tao, siguro ay private property 'to.

"Yey! We're here na!" Masayang sabi ni Andrea. Nag-unat silang lahat pagkalabas ng kanya-kanyang sasakyan. Dalawang high ace van ang dala namin para daw masaya. Sus, eh tulog nga sila buong byahe.

"Okay, ganito. Pili kayo ng gusto niyong room. One room per person para maiwasan ang.. ehem." Sabi ni Suga.

"Gago! Di kami manyak tulad mo." Nagtawanan ang lahat dahil sa sinabi ni Jin kay Suga.

Mr. Right (BTS Jin FanFiction)Where stories live. Discover now