Room Sixty Two

8.7K 106 21
                                    



Clinton's POV

Ilang araw na nga ba ang lumipas? Ilang araw na nga ba nung huli kong nasilayan ang napaka gandang mukha niya? Ilang araw na nga ba ang nakalipas nung huli ko siyang nayakap?

Akala ko makakaya ko pang ayusin ang lahat matapos ng nangyari ng gabing iyon. Akala ko babalik na siya sakin at magpapakasal. Pero hindi, hindi na ata talaga siya magpapakasal sakin. Hindi na talaga ata siya babalik.

That night was awesome, yung gabi na yun na siguro ang pinaka masayang gabi naming dalawa. Though hindi natuloy ang kasal namin, natuloy naman ang honeymoon namin.

I wont call it as sex, instead I'll call it making love. That night ramdam na ramdam ko sa bawat haplos, sa bawat halik at sa bawat paghalinhin niya ng pangalan ko kung ganu niya ko kamahal. Syempre I returned the favor. Sinigurado kong sa bawat labas pasok na ginawa ko sakanya ay ramdam niya ang buong pagmamahal ko. Bawat haplos sa makinis niyang balat, bawat halik na ginawad ko sa bawat parte ng kanyang katawan at sa bawat halinghing ko ng napaka gandang pangalan niya.

Bakit nga ba inisip kong kagaya parin siya ng dati? Na hahabul habulin niya parin ako, na mapapatawad niya kagad ako, bakit ba yun ang inisip ko ng mga oras na yun? Higit sa lahat, bakit ako natulog? Bakit hinayaan ko siyang makakuha ng tyempo para iwan ako? Bakit hinayaan kong iwan niya kong muli? Bakit?

That night was magical indeed, nakarating kaming dalawa sa langit ng mangilang ulit. But then, as I woke up the next morning, she's gone. Para siyang panaginip na mahirap ng panaginipan pang ulit. She left me, iniwan niya na talaga ko.

Sinubukan kong hanapin siya, lumapit ako sa mga Pucker para humingi ng tulong. Pero kahit sila ay walang magawa, kahit sila ay hindi makahanap ng impormasyon kung nasaan si Reika. Kahit na ang mga Pucker ay walang magawa para mahanap siya.

Hindi ko na alam kung pano ko pa ipagpapatuloy ang buhay. Hindi ko na alam pa kung pano pa ko ngayong wala na si Reika.

Siguro nga't playboy ako, na iniiyakan ako ng mga babae, na hinahabol hanol ako ng mga babae. Pero aanhin ko naman ang mga babaeng yun kung hindi naman sila si Reika?

I want Reika, I need Reika, she's my life, my happiness, my other half. At ngayong wala siya sa tabi ko, I felt empty.

Akala ko noon ang pagiging bitter ay para lang sa mga babaeng iniwan ng mga boyfriend nila. Akala ko noon na hindi nagiging bitter ang mga lalaki. Pero simula ng iwan ako ni Reika, nalaman kong ang pagiging bitter ay hindi lang sa mga babae. At ngayong araw na ito ay isa sa mga araw na bitter ako.

"o ano tapos na ba kayo magloving loving na dalawa dyan? baka pwedeng makiraan?" nilagpasan ko nalang sina Karen at Roy.

Sa mga gantong araw na sweet ang mga kadorm ko ay lumalabas ako ng dorm. Ayokong nakikita kung gano sila kasaya kasama ang mga mahal nila. Ayokong nakikitang sweet sila.

Minsan gusto ko nalang gayahin yung mga babaeng bitter na nakikita ko tas sisigawan ko sila ng "magbebreak din kayo" o kaya naman ng "walang forever". Pero dahil lalaki ako't at kahit papano may natitira parin naman akong kahihiyan sa katawan ay di ko nalang ginagawa.

Kagaya ng ginagawa ko nitong nakaraang araw. Pinuntahan ko ang isang lugar na madalas naming puntahan noon ni Reika. Nagbabakasakali na makita ko siya, na makausap ko siya at bumalik siya sakin. Pero kagaya ng mga nakaraang araw, walang Reika akong nakita sa lugar na 'yun.

Reika's POV

"sigurado ka na ba dito anak?" tanong sakin ni papa.

"opo pa"

Hindi ko na alam kung gano na katagal nung huli kong nakita si Clinton. Para bang isang malaking joke ang naging relasyon naming dalawa. From being boyfriend girlfriend way back college, hanggang magbreak, magkabalikan at maging masaya sa isa't isa sa loob ng halos apat na taon, hanggang sa magdesisyong magpakasal. Eto na naman, back to zero na naman kami.

Walang kasalan, pero may honeymoon.

Siguro hanggang sex lang talaga ang relasyon namin ni Clinton, hindi siguro talaga kami para sa isa't isa. Hindi na siguro namin dapat pang ipagpilitan ang ayaw. Lalo lang kaming masasaktan kapag pinagpatuloy pa namin.

Kaya naman napagdesisyunan kong umalis, aalis ako at iiwan ang lahat. Aalis ako para hanapin ang sarili ko.

Kung kami talaga ni Clinton, kami talaga. Kahit ilang taon pa, kahit saan pa.

Sa ngayon kailangan naming mag-isip at mabuhay ng magkahiwalay.

"mag-iingat ka don anak, susunod kami ng mama mo kapag naayos na namin ang lahat dito"

"salamat pa" yumakap na ko kina mama at papa. Nagpapasalamat ako ng sobra sobra sakanilang dalawa. Hindi nila ko iniwan at ngayon, tinutulungan nila kong makalis. Sila din ang gumagawa ng paraan para hindi ako matunton ng mga Pucker. Kahit na alam namin na langaw lang kami para sa mga Pucker, sinusubukan parin namin. Hangga't maaari ay ayaw kong mahanap ng kahit na sino.

Bago tuluyang pumasok ng eroplano ay bumulong ako sa hangin.

"see you again Clinton, mahal na mahal kita"

Hindi ko alam kung kailan, pero sigurado ako na magkikita kaming muli.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 22, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pucker Series #3: dormiSEXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon