Room Thirty Two

11.9K 85 11
                                    

Room Thirty Two

Sheena's POV

Hindi ko alam kung bakit kapag nanliligaw ang lalaki ay nagbibigay sila ng bulaklak sa babae. Aanhin ba ng babae yung bulaklak? Hindi naman yun nakakain at lalong hindi yun nagtatagal, malalanta din yung bulaklak. Pero kahit ganun nagbibigay parin sila ng bulaklak.

Pero si Harry? Hindi niya pa ko binibigyan ng bulaklak, e sabi niya manliligaw daw siya sakin. So kung walang bulaklak edi hindi niya ko nililigawan ganun?

Kala ko pa naman manliligaw siya sakin. Saka gusto ko pa man din ng bulaklak.

"anong iniisip mo?" nakakainis naman kasi e, panong hindi ko iisipin ang panliligaw niya sakin? E sabi niya manliligaw siya pero panay libro lang binibigay niya sakin

"wala"

"ba't ang sungit mo?" kapag magsabi ng wala maaungit na kagad? Ano ba yan

"hey galit ka ba?" ako galit? Pano ba magalit? Ni hindi ko nga alam kung kailan ako nagalit at kung kanino at kung bakit

"Sheena"

Harry's POV

Bakit ba mahirap basahin ang gestures ng mga babae? Meron bang lesson para matutunan mo kung pano basahin ang kung anong nasa utak ng isang babae? May libro bang makakapagnigay impormasyon sakin tungkol sa iniisip ng isang Sheena Pucker?

"Sheena" kanina ko pa napapansin na hindi siya ganon kaenergetic ngayon. Nung binigyan ko siya ng libro kanina parang hindi siya natuwa. Hindi niya kaya nagustuhan yung librong binigay ko?

"Sheena galit ka ba sakin?" ayokong galit siya sakin, ayokong hindi niya ko pinapansin. Mababaliw ako pagkaganun.

"hindi"

"e ba't ayaw mo kong kausapin?" hindi ko na matiis, nakakafrustrate na. Wala akong pake kung habang buhay akong manligaw sakanya. Pero hindi ko kayang ganto siya sakin.

"kinakausap kaya kita, naguusap nga tayo o" kung minsan hindi ko alam kung namimilosopo siya o sadyang ganyan lang talaga siya sumagot. Pero kahit na ganun siya, still I love her

"I know, but your cold" hindi ko na mapigilang malungkot sa inaasal niya. Ayaw ko ng cold siya sakin, hindi ako sanay. Pero dapat ko din siguro matutunan na dapat tanggap ko lahat ng siya

"hindi naman ako yelo" kung hindi ko lang siya kilala baka kanina pa ko napikon. But i know her well ans I do love her, kaya iintindihin ko siya

"gutom ka ba?" hindi ko alam kung anong katangahan ang pumasok sakin at yun ang naisip kong itanong. Mayve she's just like this because she's hungry.

"hindi" napa buntong hininga nalang ako ng malakas. Mababaliw ako sakanya, bakit ba ganto ang mga babae? Malabong kausap? Hindi ba nila alam kung gano kahirap para sa mga lalaki ang intindihin sila? Buti nalang talaga at mahal ko ang babaeng to.

Haay Sheena Pucker, your making me crazy. Crazy for you

"nanliligaw ka ba sakin?" napatingin ako sakanya, masyadong seryoso ang kanyang mukha. Si Shaun na naman ba ang may kasalanan nito? Ano bang trip niyang si Shaun at hindi niya hayaan ang kapatid niya?

"oo"

"e bakit wala kang flowers?" damn this girl. Nang dahil lang ba sa bulaklak kaya siya cold sakin? Geez I'll give her a garden if she wants

"kaya ka ba galit ay dahil wala akong flowers?" napangiti nalang ako dahil sa nalaman ko. I'm going crazy thinking kung bakit siya galit, yun pala dahil lang sa bulaklak

"sabi mo manliligaw ka, yung mga nakikita kong nanliligaw sa TV may bulaklak sila, tapos may harana, tapos gabi. Ikaw wala kang flowers, walang harana at hindi ka naman napunta ng gabi" hindi ko mapigilang mangiti sa mga sinabi niya. Lahat gagawin ko para sakanya, lahat ng gusto niya. Hindi para magpasikat kaya ko gagawin ang gusto niya, gagawin ko ang gusto niya dahil masaya kong makitang sobrang saya niya

"okay I'll give you flowers then" nakangiting sagot ko sakanya, biglang lumiwanag ang mukha niya sa narinig mula sakin

"yehey!!!" masayang sabi niya at nagpatuloy sa pagbabasa.

Akala ko dahil kakaibang babae siya ay kakaibang way ng panliligaw ang dapat kong gawin. Sino bang magaakala na yung common na panliligaw ang gusto niya?

"pero kung napipilitan ka lang wag nalang, baka mamaya bigyan mo ko ng flowers tapos hindi ka naman nanlilifaw, nakakahiya naman"

"walang nakakahiya Sheena, kahit ano para sayo. Wag kang mahiya dahil hindi ako mahihiya kailanman na minahal kita"

"ewan ko sayo Harry bulaklak lang pinaguusapan natin mahal mahal ka na dyan. Kung mahal yung bulaklak wag nanalng, papabili nalang ako kay Shaun"

Sheena Pucker, ano bang pinakain mo sakin at nabobobo ko ng ganto sa sobrang pagmamahal na nararamdaman ko para sayo?

AN: ang timeline po nito ay hindi po kagaya ng timelibe nung kina Clinton. Bali ito ay months before maging sina Reika at Clinton na

Pucker Series #3: dormiSEXDonde viven las historias. Descúbrelo ahora