Room Fifty Three

6.7K 92 10
                                    

Room Fifty Three

Harry's POV

Two months ng pinagbubuntis ni Sheena ang baby namin. Todo bantay kami ng pamilya niya sa pagbubuntis niya. Sobrang OA para sa iba pero kailangan. May health issues si Sheena ng bata pa siya, at yun ang kinatatakot ng mga magulang niya.

Two months na ding dito ko sa mansyon nila nakatira. Kasal na nga lang ang kulang samin ni Sheena kung tutousin.

Ngayon nga'y andito kami sa opisina ni Mr. Pucker para pag-usapan ang kasal namin ng anak nilang si Sheena.

"pakakasalan ko po si Sheena kahit anong mangyari, kahit saan, kahit kailan. Pero hindi ko po magawang pakasalan sa ngayon si Sheena habang pinagbubuntis niya ang anak namin. Ayaw ko pong sabihin nilang nagpakasal lang ako sa anak niyo dahil sa nabuntis ko siya. Pakakasalan ko po siya kapag kaya ko na po silang buhayin ng magiging anak namin. Pakakasalan ko po ang anak niyo kapag kaya ko na siyang bigyan ng kasal na para sakanya ng hindi aasa sa pera ng mga Pucker. Ayaw ko pong isipin niyo na pakakasalan ko lang si Sheena dahil sa mayaman siya o dahil sa nabuntis ko siya. Pakakasalan ko po si Sheena dahil mahal ko siya"

Nagulat ako ng makita kong umiiyak ang mommy ni Sheena. Did I say something na dapat niyang ika-iyak? May nasabi ba kong mali?

"Princess, tahan na" pilit na pinapatahan ni Mr. Pucker ang asawa. Ilang sandali pa'y bumaling sakin ang mag-asawa.

Hindi rin talaga siguro ganun kadali na tanggapin para sa kahit sinong magulang na ikakasal na ang kanilang anak at pepwede pang umalis na ito sa puder nila. Kahit siguro ako ay mahihirapan akong iwan ang magiging anak ko sa mapapangasawa niya. Hindi basta basta ang pagpapalaki ng mga anak.

"We respect your decision young man, and I'm glad sa lahat ng mga sinabi mo. Kahit ako ay gusto kong magkaron ng enggrandeng kasal ang isa sa mga prinsesa ko. Pero kagaya ng sinabi mo, tama lang na ikaw ang magbigay katuparan sa kasal na pinapangarap ng anak ko. With your own money at syempre, sang ayon din akong magpakasal kayo ng anak ko kapag handa na kayo" sabi ni Mr. Pucker habang patuloy parin sa pagpapatahan sakanyang asawa

"naiintimdihan kita Harry, and thank you for loving my daughter. Kung pera lang ang problema mo marame kami nun, we can start planning for you wedding"

Tama naman sila, they do have money, kahit kailan, kahit saan pwedeng pwede na kaming magpakasal ni Sheena magsabi lang kami sakanila. But my ptide and ego wont permit me, hindi ako hihingi ng kahit isang kusing sa pamilya nila para sa kasal namin ni Sheena. Ikakasal kami ni Sheena gamit ang pera ko, at hindi gamit ang pera ng mga Pucker.

"sorry po ma'am, sir. Hindi ko po hahayaan na maglabas kayo ng pera para sa kasal namin ni Sheena. Hayaan niyo po akong gumastos para samin ni Sheena, excuse me po. Kailangan na po ko ni Sheena" tumayo na ko sa kinauupuan ko at nagsimula ng maglakad palabas ng opisina ni Mr. Pucker ng marinig namin ang malakas na sigaw ni Sheena mula sa baba.

Sheena's POV

Hindi matawaran ang sayang nararamdaman ko ngayon habang pinagdadalang tao ko ang first baby ko.

Yung feeling na gusto mo ng matapos ang pagbubuntis mo para makita mo na ang baby mo. Yung feeling na hindi ka mapakali kakaisip ng ipapangalan sa baby mo. Yung feeling na hindi ka magkandaugaga kakaisip ng gender ng baby mo. Yung feeling na gusto mo kambal din ang baby mo dahil may lahi kayong kambal. Yung feeling na sobrang saya mo na hindi mo na maipaliwanag ang kasiyahan bumabalot sa pagkatao mo.

Wala kong pinagsisisihan sa nangyari samin ni Harry. Hindi ko pinagsisisihan na binigay ko sakanya ang virginity ko at mabuntis niya. Masaya ko na magkaka baby na kami.

Sana kambal din ang baby ko kagaya namin ni Shaun. Sana isang babae tas isang lalaki. Sana sing cute ni Ree ang magiging baby ko. Sana matapos na ang pagbubuntis ko at makita ko na ang baby ko.

Pucker Series #3: dormiSEXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon