Room Fifty Two

6.6K 72 5
                                    

Room Fifty Two

Harry's POV

Exactly one month ng may mangyari samin ni Sheena. Her parents and Shaun insisted na ipatingin si Sheena sa OB to make sure kung may nabuo ba kami. Napailing na nga lang ako sa suggestion nila, pwede naman kasi kaming magPT nalang gusto pa talaga nila sa OB pa talaga.

As much as I want to keep that thing just between me and Sheena e wala na din naman akong magagawa. Huli na tatanggi pa ba ko?

Tahimik kaming naka-upo na tatlo nila Sheena at Shaun sa likod ng sasakyan habang ang daddy nila ang nagmamaneho katabi naman ang mommy nila. Isa pang hindi ko maintindihan ay kung bakit kailangan pang lahat sila ay kasama sa pagpapatingin ni Sheena. Pwede namang kami nalang ni Sheena ang pumunta don para magpatingin.

Isang buwan na din akong sa mansion ng mga Pucker nakatira, ayaw akong paalisin ni Shaun dahil baka daw takasan ko ang kapatid niya. Kaya naman pinakiusapan ko si Roy na hatiran ako ng mga damit. Nung una pa nga ay ayaw pa ng mommy ni Sheena. Pwede naman daw na ibili nalang nila ko ng mga bago.

Kaya minsan hindi ko maiwasang manliit sa sarili ko. Ibang klase ang yaman ng mga Pucker, hindi lang basta mayaman ang angkan nila. Isa sa pinaka mayaman at pinaka makapangyarihan sa lugar na to ang mga Pucker. Hindi lang basta small business ang pag mamay-ari ng angkan nila. Samantalang ako, galing lang ako sa isang simpleng pamilya. At kaya lang naman ako nakapag-aral sa Pucker Academy ay dahil sa talinong meron ako, at kaya ko may magandang trabaho ay dahil sa sikap ko.

Pano kung ipakasal nila ko kay Sheena? Oo mahal ko si Sheena at gusto kong maikasal sakanya. Pero hindi ko maiwasang mag-isip ng mga posibilidad sakaling makasal siya sakin. Isang babaeng sanay sa yaman ang mamumuhay ng normal kasama ko? Ayaw ko namang umasa sa pamilya niya kung sakali.

Kahit sino sigurong lalaki ang mapapapunta sa sitwasyon ko ay mapapa-isip din ng ganito. Pucker si Sheena samantalang wala lang ako. Wala lang ang apilyidong Santos kung ididikit sa apilyidong Pucker. Hindi sa ikinakahiya ko ang kung sino ako at ang meron ako. Sadyang nakakahiya lang at nakakapanliit kung didikit mo ang sarili mo sa isang Pucker.

Hindi ako confident sa buhay na maibibigay ko kay Sheena, pano pa kaya kung may nabuo nga kami?

Alam kung nag-iisip ako masyado, at hindi tama iyon. Hindi ko lang talaga mapigilang hindi mag-isip. Wala naman akong balak takbuhan si Sheena, ang kinakatakot ko ay ang future niya kasama ako.

Kabadong kabado ko, mabibigat ang mga hakbang ko papasok ng ospital. This is a life and death situation, hindi ko alam kung anong susunod na gagawin sakin ni Shaun kapag naging positive na buntis si Sheena. Kung nung nalaman niyang may nangyari samin ng kapatid niya ay halos patayin niya na ko, pano pa kaya ngayon kung positive ngang buntis si Sheena? Baka tuluyan na ko ng isang to pagnagkataon.

Habang ako kabado at tahimik na naglalakad, ramdam na ramdam ko naman ang pagkaexcite ng mag-asawang Pucker para sa posibleng pagbubuntis ni Sheena. Halata sa mga ngiti nila na gustong gusto na nila magkaron ng apo. Sa sobrang excited pa nga nila'y may nursery room na kagad sa mansyon nila. Bata nalang talaga ang hinihintay namin.

Hindi ko alam kung anong hihilingin ko. Kung ang may mabuo ba kami? O ang wala sana. This insicurities of mine is a bullshit. Hindi ko magawang maexcite sa posibilidad na pagbubuntis ni Sheena sa takot ko sa future niya kasama ko. Natatakot akong hindi ko maibigay sakanila ng magiging anak namin ang buhay na kagaya ng buhay na meron siya sa piling ng mga magulang niya.

Sheena's POV

"congratulations Mr. and Mrs. Pucker, you're about to have a grandchild in 8months time"

Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na magkakababy na ko, na may buhay na nasa sinapupunan ko ngayon. Na magiging mommy na ko at si Harry ang ama ng magiging baby ko. Na ang lalaking mahal ko ang magiging tatay ng baby ko.

Kung kanina kinakabahan ako, ngayon naeexcite ako. Gusto ko ng lumabas ang baby ko. Gusto ko ng makita ang baby ko. Gusto ko ng mahawakan ang baby ko. Gusto ko ng makarga ang baby ko.

Ano kayang ipapangalan ko sa baby ko? Babae kaya siya? Or lalaki? Sana kung babae siya sing cute siya ni Ree. Sana sing ganda siya ni Ree. Sana sing sweet siya ni Ree.

Naku kailangan ko na palang magbasa ng mga libro tungkol sa pagbubuntis. Tapos kailangan puro healthy foods ang kakainin ko para maging sing healthy siya ni Shaub.

Pano kaya kung lalaki? Ang cute cute siguro nun. May junior na kami ni Harry. Tama kapag lalaki ipapangalan ko kay Harry yung baby namin. Tapos kapag babae naman isusunod ko kay Ree.

Sana manganak na ko, gusto ko ng makasama ang baby ko.

Harry's POV

Magiging daddy na ko, hindi to panaginip. Totoong nabuntis ko nga si Sheena. Magiging mga magulang na kami.

Eto na ang simula, ang simula ng pagbuo namin ni Sheena ng pamilya. Etong baby na to na siguro ang sagot sa mga iniisip ko. Na hindi ko na dapat isipin na magkalayo ang agwat namin ni Sheena. Na dapat ay ang baby ang pagtuunan namin ng pansin.

"magkakababy na tayo Harry" nakangiting sabi ni Sheena habang haplos haplos niya ang tyan niya.

"oo Sheena, magkakababy na tayo"

Masaya ko na magkakababy na kami, ayos lang yung nangyaring pambubugbog sakin ni Shaun. Ang mahalaga ay magkakababy na kami ni Sheena. Magkakababy na kami ng babaeng mahal ko

AN: Alam ko pong may mga iilan po sa inyo ang hindi na natutuwa sa kaslowan ni Sheena. Wag po kayong mag-alala, two to three chapters nalang tong part nila at back to present day na tayo. Balik na tayo sa ibang love team, pagkatapos nitong part nila aayusin ko na po ang mga problemang naiwan ng ibang love team. Gustuhin ko mang alisin sa sistema ni Sheena ang pagiging slow niya ay di po pwede ng agad agad yun. Baka kasi malihis na tayo ng sobra sa story kapag nangyari yun. :)) Anyways, malapit na, as in malapit na ang ending. Siguro hanggang room 70 or 75 nalang tas epilogue. Iilang maiikling UD's nalang bye bye dormiSEX na tayo :))

Pucker Series #3: dormiSEXWhere stories live. Discover now