Room Forty Six

8.3K 72 10
                                    

Room Forty Six

Karen's POV

Naiinis ako sa unggoy na to, ano bang trip niya sa buhay? Bakit niya ko pinigilan sa pagsuntok don sa napaka walang kwentang kaibigan niya? Tapos hinayaan niya pa tong kaladkadin ni Shaun si Jullie palayo samin. Aba ano? Ganun ganun nalang ba yun?

"ROY" sigaw ko sa sobrang bwisit ko sakanya, kanina niya pa ko hinahatak at kanina pa din ako nabibwisit sa nangyari

"easy horsey" agad kong sinuntok sa braso ang boyfriend kong unggoy

"easy easy ka dyan!!!" nabibwisit talaga ko, kunsintidor kasi tong lalaking to, nakita kong hinmas himas niya ang braso niyang sinuntok ko, naguilty tuloy ako bigla. Sakanya ko nabubuhos ang inis ko sa mga kaibigan niyang gago.

"hayaan mo silang ayusin ang mga problema nila ng sila-sila lang horsey. Oo andito tayong mga kaibigan nila para gumabay, pero hindi natin pwedeng kontrolin ang dapat na ghawin nila. Hindi naman porket hinayaan natin sila ay hindi na tayo kaibigan nila, kaya nga tayo andito ay para tanggapin ang ano mang desisyon nila at para nadin suportahan sila" ewan ko, pero natuwa ko sa mga pinagsasasabi ng unggoy na to. Malaki na talaga ang pinagbago niya, hindi na siya yung lalaking nakilala ko noon na puro computer lang ang nasa isip.

"kaya ikaw horsey, hayaan mo sila, hayaan mo silang masaktan ng matuto sila" yinakap niya ko at hinalikan ang noo ko. Tumango naman ako bilang pagsang ayon sa mga sinabi niya. Maya-maya pa'y napagdesisyunan naming bumalik sa kwarto namin.

Malakas na sigaw ni Jullie ang kumuha sa atensyin namin ni Roy.

"SHEEN" para kong binuhusan ng malamig na tubig ng marinig ko ang boses ng best friend ko, ayokong isipin pero alam kong may masamang nangyari sa inaanak ko. Agad kaming tumakbo ni Roy at naabutan namin si Shaun na buhat buhat si Sheen..

Shaun's POV

Sinundan ko si Jullie at Sheela pabalik sa kwarto nila, alam kong hindi ako papansinin ni Jullie, ang gusto ko lang ay ihatid sila ng anak namin sakanilang kwarto. Napatingin ako kay Sheela na buhat buhat ni Jullie na nakangiti sakin. Napa-iling nalang ako sa kapilyahan ng anak kong ito, manang mana sa tita Ree niya.

Iiwan ko na sana sila ng mabuksan ni Jullie ang kwarto nila nang marinig ko ang sigaw niyang nagpabilis ng tibok ng puso ko "SHEEN"

Agad akong lumapit upang makita ang nangyari sa anak namin, kusang pumatak ang luha sa mata ko ng makita kong nangingisay ang anak ko at tirik ang mga mata.

"Sheen baby" agad na sinalpakan ni Jullie ng binalumbon na tela ang bibig ni Sheen, at walang anu-anong binuhat ko ito

"OH MY GOSH, SHEEN" iyak ng iyak si Sheela at Jullie, ni hindi ko na nga napansin ang mga nakakasalubong ko, ang mahalaga ay madala namin sa ospital si Sheen ngayon

"Sheen I'm sorry, its my fault I'm sorry" pinipiga ang puso ko habang naririnig ko kung pano sisihin ni Sheela ang sarili dahil sa nangyari sa kapatid niya.

Hindi ko namalayan na nakasakay na din pala ng kotse sina Karen, si Roy na ang nasa driver seat at ako sa tabi niya habang nasa likod naman sina Jullie at Karen kasama ang mga anak ko

"No baby its not your fault" pilit na pinapatahan ni Jullie si Sheela na kanina pa sinisisi ang sarili.

No Sheela, its not your fault, its daddy's fault. Kasalanan ko to, hindi ako nakinig noon kay Harry, tama siya. Hindi direkta sakin ang karma ko. Una kay Sheena, ngayon sa anak ko. Ang laki kong gago. Hindi ako naniwala na hindi matatapos ang karma ko sa nangyari noon kay Sheena, hindi natatapos sa nangyari noong isang taon ang karma ko. Dahil simula palang iyon ng karma ko.

Pucker Series #3: dormiSEXWhere stories live. Discover now