Room Fifty One

7.1K 97 14
                                    

Room Fifty One

Harry's POV

Yang-yin o mas kilala bilang yin yang, in Chinese Philosopy are concepts used to describe how apparently opposite or contrary forces are actually complementary. Everything has yin and yang aspects. If there's light there's dark, if there's happiness there's sadness. Either yin or yang may manifest more strongly in a particular object.

Ang yin yang comcept ay ipinapaliwanag ang mga bagay bagay na nagbabaliktaran o nagkakasalungatan ay may kaugnayan sa isa't isa.

Ang yin at yang ay katumbas ng kasamaan at ng kabutihan. Hindi pwedeng maghiwalay ang yin at ang yang sa kahit anong bagay, kahit na minsan ay nagiging mas malaki ang epekto ng isa.

Sabi nga sa third law of motion "for every action there is an equal and opposite reaction".

Kagaya ng desisyon at aksyon ng mga tao, laging may katumbas na bagay, maaaring positibo ito o negatibo. Kahit ano pang gawin natin sa buhay natin at kahit ano pang desisyon natin, meron at merong epekto ito. Maybe equal or the opposite, still there is. At minsan hindi lang isa ang magiging epekto nito, minsan madame pang magiging epekto ito na dahilan para magbago ng tuluyan ang buhay ng isang tao.

At ngayon nga ay kinakaharap ko ang isa sa epekto ng ginawa naming pag-iisa kagabi ni Sheena.

"KUYA!!!" isang malakas na suntok ang binigay sakin ni Shaun. Hindi ko na nabilang pa kung ilang beses akong pinagsususuntok at pinagtatadyakan ni Shaun mula ng lumabas kami ni Sheena sa kwarto niya. Halos di ko na maimulat ang isang mata ko at namamanhid na din ang katawan ko sa sakit ng pagsuntok sakin ni Shaun

"HAYOP KA!! PINAGKATIWALAAN KITA TAPOS GANTO GAGAWIN MONG GAGO KA!!" naramdaman kong umangat ako mula sa pagkaka-upo ko sa sahig. Hindi ko na maaninag kung anong ekspresyon ng mukha ni Shaun dahil sa mata ko. Hindi ko na din halos marinig ang mga sigaw at mura ni Shaun. Kung dito man na magtatapos ang buhay ko ay ayos lang, kaso pano si Sheena? Matapos ng nangyari samin kagabi alam kung hindi siya mapapalagay at maraming tumatakbong tanong ngayon sa utak niya. Ayokong iwan sa ere ang pinaka mamahal kong babae.

"kuya, please tama na, maawa ka naman kay Harry ohh, kuya" bakit ba ang tao nakakagawa ng katangahan kahit alam nilang ang katangahang yun ay may kaparusahan? Bakit ba nagpapadalos dalos ang tao at hindi iniisip ang tama sa mali? Bakit ba ko nagpadalos dalos? Ganun na ba ko kalasing kagabi? Ganun na ba ko kasabik sa sex? O sasyang hindi ko lang talaga matanggihan si Sheena?

Pero bakit di ko inisip na mangyayari ito, na bubugbugin ako ni Shaun at eto ang babaeng pinaka mamahal ko ay iyak ng iyak sa magmamaka-awa sakanyang kapatid para itigil na ang pambubugbog sakin.

"bitiwan mo ko Sheena, papatayin ko tong gagong to" gago? Ako pa ang gago ngayon ano Shaun? Isang beses ko lang ginawa pero ako pa ang gago ngayon, samantalang siya?

"kuya tama na maawa ka naman sa magiging baby namin" sino bang may sabing sa gawa at sa desisyon lang may eqial or opposite reaction? Kahit sa isang salitang bibigkasin mo ay meron.

"TANG INA!! BUNTIS KA SHEENA??" hindi ko alam kung ang hihilingin ko ay ang pananahinik ni Sheena o ako nalang ang patahinikin nila. Buntis? Agad agad? Oo ilang beses naming ginawa kagabi yun, pero hindi naman siguro posibleng may mabuo kami agad diba? O posible ngang meron?

"buntis ka Sheena?" hindi ko na narinig pa ang mga sumunod na mga sinabi nila, dahil sa kalagitnaan ng kaguluhan ay bigla kong nawalan ng malay.

Sheena's POV

Buntis? Ako buntis? Pwede kayang buntis nga ko? Pero diba kagabi lang naman namin ginawa yun? So hindi ko pa sigurado kung buntis ako.

Pero kasi, si Shaun ayaw niyang bitawan si Harry. Kawawa naman ang boyfriend ko bugbog sarado na ng dahil lang sa nagsex kami kagabi.

Eto naman kasing si Shaun bakit niya binugbog si Harry? Parang siya naman hindi nakikipagsex a. Ang dame tuloy pasa ni Harry, tapos nawalan pa siya ng malay pagkatapos kong sabihing buntis ako.

Pero pano nga kaya kung buntis ako? Ano bang mas okay? Na mabuntis ako o hindi?

Hindi ko na kasi alam kung paano ko pa pipigilan si Shaun sa pambubugbog kay Harry, kaya ayun nalang ang nasabi ko, na buntis ako.

Hindi ko naman alam na malaki pala ang epekto nun sa pamilya namin. Kung si Shaun ay galit na galit, si mommy at daddy naman ay sabik na sabik sa apo nila.

Haaay, sana nga mabuntis nalang ako, sayang ang excitement nila mommy kung walang mabubuo sa sinapupunan ko.

Pucker Series #3: dormiSEXWhere stories live. Discover now