Room one

40.8K 165 15
                                    

Shaun’s POV

“hoy ikaw Shaun Pucker!!! Kanina pa tayo lakad ng lakad bakita ba ko kasama sa pagdodorm mo? Ha? Nakakainis ka naman kambal e, ang sakit na ng paa ko e” yamot na yamot na sabi ng kakambal kong si Sheena at umupo sa may gater. Kawawa naman ang kapatid ko, pero hindi pwedeng maawa ngayon kailangan makahanap kami ng matitirhan para mas Masaya

“dyan ka lang kambal bili kita ng tubig” tumango naman siya, umalis na ko at bumili ng tubig sa tindahan agad ko siyang binalikan. Inabot ko sakanya ang tubig at nagpasalamat naman siya sakin, habang hinihintay ko siyang magpahinga ay may nakita kong dalawang magandang babaeng tila nagmamadali na dumaan sa harap namin

“tao po!!” sigaw nilang sabay, maya-maya naman ay may lumabas na babaeng tansya ko ay nasa 30

“ditto po ba yung Fiona’s dorm?” tanong nung babaeng sexy, tumango naman yung babaeng lumabas ng bahay at tinanong kong uupa ba sila, agad namang tumango ang dalawa at pinapasok sila

“Sheena tara na may nakita na kong matitirhan natin” ayaw k okay Sheena

“ha? Pano ka nakakita e hindi ka pa nga naghahanap? Puro babae lang yung tinignan mo kanina” tanong niya sakin, minsan naisip ko kung kapatid ko nga ba tong babaeng to. Pahamak kasi minsan yang pagiging pala tanong niyang yan e. Tsk! Hinatak ko na siya at pumunta doon sa bahay kung saan pumasok yung dalawang magandang babae

Agad naman kaming sinalubong ng isang binata na tansya ko’y sing edad ko

“new borders?” Tanong niya samin ni Sheena

“magiinquire’ sagot ko naman, tinignan niya naman kaming maigi ni Sheena

“nagtanan? Tanong niya ulit samin

“ha? Sinong nagtanan?” tanong ng kapatid ko

“kambal ko” sagot ko nalang, muling sinipat ng lalaki ang muka naming magkapatid

“kambal sinong nagtanan?” tanong ni Sheena habang hatak hatak ang laylayan ng damit ko

“nagtanan daw tayo” walang ganang sagot ko sakanya

“hala tayo nagtanan? Tinanan mo ko kambal?” napa face palm nalang ako

“pasok kayo” natatawang sabi nung lalaki at tuluyan niya na kaming pinapasok

“kambal tinanan mo ko?” Pangungulit ulit ni Sheena ng makapasok kami

“kambal hindi kita tinanan at bakit kita itatanan e kapatid kita?” patanong na sagot ko sakanya

“oo nga naman, e bakit sabi niya nagtanan daw tayo?” inosenteng tanong niya sakin, nakita ko naman yung lalaking nagpapasok samin na tila naguguluhan sa inaakto nitong kakambal ko

Pucker Series #3: dormiSEXOù les histoires vivent. Découvrez maintenant