Room Forty Four

9.2K 102 18
                                    

Room Forty Four

Reika's POV

This is it pancit, my wedding day. Hindi parin nagsisink in sa utak ko na ikakasal na ko sa EX boyfriend kong playboy. Sino bang mag-aakala na dito din kami hahantong?

"I'm so happy for you best" nakangiting sabi ng best friend ko sakin sabay akap sakin ng mahigpit

"thanks best"

Tanghali kahapon dumating ang iba pang bisita, including ang family ko and ni clinton at syempre ang mga super close friends namin. Sabi ko naman this is just a small beach wedding, no need para sa marameng bisita. We just want to share our special event sa mga special na tao sa buhay namin.

The thing about Shaun frustration kahapon ay kinalimutan na muna namin alangalang sa kasal, and I'm thankful na hindi na ulit siya nangulit. Kahit na sa family-friend dinner kagabi kung saan nakita niya ang mga anak niya ay hindi siya nanggulo. Well that part is for him to share na.

Kanina nga nag-iyakan pa kami dito nina mom at best, akala mo naman kung anong meron e ikakasal lang naman ako sa lalaking mahal na mahal ko.

"congrats!!" sabay sabay na bati naman nila Sheena, Karen at Jullie pagkapasok nila sa room kung saan ako inayusan

"thanks girls" inakap nila kong tatlo

Sino bang magaakalang makakasundo ko ang tatlong to? Si Sheena na slow, si Karen na war freak at si Jullie na nung una ay nagpakita pa ng interes kay Clinton.

"waaahhh group huuuug!!" natawa kaming apat ng makisali samin si Sheela at pilit na umaakap saming apat, what a cute girl. Kanino ba nagmana ang batang ito? Walang bakas ng mga magulang e.

"ay mga tee enough na sa pageemote" sabi ng baklang wedding coordinator samin

Bago lumabas ng kwarto ay isa-isa kong hinalikan sa pisngi ng mga kaibigan ko at binigyan ng mga notes to remember.

Roy's POV

Best Man, yan ang drama ko ngayon, ako ang best man ni Clinton. Wala e gwapo ko kasi kaya ako ang best man niya. Seryoso hindi kami close nitong mokong na to, ewan ko kung bakit ako ang napili niyang best man, wala naman na kong magagawa dahil masamang tumanggi.

Andito na nga kami ngayon at hinihintay ang bride. Dahil beach wedding lang naman si Clinton lang ang naka formal samin at yung mga abay ay cocktail dress lang.

Nakita ko pa ang kabayo kong girlfriend na nagmukang tao sa ayos niya ngayon. Maganda talaga tong kabayong to nu? Buti nalang ako ang boyfriend niya, gwapo ko maganda siya match kami.

"pre kalma uso yun" biro ko kay Clinton na parang matatae na dahil sa sobrang kaba

"ikaw kaya dito nu"

"ayoko nga, edi sinipa ko ng kabayo kong girlfriend kung ako ang ikakasal ngayon kay Reika" sagot ko naman, talaga naman a, bakit naman ako papayag na ako yung groom edi tinadyak tadyakan ako ng horsey ko

"tanga, ibig kong sabihin ikaw kaya ang ikasal tas ako mambwisit sayo"

"maka tanga naman pre" hindi niya na ko pinansin at huminga nalang siya ng malalim. Ilang beses ko pang nakitang sinampal sampal niya ang sarili niya para kumalma.

Kung kabado siya bago siya magpropose kay Reika, sa tingin ko ngayon dumoble ang kaba niya. Aba kasal kaya ang pinaguusapan natin dito. Lifetime to hindi na to basta basta lang.

Umayos kami ng tindig ng sinimulan ng patugtugin ang "All My Life" na si Sheena ang kumakanta.

Jullie's POV

Pucker Series #3: dormiSEXDonde viven las historias. Descúbrelo ahora