Room Forty One

9.8K 87 8
                                    

Room Forty One

[Back to Batangas trip]

Reika's POV

Abala ko sa pagkausap sa manager ng resort about the wedding, inaayps namin ngayon ang problemang dahilan para mapaaga ang pagpunta namin dito. Halos ilang oras na din kaming nag-uusap kasama ang iba pang abala para sa kasal.

Ngayon ko lang narealize ang stress na dulot ng isang simpleng wedding, e pano pa kayo yung malalaking wedding?

Napasandal nalang ako ng igi sa sandalan ng upuan matapos ang mahabang usapan at kung anu-ano pa. Kanina ko pa rin napapansin na parang nagkakagulo sa labas ng resort. As much as I want to go out ay hindi ko na kaya pa, gusto ko ng magpahinga hanggang bukas. Para naman fresh and pretty ako sa kasal ko sa isang araw. Aba ang hot na mapapangasawa ko tapos ano? Magmumukha lang akong chimiaa niya? No no no no!! Cannot be!! Dapat maganda ang bride na ihaharap niya sa lahat, hindi yung may magsasabing "naawa lang sakin ang groom ko kaya ko pi akasalan" o kaya "ang panget ng bride" and what so ever pa.

Napangiti nalang ako ng maaalala ko na ikakasal na ko sa susunod na araw. Well after ng kasal namin ay dito na kami mag hahoneymoon sponsored by Shaun Pucker. Yun na ang regalo niya samin ni Clinton, ang buong stay namin dito after nv wedding.

Pumikit ako sandali para sana ipahinga na ang utak ko ng may nagtakip sa mata at bibig ko.

Shit!!! Don't tell me mga babaeng pina iyak to ni Clinton tapos ano?!! Ako yung gagantihan nila para di matuloy ang kasal namin?!!! OMG!!

Aalpas pa sana ako ng bigla nalang akong nakatulog

Roy's POV

All set na, ngayon na ang oras para sa isa na namang kakornihan ng grupo. This time si Clinton naman ulit pero hindi kagaya noong una, proposal na to sa kasal hindi sa pag-aya na maging gf lang. Kasal na ang usapan dito mga tsong, at eto naatasan kami ni Harry para kidnappin si Reika.

Hindi ko alam kung bakit sa lahat ng magandang pwede kong gawin ay eto pang kidnappin si Reika. Aba naman anong palagay niya sa gwapo kong mukha? Pang goons? Aba okay!

Ipinwesto na namin si Reika at iniwan siya doon, hindi naman grabe ang epekto nung pampatulog na yun, mga minute lang at siguradong gising na siya.

Reika's POV

Naramdaman ko ang malamig na tubig dagat sa paa na dahilan para magising ako. Hindi ko alam kung nasa resort pa ba ko ng mga Pucker, ang alam ko lang ay napaka dilim at nakaupo ako sa isang upuan na nasa dagat. Hindi naman nakatali ang kahit anong parte ng katawan ko at hindi din naman nakapiring ang mga mata ko. Hindi ko alam kung tanga lang ba talaga yung kidnapper ko o warning lang nila to sakin para hindi ko na ituloy ang kasal namin ni Clinton.

Tumayo ako sa pagkakaupo at naglakad pabalik sa tabing dagat, hindi ko alam

kung saan ako pupunta, wala kong makita at wala din akong suot na kahit ano sa paa ko. Kaya naman damang dama ko saking mga paa ang buhangin, nagsimula akong maglakad at naramdaman ko ang maliliit na bato na tumutusok saking ma paa kaya naman dumaan ako sa kabila kung saan wala masyadong bato.

Habang naglalakad ako ay ramdam ko ang lakas ng ihip ng hangin na dahilan para akapin ko ang sarili ko. Maya-maya pa'y nakaramdam ako ng kakaiba saking mga paa kaya naman minabuti kong tignan iyon.

Rose petals, yun ang naapakan ko. Nilibot ko ang paningin ko dahil nga sa hangin baka mamaya natangay lang ito doon. Pero iba ang nasaksihan ko sa paglibot ko ng paningin ko. Nagmistulang red carpet ang mga rose petal sa lapag, nakakaramdam na ko ng kakaiba, ayokong mag expect, ayokong mag-assume pero ng tuluyan ng lumiwanag ang paligid ko at narinig ko na ang napaka panget na boses ng mapapangasawa ko. Bumuhos nalang bigla ang mga luha ko.

Pucker Series #3: dormiSEXWhere stories live. Discover now