Room Fifty Nine

5.5K 68 4
                                    

Room Fifty Nine

Shaun's POV

"ligawan mo kami ng mga bata" gusto kong umangal, gusto kong matawa sa sinabi niya.

Is she kidding me? Ako si Shaun Pucker na isang pitik lang ay nakukuha ang lahat ng kagustuhan ko ay sasabihan niyang manligaw? The f*ck!

[One week after/back to Roy-Karen-Aviana moment]

Karen's POV

Masama ang gising ko kinabukasan. Tangnang unggoy yun, di man lang ako pinuntahan dito sa kwarto. Tangna wag niyang sasabihing nakakapagod umakyat mula 3rd floor padito sa 4th floor at uupakan ko talaga siyang unggoy siya.

Ang kapal ng mukha niya, dito pa talaga sa dorm na to niya kinatagpo yung babae niya. Dito sa dorm kung san kami unang nagkita, dito sa dorm kung san kami unang nagkakilala, dito sa dorm kung san nagsimula ang lahat lahat ng samin.

Pakshet! Bakit ko ba inaalala yun ngayon lahat? Badtrip lang ang wala.

Ang kapal ng mukha niya at talagang yung babaeng yun pa talaga ang pinanigan niya. Ang kapal talaga ng mukha ng unggoy na yun. Feeling niya ang gwapo gwapo niya, feeling niya hahabulin ko siya, feeling niya magmamaka-awa ko sakanya, ASA siyang unggoy siya!

Hinding hindi siya magmumukhang gwapo sa mga paningin ko. Hinding hindi ko siya hahabulin. At higit sa lahat hinding hindi ako magmamaka-awa sakanya. Hinding hindi!

Ahhh bwisit!! Sino bang niloko ko? E baka nga konting lambing lang nung unggoy na yun matunaw nalang ulit tong pinagyeyelo kong puso. Tangnang pag-ibig to!! Ayaw ko na nagiging weak ako. Hindi dapat ako na-inlove sa unggoy na yun e. Edi sana di ako namomroblema ng ganto. Edi sana hindi ako nasasaktan ng ganito. Edi sana hindi ako nagseselos ng bonggang bongga ngayon ng dahil sa babaeng kahalikan niya kagabi.

Ahhh bwisit lang talaga yung unggoy na yun. Ano ba namang panama ko don sa babae niya? Oo pareho kaming maganda, pero syempre mas maganda ko. Oo pareho kaming sexy, kaso mas malaki yung dyoga niya kesa sakin. Tsk! Mukha lang mabait yun at malaki lang ang dyoga non, mas maganda parin ako sakanya.

Urghh! Di ako insecure, nagsasabi lang ako ng totoo. Mas maganda ko sakanya!

"AHHH PAKSHET KANG UNGGOY KAAA!!" ginulo ko ang buhok ko habang hinahampas ng unan ang higaan ko. Badtrip di mawala sa isip ko yung eksena nila kagabi. Yung halikan at yakapan nila. At lalong lalo na yung parte kung saan yung babae niya yung kinampihan niya at hindi ako na girlfriend niya.

Ang sarap kalbuhin ng babaeng yun, ang lakas ng loob na dito pa talaga makipagkita sa unggoy kong boyfriend. Ang kapal ng mukha nilang dalawa, sarap pagbuhulin ng mga intestines nilang dalawa.

Isang unggoy at isang ahas, ano namang laban kong kabayo ko? Ahas yun e, ahas. Panakbo at panipa lang ang panlaban ko sakanya. Samantalang siya nakakalason siya. Sabi nga nila, "matalino man ang matsing naiisahin din" At yung unggoy na yun, malamang maisahan siya ng ahas na yun.

Ano ba naman tong love story namin na to ni Roy. The Zoo love triangle lang ang peg. Ang kabayo, matsing at ang ahas.

"mommy, is ninang crazy?" napatingin ako sa batang si Sheela na binibihisan ngayon ni Jullie.

Ano bang kabaliwan ang nasa utak ko at nawala sa isip ko na may mga bata nga pala kong kasama dito sa kwarto at kung ipakita ko ang kabaliwan ko ay todo todo.

"just don't mind ninang, let's go" at lumabas na nga ang mag-iina habang ako eto, nakatulala at nag-iisip kung kakaen ba ko sa labas o sasabay nalang ng kaen sakanilang lahat sa dining hall.

Isipin ko pa lang na magkasama yung ahas at unggoy na yun kumaen nawawalan na ko ng gana kumaen. Pano pa kaya kung matyempuhan ko nga sila sa baba?

Roy's POV

"babes gising na nagugutom na ko"

"umm"

Ayokong bumangon, ayokong lumabas ng kwarto, ayokong makita si Karen. Ayokong makita ang horsey ko. Paniguradong bubugbugin niya ko, lalo pa pagka nalaman niyang magkatabi kaming natulog nitong ni Aviana.

Alam kong tatanga tanga ko dahil di ko ipinaliwanag sakanya lahat kagad kagabi. Kado alangang unahin ko siya kesa sa kapatid ko?

Oo kapatid ko si Aviana, half sister ko siya na may dugong Europian kaya naman ang halik halik para sakanila ay normal lang na greetings. Kaso eto naman kasing si horsey ko umiral ang pagiging dragonesa at bigla nalang sinugod at pinagsasasampal si Aviana.

Haaay I miss my horsey.

Wala din akong nagawa kundi ang bumangon nalang ng higaan dahil ayaw paawat ni Aviana. Gutom na daw siya at gusto niya daw mamasyal kasama ko. Syempre sino ba naman ako para tumanggi sa napaka ganda kong kapatid?

Ang kaso lang pagka tungtong na pagka tungtong namin ni Aviana sa dining hall.

"you bitch!!!" agad na sinugod ni Karen ang kapatid ko.

Pogi problems it is.

AN: hi dormers!! clarify ko lang po, ang dormiSEX ay part ng Pucker Series. So asahan niyo pong mas marame ang exposure ng love/sex/life story nila Sheena-Harry at Shaun-Jullie. Thank you po :)))

Pucker Series #3: dormiSEXWhere stories live. Discover now