Room Forty

9.6K 72 12
                                    

Room Forty

[A week before Batangas trip]

Karen's POV

Ayoko sa lahat yung iistorbohin ako at aayaing lumabas ng tirik na tirik ang araw. Hindi ko alam kung may utak ba tong boyfriend kong unggoy na to o ano. Nakakabwisit tama bang mag-ayang pumunta ng zoo sa ganto kainit. At sinong matinong lalaki ang mag-aaya ng date sa zoo?

"horsey"

"leche ka!! ang init init tapos dito sa Manila Zoo mo ko dadalhin? Hoy unggoy ka, kung balak mong makipag reunion sa kauri mo, please lang!!" Nakakainis andito kami ngayon sa parte na may mga unggoy na kamukha ni Roy unggoy. Ano to meet and greet his parents na ba? Bwisit!!

"syempre reunion niyo din ng angkan mo nu"

"hoy unggoy ka, pwede namang sa Tagaytay o sa Baguio, marameng kabayo don malamig pa!!" nakakainis kanina pa kami pinanonood ng mga ao dito, ano? Kami na ba ang bagong atraksyon ng zoo na to? Sige iiwan ko na si Roy dito tutal mabenta naman siya sa mga tao dito

"wag ka ng magalit"

"leche ka!! magsama kayo ng mga kauri mo!!" bumaling ako sa mga taong kanina pa kami pinanonood na akal mo naman e parte kami ng zoo attraction

"what are you all looking at?! Ngayon lang ba kayo nakakita ng mganda?! Bwisit!!" at tuluyan ko ng iniwan si Roy

Now I don't know where to go, this is my forst time going to Manila Zoo. That's a fact, well I hate going to zoo's. Ang init init at ang baho baho kasi. Hindi naman sa nag-iinarte, I'm just not fun of animals. I don't like them, they creep me out. Especially insects and amphibians, I hate them big time.

Bwisit talagang Roy unggoy to, di man lang ako sinundan? Aba! Hindi lang ata reunion ang pinunta dito, nagpahatid lang ata sakin yung unggoy na yun e.

Naglakad lang ako ng naglakad at pilit hinahanap ang exit.

"ate ate, ikaw po si miss horsey?" aba't gusto atang makatikim ng sapak nitong batang to a "para po sayo sabi ni kuya unggoy" natigilan ako ng banggitin niya ang boyfriend kong unggoy, inabutan niya ko ng isang pirasong orchid

"salamat" at biglang tumakbo paalis ang bata, pilit ko namang tinitignan sa paligid kung nasan ba si Roy, but I can't see him at all

Napatingin ako sa orchid na hawak ko and theres a note saying: "Beautiful Lady"

" ate ate pinapaabot po sa inyo" isang batang babaeng sa tangin ko ay sing edad ni Sheela ang nag abot naman sakin ng isang white liliy

"salamat" again the kid run at may note ulit sa bulaklak

"It's heavenly to be with you"

I don't know but the flowers and the notes flutters me, and it magically washed out my anger.

Maya-maya pa ay may nag-abot sakin ng Single Full bloom na red rose na may nakalagay na

"I love you"

Nang makarating ako sa dulo ng tuloy na nilalakaran ko ay may dalawang babaeng may hawak ng magka-ibang klase ng bulaklak

"I love you beautiful lady, it's heavenly to be with you be my girlfriend" sabay na sabi ng dalawa

Parehas silang may hawak na carnation, yung isa ay solid ang kulay nung bulaklak at yung isa naman ay striped

"solid colourmeans yes" sabi ng babaemg may hawak ng solid colour na carnation

"striped means no" sabi naman ng babaeng may hawak ng striped carnation

Lumapit ako sa babaeng may hawak ng striped carnation at inakap siya

"thanks but I that one is my answer" sabay turo ko sa solid colour carnation na hawak nung isang babae

Agad namang inabot sakin nung babae yung napili kong bulaklak

"congrats" sabay na bati nila sakin

Dinala nila ko sa lalaking may pakana ng lahat

"sorry my beautiful lady, alam kong naging tayo ng walang effort. Ayokong isipin mo na hindi ko kayang mag-effort para sayo. Kaya kahit wala akong alam sa mga gantong bagay at feeling ko korni to at di mo magugustuhan. Eto nagpakakorni ako, minsan lang naman e." Lumapit siya sakin at tinitigan ako sa mga mata ko, hindi ko maiwasang mamangha sa ganda ng mga mata niya. Oo gwapo ang lalaking to, pero sasarilihin ko nalang yun.

"I love you beautiful lady, it's heavenly to be with you be my girlfriend Horsey" I don't know, the effort is something na hindi ko maiisip na magagawa niya. Roy Garcia doing this thing for me? Unbelievable. Hindi man ganun karomantic at medyo off man ang venue, para sakin I love it, hindi man sing bongga ng pinapangarap ko atleast it was from him.

Agad ko siyang binigyan ng isang malakas na sampal ng akmang hahawakan niya ko

"aray ko naman horsey, ano hindi na ba dapat horsey? Ano na . . ." hindi ko na hinayaang tapusin niya pa ang sasabihin niya, at agad ko siyang hinalikan sa labi

"yown ganda talaga ng venue niyo pre! the best!" napatingin ako sa pinagmulan ng boses, everyone was here: Clinton, Reika, Sheena, Harry and Shaun with his girls, except my best friend Jullie. Kompleto na sana kaming lahat kundi

lang talaga.

"ang dame mong alam" sabi ko kay Roy

"si Harry sisihin mo" muli ay hinalikan ko siya sa labi

Matapos ng nakakalokong tagpong yun ay napagpasyahan naming lahat na magpiknik. Well naka-ayos na ang lahat tatanggi pa ba ko?

Ngayon ang inyong animal lovers na kabayo't unggoy ay official lovers na, at ang nakakaloko pa don ay sa zoo pa talaga kami naging official. Very animalistic indeed.

AN: I'm so sorry ang korni ng animal lover scene na ito.

Pucker Series #3: dormiSEXOnde histórias criam vida. Descubra agora