Room Thirty Four

11.3K 80 4
                                    

Room Thirty Four

Harry's POV

Kagaya ng lagi kong ginagawa nitong nakaraan, andito ko ngayon sa mansyon ng mga Pucker. Hindi lang para bisitahin at bigyan ng mga bulaklak ang babaeng pinaka mamahal ko, dadalhin ko na din siya ngayon sa dalawang iktaryang hardin na binili ko sa Batangas para sakanya.

Habang naghihintay ako sa pagbaba ni Sheena ay naupo muna ko sa salas nila.

"you must be Harry" napatayo ako ng deretcho ng marinig ko ang matikas na boses ni Mr. Tristan Pucker. Isang tanyag at matagumpay na negosyante sa lugar na ito. Isa sa pinaka makapangyarihang tao sa lugar na ito.

"opo" umupo siya sa isahang upuan na nasa harap ko at sinenyasang maupo din ako.

Akala ko noon exagorted lang yung mga lalaking nagsasabing pinagpapawisan sila ng malamig oras na makaharap nila ang tatay ng babaeng nililigawan nila. Ngayong nasa harap ko na ang tatay ng babaeng pinaka mamahal ko, ang pagpawisan ng malamig ay hindi sapat na deskripsyon sa nararamdaman kong kaba at takot.

Hindi mo aakalain na nasa kwarenta magigit na ang edad ng kanilang ama, napaka tikas at napaka gwapo parin nito sa kabila ng kanyang edad. Hindi maipagkakailang Pucker ang lalaking nasa harap ko. Walang dudang nagmana si Shaun na kakisigan sakanilang ama.

"hindi na ko magpapaligoy ligoy pa Harry" kung sa mga horror movies ay hindi ako pinaninidhikan ng balahibo, ngayon hindi lang ata balahibo saking katawan ang naghihindikan sa takot ko sa taong kaharap ko.

"alam kong nanliligaw ka sa prinsesa ko, alam mo naman siguro kung anong meron sa anak ko hindi ba?" hindi ko alam kung ang tinutukoy niya ay ang minsang pagiging slow ni Sheena o may iba pa

"alam kong alam mo na isa ang angkan namin sa pinaka mayaman at pinaka makapangyarihan sa lugar na ito" tumango ako bilang sagot, kahit anong gusto kong magsalita pakiramdam ko isa kong sanggol na hindi maalam magsalita sa sobrang kaba ko ngayon

"hindi nakapagataka na magustuhan mo ang anak ko, sinong hindi? Napaka ganda at sexy ni Sheena, syempre mana sa mama niya. Matalino medyo sablay nga lang sa common sense, mabait at higit sa lahat mayaman ang anak ko. Kahit hindi na magaral ay makakapagtrabaho parin si Sheena dahil may sarili kaming kompanya. Ang punto ko ay sana nililigawan mo siya hindi dahil sa mga katangiang nabanggit ko"

Alam ko, ramdam ko kung anong nais ipahiwatig ni Mr. Pucker sa mga sinasabi niya.

"sir hindi po pera ang habol ko sa anak niyo, gaya po ng sabi ko noon, kahut walang manag matanggap si Sheena mula sa inyo ay lilugawan ko parin siya. Hindi po pera ang habol ko sa anak niyo. Ang habol ko po ay ang panghabang buhay na pagmamahal mula sakanya"

"masyadong mabigat ang sinasabi mo Harry. Habang buhay? Kaya mo bang mahalin ng pang habang buhay ang anak ko?"

"hindi lang po pagmamahal habang buhay sir. Uunawain, tatanggapin at sobra sobrang mamahalin ko po ang anak niyo hindi lang po habang buhay, kahit kamatayan sir."

"sana ay hindi ka puro salita, tandaan mo, oras na lumuha ang anak ko ng dahil sayo. Hindi ko hahayaang mamuhay ka ng payapa"

"hindi ko po maipapangakong hindi ko paiiyakin at masasaktan ang anak niyo sir. Pero sinisugurado ko po sa inyo na kahit anong mangyari buong puso kong mamahalin ang anak niyo"

"Tristan masyado mong tinatakot ang bata" napatingin naman ako sa babaeng nasa harap ko. Ang babaeng pinagmulan ng babaeng pinaka mamahal ko, ang mama ni Sheena.

Kagaya ng kanyang asawa ay himdi halata sa itsura niya ang kanyang edad. Napaka ganda at well sexy parin niya. Kagaya ng sabi ni Mr. Pucker, nagmana si Sheena sa kagandahan at kasexyhan ng kanyang ina.

Inabutan nia ko ng juice na agad ko namang tinaggap. Napatingin ako sa mag-asawang nasa harap ko.

Kahit na ilang taon na silang nagsasama ay hindi parin mawala ang pagiging sweet nila sa isa't isa.

"Tristan hayaan mo na ang mga bata" malambing na sabi niya sakanyang asawa. Nakakandong siya ngayon sa kandungan ng asawa habang ang kanyang asawa ay inaamoy amoy ang kanyang buhok at paminsan minsan ay pinupupog ng halik ang leeg nito.

Napaisip akong bigla sa nakikuta kong matamis na sandali ng mag-asawang Pucker. Kami kaya ni Sheena? Maging ganyan din kaya kami kasweet kahit na magka edad na kaming dalawa at mapuputi na ang mga buhok?

"wala ka naman sigurong balak panuodin kami maghapon?"

"pasensya na po"

"Tristan!! Nako Harry pagpasensyahan mo na ha, sige na umakyat ka na sa kwarto ni Sheena at mag-iingat kayo

Agad aking tumayo at tumungo sa kwarto ni Sheena. Ilang sandali pa ay umalis na kami ni Sheena, hindi na namin naabutan ang mga magulang niya sa sala pagkababa namin. Napailing nalang ako, manag mana sa pinagmanahan. Like father like son talaga.

Napagdesisyunan kong magbus kami ni Sheena papuntang Batangas, alam kong hindi ganong kasanay ang isang mayamang kagaya niya magcommute. Pero mas gusto ko ito, dahil kapag nagdrive ako hindi ko siya maaasikaso.

Nakasandal sa balikat ko si Sheena na mahimbing ang tulog. Kanina kasing tinatanong niya ko kung saan kami pupunta ay sinabihan ko siyang matulog nalang para hindi siya mapagod.

Matapos ang halos tatlong oras na byahe ay nakarating kami sa lugar kung saan nakatirik ang harding binili ko para kay Sheena. Mula sa bus station ay sumakay kami ng trayk papunta sa mismong hardin.

"Sheena's flower house? wow kapangalan ko yung may ari nito Harry?" tuwang tuwang sabi ni Sheena pagkabasa niya ng pangalan ng garden na binili ko para sakanya, nginitian ko lang siya at inakay na papasok.

"wow ang ganda!!"

"it's all yours Sheena"

"huh?"

"my gift for you" nakangiting sabi ko sa masayang si Sheena.

"hindi ko naman birthday e" and here she goes again

"ayaw mo ba?"

"gusto syempre"

Masayang naglibot sa buong garden si Sheena, nagbunot ng bulaklak na ibibigay niya daw sa mama niya. Samantalang ako eto masayang pinagmasdan ang babaeng mahal ko.

Doon na din kami nananghalian na dalawa. Bandang hapon ng maisipan naming bumalik na.

"Harry salamat ha"

"wala yun"

Hindi maalis sa mukha niya ang saya. Syempre mas masaya ako dahil masaya siya.

Nang makasakay na kami sa bus ay napansin kong napatigil si Sheena at tinignan ang isang batang karga ng kanyang ama.

"ano pong sakit niya?" tanong ni Sheena sa tatay nung bata

"Cerebral Palsy" sagot nang ama ng batang lalaki.

"ilang taon na po siya?"

"five, birthday niya nga yun" nakita ko ang awa sa mukha ni Sheena para sa batang lalaki. Inabot sakin ni Sheena ang bulaklak na pinitas niya at humugot ng pera mula sakanyang wallet

"happy birthday" nakangiting sabi niya sabay abot ng pera sa bata

"salamat po" halos maiyak naman ang ama ng bata sa gestures ni Sheena

Umupo na kami ni Sheena sa may bandang likod ng bus. Alam kong busilak ang puso ni Sheena, sa ginawa niyang yun kanina ay mas nahulog ang loob ko sakanya.

Alam kong maswerte ko kay Sheena, hindi lang basta maswerte sobra sobra pa. Sheena Pucker hindi ko alam kung anong pinakain mo sakin, pero eto ako ulol na ulol sayo

Pucker Series #3: dormiSEXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon