Room Two

34K 150 8
                                    

Room Two

Sheena’s POV

Matapos namin makausap ni kambal si miss Fiona yung may ari nung dorm ay umuwi muna kami sa bahay para sabihin kina mommy na nakahanap na kami ng matitirhan namin. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung bakit kailangan kong sumama sa kanya na lumipat ng dorm. Okay naman na uwian kami e, atsaka ano bang konek nung unit sa dorm? Tas yung lalaki pa kanina don sa dorm sabi nagtanan daw kami, bakit kaya niya nasabing nagtanan kami?

“sweetie” pumasok si mom sa kwarto ko at tumabi sakin sa kama

“mom?”

“something to ask me?” malambing na sabi ni mommy sakin habang hinahaplos niya ang buhok ko

“bakit po ko sasama lumipat kay Shaun? May nagawa po ba kong mali at pinaalis niyo na ko dito?” medyo natawa naman si mom sa tanong ko tas kiniss niya yung noo ko

“wala naman sweetie, we just want you to watch over your brother, and I want you to learn to live on your own” tumango tango naman ako kahit na naguguluhan parin ako sa sinabi niya, kasi naman kung wala kong ginawang mali bakit kailangan ko pang umalis? Tas ako pa ang magbabantay kay Shaun e siya yung mas matanda saming dalawa at siya yung lalaki. Ano siya baby?

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala kami ni mom sa kama ko, kundi pa pumasok si kuya Shaun

“mom, Sheena gising na” agad naman kaming bumangon ni mom at nagsimula na kaming mag-ayos ng mga gamit ko na dadalhin ko sa paglipat

Matapos naming makapag-ayos ng gamit ko ay bumaba na kami ni mom sa may salas kung saan naghihintay ang excited kong kakambal. Kala mo aattend ng fieldtrip super excited siya.

“let’s go!!” masiglang sabi niya

“saan?” tanong ko naman sakanya, kasi saan ba kami pupunta? Baki excited siya? Pupunta ba kami sa Disney land?

“tsk!” lumapit sakin si Shaun at inakbayan ako

“saan pa ba edi lilipat” tas ginulo niya yung buhok ko

“now na?” grabe naman kakausap lang namin kay miss Fiona tas lilipat kagad kami? Talaga tong si Shaun excited masyado. Ano bang nakakexcite sa paglipat? Wala naman a

“mom, I thought you talked to her?” inis na sabi niya kay mom, ngumiti naman si mom tas bumaba na yung mga katulong dala yung gamit namin ni Shaun. Ano bang nangyayari? Lilipat nab a talaga kami? As in now na? Naman talaga o

Wala na nga kong nagawa dahil hinatak na ko ni Shaun sa kotse niya. Bago naman umalis ay humalik muna ko sa pisngi ni dad and mom. Bakit ba ganun sila? Nabili nila ng sasakyan si Shaun pero unit hindi? Samantalanag mas mahal kaya yung sasakyan kesa sa unit ng cellphone. Tas Masaya p si Shaun na lilipat kami ng dorm. Ano bang mapapala niya sa paglipat namin? May nagawa ba siyang kasalanan kina dad? E bakit ako kasama? Bakit pati ako damay sa paglipat?

Pucker Series #3: dormiSEXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon