Room Thirty

13.7K 80 15
                                    

Room Thirty

[Two Months After]

Reika's POV

MU? Ano nga ba ang MU na yan? Mutual Understanding? Malanding Ugnayan? Malabong Usapan? Ano pa man ang ibig sabihin ng dalawang letra na yan para sa tao, iisa lang ang ibig niyang sabihin. Hindi kayo, walang kayo, walang comitmment, just kiss, hug at malala pa may sex pa minsan. But all in all wala kayong relasyon.

Masakit sa ulo, pero mas masakit sa puson kung pipigilan ang nararamdaman sa ibaba. Bitin ka na masakit pa. Pero ano bang mas masakit? Maheart broken? O ang magpigil?

Bakit ko ba iniisip ang sakit? Pwede naming ienjoy ko nalang diba? Kaya eto imbes na problemahin ko kung anong meron samin ni Clinton, enjoy ko lang ang date namin. Teka date? Well yeah may date kami ni Clinton.

"Love anong gusto mong panoodin?" tanong sakin ni Clinton habang nakaakbay sakin. Medyo naiilang ako kasi kanina pa hinahabol ng mga mata ng mga babae tong si Clinton. Ang gwapo naman kasi nitong taong to at ang macho pa. Gudness naman, kahit nga mga saleslady dito sa mall napapatigil sa trabaho kapag nakikita siya e. Kaya nga minabuti ko ng dito kami sa sinehan, atleast dito madilim di nila makikita ang kagwapuhan ni Clinton.

"ano bang gusto mo?" wala naman kasing maganda sa mga pelikula ngayon dito, yung isa pang movie 4 na e hindi ko pa nga napapanood yung movie 2 and 3 noon. Yung isa horror, naku bayaran niyo man ako hindi niyo ko mapipilit manood niyan. Yung isa naman pang bata. Anak nang walang maganda diba? Tapos yung isa pa tagalog comedy, jusmiyo umay much. Manonood ka ng sine para dyan? Sayang sa pera.

Sa huli yung movie 4 ang pinili niya. Yung tungkol sa mga robot. Jusmiyo hindi ko pa kaya napapanood yung movie 2 at 3 pati nakalimutan ko na yung kwento nung movie 1. Baka may

maintindihan ako nito.

"tara" ayaniya sakin matapos niyang makabili ng snacks namin. Tamango nalang ako at nagpahila sakanya papunta sa uupuan namin.

Dahil di pa naman simula ay nagpaalam

muna ko na magbabanyo ko. Goodluck naman kung maenjoy ko tong date namin na ito. Paano ko manonood ng pelikulang panigurado akong di ko maiintidihan ang takbo ng istorya?

Matapos kong gawin ang dapat kong gawin ay bumalik na ko sa pwesto namin. At anak ka naman talaga ng tatay mo. May babaeng tumabi kay Clinton, tsk!

"hon, lipat tayo dito amoy malansa dito" paglalambing ko kay Clinton paglapit ko sakanya

"huh? okay naman dito a, gitnang gitna pa, alam mo naman ako mahilig sa gitna" narinig ata ni ateng ang sinabi ni Clinton at humagikgik pa.

"edi ikaw nalang manood" aalis na sana ko ng hawakan niya ang braso ko.

"eto namang asawa kong to tampo kagad, tara lipat tayo don sa pwestong hindi ka magseselos" lecheng to, alam

niya naman palang nagseselos ako.

"di ako nagseselos nu"

"oo nalang, tara" at hinatak niya ko papunta don sa may sulok.

Bago pa nga kami umalis ay nginisihan ko yung babaeng timabi sakanya. Aba manlalandi nalang siya sa kasama ko pa ha. Naku ateng sorry ka

sa dame ng natutunan kong kalokohan at kamalditahan kay Jullie papatalo ba ko sayo? Asa ka!

Pumwesto kami ni Clinton sa may bandang gilid kung saan siya yung nakapwesto malapit don sa wall para di na siya malapitan pa ng mga dikyang nagkalat.

"selosa pala ng love ko" pang-aasar niya sakin

"leche love ka dyan, tigilan mo ko"

"ang cute mo magselos" at talagang nacutan pa siya diba? bwisit!!

Pucker Series #3: dormiSEXKde žijí příběhy. Začni objevovat