Room Forty Seven

8.6K 60 3
                                    

Room Forty Seven

AN: hello po sa inyong lahat readers, alam kong magulo ang setting at time line ng dormiSEX. Pagpasensyahan niyo na po at kailangan po ang pabago bagong timline para maexpose ang loveteams natin. Mas maguguluhan pa kayo sa time line once na pumasok na sa eksena ang SheenaHarry Moments :) So sana po ay maintindihan niyo yung sequencing of events kahit sobrang gulo niya. Maraming salamat po

[1 Week After ng Sheen hospital scene]

Karen's POV

Matapos ang malungkot at nakakalokang eksena noong nakaraang linggo ay napagpasyahan namin ng boyfriend kong unggoy na mamasyal. Kahit kasi tapos na yung nangyari sa kasal at ospital, magulo pa rin ang lahat at mas lalong gumulo dahil nasa iisang dorm na naman kami nakatira lahat. Ang hindi ko maintindihan ay ang paglipat ng kambal na Pucker sa dorm at magkaibang kwarto pa sa 4th floor ang kinuha nila. Nakakabobo lang talaga, lalo pa't may iba kong nararamdaman sa pagitan nila Harry, Sheena, Jullie at Shaun.

Kaya naman eto kami ngayon ng boyfriend kong parang bata, nakapila para makasakay sa isang ride dito sa isang park sa Laguna. At oo dinayo pa namin to para lang magrelax.

Ang nakakatawa lang sa pagsakay sakay namin ay itong kasama kong unggoy. Ang lakas ng loob magpipipila sa mga nakakalulang rides siya naman yung parang bbae samin na tili ng tili at panay ang reklamong nahihilo siya matapos ang pagsakay namin.

Kundi ba naman isa't kalahating abnormal tong lalaking to, siya ang nagyaya dito siya naman ang halos umikot ang sikmura sa mga rides na sinasakyan namin.

Kaya naman hindi ko talaga maiwasan ang tawanan siya kada daing niyang nahihilo siya at kung anu-ano pa.

"grabe horsey, feeling ko nawalan ako ng pagkalalaki sa pagsakay natin" tawa ko ng tawa sa sinabi ni Roy, ang putla putla ng mukha niya at ang gulo ng mga buhok niya. Kabababa lang namin sa ride na malaking barko tas parang pendelom na nagsway sway.

Umupo kami sa isang nech para pakalmahin ang mga kalamnan ng kawawa kong boyfriend.

"tarasakay pa tayo" pang iinis ko sakanya, nanlaki naman ang mga mata niya sa sinabi ko

"ayaw" parang batang tanggi niya, pinisil ko ang ilong niya at tinitigan siya sa mga mata.

Parang may kung ano sa mga mata niya na hinihigop ang lakas ko, unti-unting naglapit ang aming mga mukha habang walang alisin ng tingin saming mga mata.

"I love you horsey" napangiti ako bago niya tuluyang ilapat ang labi niya sa labi ko. Naramdaman kong kinulong niya sakanyang mga palad ang aking mga pisngi at mas diniin pa ang pagkakahalik namin sa isa't isa.

Hindi ko maikakaila na sa araw-araw na magkasama kami ay mas nahuhulog ako sa unggoy na ito. Yung koting love na meron ako sakanya noong pagbalik ko ay lumawak. Mas mahal ko na siya ngayon, at natatakot akong may humadlang sa pagmamahalan naming dalawa. Hindi siya ang unang boyfriend ko, pero siya ang kauna-unahang lalaking minahal ko ng ganito. Iba siya sa lahat ng lalaking nakahalikan ko, ramdam ko ang pagmamahal niya sakin sa bawat dampi ng labi niya at sa bawat haplos niya.

Hulog na hulog na ko sa unggoy na to, at natatakot ako na baka sa sobrang saya namin ay magaya kami sa mga kasama namin. Na kung kailan okay na ang lahat ay biglang may papasok sa eksena para guluhin ang masayang pagmamahalan namin.

Una siyang bumitaw sa paghalik at buong pagmamahal na tinitigan ang aking mga mata. Pinagdikit niya ang aming mga noo bago muling magsalita

"I love you Karen, mahal na mahal kita horsey ko"

"mahal na mahal din kita monkey ko" bago tuluyang maglayo ang aming mga mukha ay dinampian niya ng halik ang aking noo.

Naglibot kami sa buong parke ng magkahawak kamay. Lunes na naman bukas, may kanya-kanya kaming mga trabahong dapat asikasuhin kaya namin suulitin na namin ang date na ito.

Hindi na kami sumakay pa sa extreme rides, mas ginusto namaibg sumakay sa mga romantic rides para mas masulit ang araw namin. Hindi ako sweet na tao, pero para sa unggoy na to, ang isang bitter na kagaya ko ay nagmistulang asukal sa tamis.

Alam kong sa una ay puros libog lang ang namamagitan samin. Ang mga nakaw na sandali namin noon sa lumang dorm kung saan nagkakainan kami kapag wala ang mga tao sa dorm at ang cyber sex namin noong nasa ibang bansa ako. Pero ngayon, eto kami in love na in love sa isa't isa at paranf teenager na sinusulit ang isang buong araw na date.

Bago namain napagpasyahang umuwi ay sumakay kami sa ferris wheel at kasabay ng pagputok ng mga fireworks sa kalangitan ay muli niya kong ginawaran ng matamis at punong puno ng pagmamahal na halik saking mga labi.

Magkahawak kamay kaming sumakay sa sasakyan ni Harry na hiniram namin para lang makapunta dito sa Laguna. Kahit na pambata ang date namin ay wala akong pake, ang mahalaga ay masaya ko at kasama ko ang unggoy na to.

"Roy una ka na, kakausapin ko muna si miss Fiona" tumango naman siya sakin bago pumunta sa mysala, ako naman ay pumunta muna sa office ni miss Fiona.

After minutes of talking with miss Fiona ay sumunod na ko sa tambayan ng grupo at halos makapatay ako ng tao ng makita kong may kahalikang ibang babae ang boyfriend kong unggoy.

Pucker Series #3: dormiSEXحيث تعيش القصص. اكتشف الآن