Room Fifty Six

6K 99 8
                                    

Room Fifty Six

Jullie's POV

Mabilis ang pagtibok ng puso ko, tanging mabilis na pagtibok nito nalang ang naririnig ko. Ramdam ko din ang pagpatak ng malalamig na pawis sa noo ko.

Kitang kita ko kung gaano kasaya ang mga anak ko habang nakahawak sa kamay ng ama nilang si Shaun. Iiwan na nila ko, sasama na sila kay Shaun. Iiwan na ko ng mga anak ko para makasama ang tatay nila.

Hindi ko maigalaw ang mga paa ko, gusto ko silang habulin. Gusto kong bawiin kay Shaun ang mga anak ko. Pero parang pinako ang mga paa ko sa kinaatayuan ko ngayon. Hindi ko maihakbang ang mga ito kahit anong pilit ko.

Unti-unti ng lumalakad palayo sakin ang mga anak kong masayang nakahawak sakanilang ama. Masaya sila kasama ang ama nila, pinili nilang sumama sakanya at iwan ako.

Unti-unting bumuhos ang mga luha saking mga mata, gusto ko silang habulin, pilit kong binubuka ang bibig ko pera wala. Walang lumalabas na salita mula sa bibig ko. Hindi ko na magawang habulin pa ang mga anak ko, ni hindi ko din mabanggit ang pangalan nila, ni hindi ko masabing "wag nila kong iwan".

Parang sinaksak ng paulit ulit ang puso ko ng makita kong hagkan nila sa pisngi ang isang sexyng babae. Agad naman itong hinapit sa bewang ni Shaun at hinalikansa labi.

Iniwan na ko ng mga anak ko, sumama na sila sa tatay nila, sa tatay nilang may ibang babae.

Hindi to maari, hindi ako iiwan ng mga anak ko. Hindi nila ko iiwan, hindi ako papayag. Sakin lang ang mga anak ko, hindi ko hahayaan na mapunta sila sa kung sinong babae lang. Hindi ako papayag.

"HINDI!!"

"mom, mom"

Agad kong idinilat ang mga mata ko, nag-aalalang mukha ng anak kong si Sheen ang bumungad sakin.

"are you okay ma'am?" agad kong inakap ng mahikpit si Sheen, pakiramdam ko isang taon kong hindi nayakap ang anak ko.

"I love you baby" hindi ko napigilan pa at naiyak nalang ako habang akap akap ko ang anak ko.

Yung panaginip kong iiwan nila ko ni Sheela ay masakit na para sakin, pano pa kung totoong iwan na nga nila kong dalawa? Himdi ko ata kakayaning mawala ang mga anak ko. Kahit sabihin pa nating kay Shaun sila sasama, the idea of them leaving me is hell. Ayokong mangyari ang kahit ano man sa napanaginipan ko. Ang pag-iwan sakin ng anak kong kambal at ang maging masaya si Shaun sa piling ng ibang babae.

Akala ko noon kaya ko ng harapin ng buong tapang si Shaun. Akala ko bago ko umuwi paa sa kasal nila Reika ay matigas na ko, na matatag na ko, na hindi na ko lalambot pa para kay Shaun. Akala ko I'm totally over him, na wala na kong pagmamahal na nararamdaman para sakanya, na puros galit nalang ang nararamdaman ko para sakanya. Pero mali lahat ng akala ko, dahil kahit apat na taon na ang nakakalipas, kahit na ginago ako ni Shaun. Mahal ko paron siya, mahal ko parin si Shaun Pucker at isa parin siya sa taong kayang magpalambot sakin.

"mom why are you crying?" agad naman akong napahiwalay sa mahigpit na pagkaka-akap kay Sheen tinignan siya.

Sheen is weak, hindi kagaya ng kakambal niyang si Sheela mahina ang resistensya ni Sheen. Mabilis lapitan ng sakit si Sheen, aside from that his heart is weakalso weak.As long as I want him to live his life like any other kid, yung malayang magtatatakbo at maglaro ay hindi pepwede. Dahil baka bigla nalang siyang atakihin ng sakit niya.

I know how envious he was sa kapatid niya dahil marameng nagagawa eto na hindi niya magawa-gawa.

Natatakot ako sa twing aatakihin si Sheen ng sakit niya, Kailangan ay todo bantay kami sa temperatura sa paligid niya kundi ay aatakihin siya ng sakit niya. Hindi siya pwede sa sobrang lamig o sobrang init na lugar. Hindi rin siya pepwedeng mapagod dahil bukod sa hypothermia ay mahina nga ang puso nito.

Alam kong wala dapat akong sisihin sa nangyayari ngayon sa mga anak ko, pero di ko maiwasang sisihin ang sarili ko. Kung hindi ako naging makasarili, kung hindi ko ginustong magka-anak kay Shaun, kung hindi ako nagpabuntis sakanya bago ko umuwi sa states. Siguro wala ngayon ang mga anak ko, at walang pinagdadaanang ganto si Sheen.

Pero kung hindi ko sila ipinanganak, magiging masaya ba ko? Magiging buo ba ko?

Kasi pakiramdam ko, ang kambal ang bumubuo ng buhay ko. Ang kambal ang dahilan kung bakit tumino ako, ang kambal ang dahilan ng pagiging masaya ko sa kabila ng pagiging wasak ng dahil kay Shaun.

"gutom na ba ang baby ko?" hindi ko maiwasang ibaby ang mga anak ko. Para sakin kahit tumanda na sila, baby ko parin sila.

"I'll wait for Sheela mom" nakangiting sagot nito sakin.

Hindi ko maiwasang hindi maalala kay Sheen ang sariling ama. Kagaya ni Shaun sobrang sweet ni Sheen sakanyang kakambal. Kagaya ni Shaun mahal na mahal niya ang kakambal niya. Kagaya ni Shaun maalaga si Sheen sa kakambal niya.

"okay babu, we'll wait for Sheela. Just take a rest while we're waiting" hinaplos ko ang ulo nito bago bigyan ng mariing halik sa noo.

Hindi talaga maikakaila ang pagiging Pucker ng mga anak ko. Ang mga mata nilang nakuha nila sa tita Sheena nila. Ang pagiging maalagang kuya ni Sheen gaya ni Shaun. Ang pagiging maldita ni Sheela kagaya ng kanyang tita Ree. Ang pagiging possessive ni Sheena kagaya ng kanyang tita Ree. Ang pagiging sweet nila kagaya ni Sheena.

Halos lahat ng physical traits ng kambal ay nakuha nila sa mga Pucker. Minsan naiisip ko na napaka unfair ng pagkakadistribute ng genes namin ni Shaun sa kambal. Lahat halos ng katangian ng kambal ay nakuha nila sa ama nila samantalang ako ang nagdala sakanila sa sinapupunan ng siyam na buwan.

"SHEEN!!!" dahil sa pag-iisip ko ng kung anu-ano ay di ko namalayan ang pagdating ni Sheena.

Bakas na bakas sa mukha nito ang excitement na makita ang kakambal na si Sheen. Ni hindi man niya nga ata ako napansin at nanakbo na kagad pataas ng kama para tabihan si Sheen.

"Sheela" tawag naman ni Sheen sa kakambal na sobrang hikpit ng pagkaka-akap sakanya

"I miss you Sheen"

"I miss you too Sheela"

Minsan nagseselos na ko sa kambal na to, nakakalimutan na nila ang presensya ko.

"so you don't miss me?" kunwaring pagtatampo ko kay Sheela. Agad naman tong kumalas ng akap kay Sheen at inakap ako ng mahikpit.

"I miss you mom, I love you" malambing na sabi nito sabay halik sa pisngi ko.

Minsan naiisip ko na sana wag nalang silang lumaki, na sana forever nalang silang bata.

"special delivery" napatingin naman ako sa bagong dating na si Shaun na may dalang agahan

"daddy Shaun"

Napatunganga nalang ako sa narinig ko, did Sheela say "daddy Shaun"? Tinawag niyang daddy si Shaun?

Pucker Series #3: dormiSEXWhere stories live. Discover now