Room Fifty Four

6.5K 86 6
                                    

Room Fifty Four

Sheena's POV

Ano bang feeling ng maging mommy? Ano bang feeling ng nagdadalang tao sa loob ng 9 months? Ano bang feeling ng nanganganak? Ano bang feeling kapag nakita't nabuhat mo na ang baby mo?

Gusto ko maramdaman lahat ng feelings na yun. Gustong gusto ko, kaso pano? Pano ko pa mararamdaman yun kung ang first baby ko dapat ay wala na?

Pano ko pa mararamdaman ang saya ng pagiging isang mommy kung wala na kong baby sa tyan ko?

Parang nung nakaraang araw lang ang saya saya ko. Sobrang excited ako para sa first baby namin ni Harry. Pero nawala lahat ng yun, lahat ng saya at excitement kong yun napalitan ng sakit.

Sobrang sakit.

Yung sakit na naramdaman ko nung unang karanasan ko ay baliwala sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Yung feeling na excited ka tapos naudlot. Yung feeling na siya nalang hinahantay niyo bumitaw pa.

Para kong sinaksak ng kutsilyo paulit-ulit. Parang tinanggalan ako ng lamang loob sa sakit.

Never kong naranasan mabroken hearted. Sabi kasi nila masakit ang love, kaya iniwasan ko ang love. Hindi naman nila sinabi na may mas masakit pa pala. Na mas masakit mawalan ng baby kesa mawalan ng jowa. Na mas masakit mawalan ng anak kesa mawalan ng love life.

Ano bang dapat kong gawin? Ano bang dapat kong maramdaman? Ano bang dapat kong sabihin? Ano na bang mangyayari sakin? Samin ni Harry?

Pakiramdam ko mababaliw na ko sa dame ng tanong na tumatakbo ngayon sa utak ko. Mga tanong na walang karampatang sagot.

Bakit nga ba nawala ang baby ko? Bakit nga ba hindi nabuo ang baby namin ni Harry? Bakit ba nagkamali ng lugar ng pagkakabuo ang baby namin?

Dahil ba sa masyado kaming excoted? Dahil ba sa unang beses palang namin ginawa may nabuo na? Dahil ba slow ako? Dahil ba hindi pa kami totally ready maging parents? Dahil ba hindi pa kami kasal ni Harry? Dahil ba sa ako daw ang karma ni Shaun?

Bakit? Ano bang tamang dahilan? Saan ba ko nagkulang? O masyado kaming nasobrahan sa mga bagay bagay?

Kasalanan ko ba? Ni Harry? Ni Shaun? Namin ni Harry? Ng parents ko? Ng doktor?

Sino ba ang dapat kong sisihin sa nangyari? O dapat nga bang may sisihin ako sa nangyari?

Harry's POV

Ilang araw matapos malaglag ang baby namin ni Sheena. Eto siya ngayon tulala, hindi makausap, hindi kumakaen, ni uminom ng tubig bibihira niyang gawin. Ni lingunin kami ay di niya magawa.

Psychological effects ng miscarriage sakanya. Minsan nahuli nalang namin siyang gustong patayin ang sarili niya. Para daw may mag-alaga sa baby namin, sasamahan niya nalang daw ang baby namin sa langit.

Ilang araw na siyang hindi kumikilos ng naayon. Parang tinakasan ng bait si Sheena kasabay ng pagkawala ng baby namin.

Paulit ulit kong sinisisi ang nangyayari kay Sheena sa sarili ko. Masyado kong nagmadali, masyado kong naging mapusok, naging padalos dalos ako. Hindi ko ginamit ang utak ko, ni hindi ko inisip ang pepwedeng mangyari kay Sheena bago namin gawin iyon.

Kasalanan kong lahat ng to.

"I'm sorry my Juliet"

Ni hindi ko alam kung paano haharapin si Sheena matapos ng nangyari. Hindi ko na alam kung ano bang dapat kong gawin para tulungan siya kung may maitutulong man ako.

"Mr. Santos, your wife is suffering from a depression, which is very common sa mga babaeng nalaglagan ng anak. Effects of miscarriage in women differ from each other. Sa kalagayan ng asawa niyo it depressed her so much. Kailangan niya ngayon ng todong suporta at tulong mula sa inyong pamilya niya. I suggest na ipatingin niyo si Sheena sa isang psychologist or psychaitris para makausap siya ang mabigyan na din ng tulong. Hangga't maaari ay dapat lagi kayong nasa tabi ng pasyente at icomfort siya."

Pucker Series #3: dormiSEXWo Geschichten leben. Entdecke jetzt