Room Twenty Six

14.1K 93 6
                                    

Room Twenty Six

Shaun's POV

"I hate you" ilang beses na ba kong nasabihan ng mga babae ng ganyan? Na hate nila ko? Hindi ko na mabilang pa dahil sa dame ng babaeng pinaiyak ko. Pero ang masabihan ng "I hate you" ng minamahal kong mga kapatid ay ibang usapan na.

Wala akong pake kong magalit man lahat ng babae sakin, wala kong pake kung kamuhian ako ng lahat ng babae, ang pake ko lang ay ang mga kapatid kong babae. Hindi ko kakayanin na marinig mula sa magagandang labi nila ang salitang "I hate you kuya". Pero dahil sa pagiging padalos dalos ko ay di lang isang beses ko yan natanggap mula saking kapatid.

"I hate you kuya" para kong sinaksak sa puso ng marinig mula sa magagandang bibig nila Sheena at Shayna ang mga katagang yan. Nung una ay nagalit si Shayna dahil sa paglipat ko sa dorm at pangalawa ay si Sheena naman ng ilayo ko siya kay Harry.

Hinding hindi ko gugustuhing kamyhian ng mga kapatid ko kailanman, kaya paa sakanila gagawin ko lahat kahit na on the process ay ang masaktan sila ng dahil sa love.

Andito ko ngayon sa may garden habang pinagmamasdan ang kapatid kong si Sheena na nakikipagkwentuhan kay Harry. Dalawang linggo kong kinulong ang kapatid ko sa mansyong ito ng mga Pucker, akala ko mas makakabuti sakanya kung ilalayo ko siya kay Harry, akala ko kapag inilayo ko siya kay Harry ay hindi siya iiyak at magiging okay lang ang lahat.

Pero akala ko lang pala yun, dahil

oras na nilayo ko siya kay Harry ay mas nasaktan ang kapatid ko. Hindi ko kayang nakikitang umiiyak ang aking kapatid, mas ayaw kong nagkakasakit siya. Kaya kung si Harry lang ang sagot para tumahan ang kapatid ko, buong puso kong tatanggapin ang lalaking yan sa pamamahay na ito ng mga Pucker

Harry's POV

"Harry muka na ba kong si Rapunzel?" andito ko ngayon sa garden sa mansyon ng mga Pucker kasama ko si Sheena na naglalaro ngayon ng bubbles.

Kahit na childish side niya ang nakikita ko ngayon ay masaya ko, masaya ko dahil nakita ko na ulit siya, masaya ko dahil okay na ulit siya, masaya ko dahil magkasama kami ngayon at higit sa lahat, masaya ko dahil masaya siya.

"bakit gusto mo bang maging si Rapunzel?" tanong ko sakanya, humipan muna siya don sa bubbles bago magsalita

"dati oo, ngayon ayaw ko na" seryosong sagot niya

"bakit naman?" nakita kong ngumus siya bago magsalita, this girl is very pretty indeed. Kulang ang salitang pretty kaya I'll describe her as very pretty. Minsan slow, minsan childish at minsan naman or should I say madalang naman ay matino siyang kausap.

Pero kahit na ganon pa man si Sheena, still I like her, no scratch that, I love her.

"e kasi mahirap maging si Rapunzel, kailangan ko pa magpahaba ng buhok, tapos wala naman kaming tore saka may hagdan naman kami so hindi mo na kailangan pa ng mahabang buhok para akytin ang kwarto ko" seryosong sagot niya sabay ngusu ulit.

Normal sa mga babae ang mangarap na maging isang prinsesa at maging parte ng fairy tale, normal sa mga babae ang humiling ng fairy tale like na buhay. And Sheena being one of those normal girls, gusto niya ang mga yun

"kundi ka si Rapunzel edi sino nalang gusto mo?" tanong ko sakanya, hinawakan niya ang baba niya at pinagisipang maigi ang isasagot

"hmmm" pumikit pa ito na tila ba iniimagine lahat ng prinsesa sa mga fairy tale.

I don't know kung anong nagtulak sakin, pagkapikit niya ay nilapit ko ang mga mukha ko sakanya. Pinagmasdan kong maigi ang napaka among mukha ni Sheena. No sign of pimples halatang alaga ang kutis niya, mahahabang pilik mata na mas nagpapaganda sakanya kapag nagpaoaawa effect siya , and damn her lips.

"alam ko na!!" napalayo naman ako sa gulat ng bigla itong dumilat at magsalita

"ano?" curios na tanong ko sakanya

"hindi nalang ako magiging prinsesa sa fairy tale"

"bakit naman?"

"e kasi ayaw kong maging si Cinderella ayaw kong maging alila. Ayaw kong maging si Snow White kasi alergic ako sa apple. Ayaw ko si Jasmine kasi takot ako sa tigre. Ayaw ko ng sleeping beauty kasi nakakasawa naman matulog. Ayaw ko sa frog prince at beauty and the beast kasi hindi ka naman beast or frog." nangingiti nalang ako sa sagot niya, she really has a weird way of thinking

"e anong gusto mo?" tanong ko dito, humarap siya sakin at ngumiti, ngiting nakaka in love

"gusto ko romeo and juliet, yung tipong pinagbabawalan na ng lahat pero wala silang pake nagmamahalan parin sila. Yung tipong ipaglalaban nila ang love nila sa isa't isa. Tapos kapag namatay ako susunod ka sakin" this girl, ano bang ginawa nito sakin? Bakit nabablangko na ganito ang utak ko? Bakit hindi ako makasagot sa mga pinagsasasabi niya?

"will you be with me forever Harry?" hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak niya, hindi ko alam kung seryoso ba siya o nadala lang siya ng pag-iisip niya tungkol sa fairy tales. Pero ako? I am more than willing to be with her forever.

AN: goodness!! sinong may sabing fairy tale ang Romeo and Juliet? LOLS

pagpasensyahan niyo na po ang maiksing Harry Sheena moments :)))

Pucker Series #3: dormiSEXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon