Chapter 6: Moment (Ally&Aki)

1.1K 50 2
                                    

"Allison's POV.

"Kainis ka naman e. Dinamay mo pa ako sa kadramahan mo. Hindi ko na tuloy nakakasama si bebe loves ko." Pagmamaktol ni Lisa. Psh.

"Ilang beses mo bang uulitin sakin yan? Alam mo, naririndi na ako sa'yo e. Pwede mo naman akong iwan kung gusto mo." Inis na sambit ko at akma ko na siyang tatalikuran nang bigla kong maramdaman na parang may yumakap sakin.

"Kainis ka, alam mo ba yun? Ganyan ba kababaw ang tingin mo sa pagkakaibigan natin para isipin mong basta basta na lang kitang iiwan?."

Medyo natouched ako sa sinabi niya pero hindi ko lang pinahalata.

"Sorry na ah. Bati na tayo." (Pout.)

Hindi ko na tuloy napigilang matawa.

"Ba't ba nakatawa ka ah?." (Pout ulit.)

'Childish, eh?.'

"Para ka kasing bata. Haha. Tsaka hindi naman ako galit no. Hali ka nga dito."

Agad ko siyang niyakap.

*** *** ***

Lunch time.

Canteen.

Kumakain lang kami ni Lisa nang biglang may dumating. Sino pa ba? Edi yung magkakaibigan. Pero pansin ko lang. Kulang sila.

"Pwede na bang makisabay, sweetheart?."Rafael.

'Tss. Gross.'

"Sure sweetheart." Lisa.

"Order muna kami." Axel.

"Thank you talaga ah. Akala ko magmamatigas ka pa eh."Lisa na yumakap na naman. Psh.

Ganito ba talaga matuwa to? Pano ko nga ba naging kaibigan to?

"Nakakahiya naman kasi sa'yo eh. Nauudlot pa ang lablipe mo." Irap ko pero ikinatawa niya lang.

"Patawarin mo na kasi si Akiro. Nagiging bitter ka eh."

Pero inirapan ko lang siya.

Ilang saglit pa ay dumating na yung dalawa.

Hindi ko alam pero nagpapalinga linga ako sa entrance ng canteen.

Aminin ko man o sa hindi, umaasa talaga ako na bigla na lang magpapakita diyan si Akiro.

Namimiss ko na siya eh. Hays. Isang linggo ko din siyang hindi pinapansin. Kahit anong suyo niya, iwas lang ako ng iwas.

Nakipagpalit naman ako ng upuan kay Lisa para hindi ko siya makatabi. Sinasadya ko ding pumasok ng room sakto sa pagdating ng mga guro namin para hindi siya magkaroon ng pagkakataon na kulitin ako.

'Kasalanan mo yan. Panindigan mo.'

Napabuntong hininga na lang tuloy ako.

Abala sa pagmomoment yung dalawa. Sino pa ba? Edi si Rafael at Lisa. Lovebirds yang mga yan e. Si Axel naman kumakain lang. Ako, tahimik lang din na kumakain.

"Wala si Akiro ngayon."Axel.

Kahit hindi ako tumingin, alam kong ako ang sinabihan niya nun.

"Hindi ko tinatanong."

Pokerface na sagot ko.

"Baka lang namiss mo na yung kaibigan namin, nasa Hills Garden siya ngayon. Dun siya laging pumupunta para tumambay."Rafael.

"Okay naman siya dun. Ang alam ko lang hindi pa siya kumakain at bukod dun, nakakatanggap din siya ng death threats." Kalmadong si Axel.

Agad naman akong napatayo.

Queen of Hell (COMPLETED!!!!)Where stories live. Discover now