Chapter 35: Family Bond

734 30 0
                                    

"Bridget's POV"

Ilang buwan na ang nakakalipas magmula nang bawiin namin si daddy kay auntie.

"Malapit na pala ang graduation no?." - nakangiting tanong ni Lisa.

Kasalukuyan kaming nasa klase ngayon. Wala pa ang professor kaya malaya kaming nakakapag usap. Ilang buwan na lang at gagraduate na din kami sa fourth year college.

"Ano nang plano ninyo pagkagraduate natin?." - tanong naman ni Axel.

"Ako, baka pumunta ako nang ibang bansa." - sagot ni Rafael at nilingon si Lisa. "Ikaw sweetheart?."

"Pupunta din ako ng ibang bansa. Baka magsama na naman tayo niyan." - sagot naman nito.

"Sus. Baka naman dahil mangingibang bansa din si Rafael." - pang aasar ni Agatha.

Walo na kami ang palaging magkakasama ngayon. Ang dating lima, ngayon ay walo na.

"Ano nang plano ninyong tatlo pagkagraduate natin?." - tanong ko kina Agatha, Jex at Rix.

"Maghahanap ng trabaho." - Agatha.

"Talaga ba? Ang sabihin mo, naghahanap ka na ngayon pa lang ng trabaho para sa future ninyo ni Richard." - pang aasar ni Jex at agad namang pinamulahan si Agatha. Nahuli ko siyang palihim na sumulyap sakin dahilan para mas lalo siyang pamulahan.

Haha. Ang gwapo talaga ni kuya Richard. Psh!

"Kumusta naman kaya ang patay na patay kay ate Keyla?." - ganti ni Agatha at si Jex naman ngayon ang pinamulahan. Psh!

Napailing na lang ako. Grabe talaga ang mga kapatid kong yun.

"Buti pa yung isa diyan tahimik lang." - pagpaparinig ni Jex kay Rix.

Sinamaan lang siya ng tingin ni Rix.

Ba't kaya ang seryoso ng isang to ngayon?

"Tanungin ninyo naman ang isa diyan?." - nakangising saad ni Axel at pagtingin ko ay nasalubong ko ang lahat nang tingin nila sabay lingon kay Akiro.

Naramdaman ko nang hawakan niya ang kamay ko dahilan para pamulahan ako.

"AYIEEEEEEEE."

"Kailan ang kasal?."

"May kasunod na ba agad si Kyses?."

"Sana babae naman sa susunod.

Kantyaw nila at maging ang mga kaklase namin ay nakisali na rin. Magmula nang malaman nila na ako ang totoong Queen ay nagbago na ang trato nila samin.

"Actually....." - pambibitin ni Akiro dahilan para mangapa ang mga loko. Psh!

"Actually, what?."

"Ano na?."

"May kapatid na ba si Kyses?."

"O baka magpapakasal na kayo?."

Sunod sunod nilang tanong at napailing na lang ako. Psh! Hotseat!

"After graduation, we're planning to get married." - nakangiting paliwanag niya at natulala naman ang mga loko. Psh!

Ilang segundo din ang tinagal bago sila tuluyang nakapagreact. Tsk! Tsk! Tsk!

"Really?."

"Kyaaahhhhhhh!."

"Ninang kami."

"Ninong kami."

"Honeymoon agad."

Ilang minuto pa kaming nag usap usap bago tuluyang pumasok ang professor namin. Nagsipagtahimik din naman sila at naging smooth lang ang daloy ng klase sa araw na ito.

Queen of Hell (COMPLETED!!!!)Where stories live. Discover now