Chapter 26: New Transferee

636 28 0
                                    

"Akiro's POV"

"Hindi talaga ako makapaniwalang 4th year college na tayo." - Rafael.

"Ayaw mo bang gumraduate?." - asar naman na tanong ni Axel.

"Sino bang hindi? Haha. Tara na nga sa room." - sagot ni Raf kaya agad kaming pumunta sa room at doon na lang hihintayin ang pagdating ng teacher namin.

Nagkabati bati na kaming magkakaibigan. Nalaman namin kung bakit ganun ang naging asta ni Axel noong mga nakaraang taon. Pinatawad na daw niya si Bridget. Kahit ako, napatawad ko na din siya. Pero hanggang ngayon, gusto ko pa ring malaman kung bakit gusto niyang gumanti sa mga lolo namin.

Napasulyap ako sa pinto nang deritsung maglakad si Lisa at wala sa sariling umupo sa tabi ni Raf. Hindi niya proper seat yun, ganyan lang talaga ang lovers na yan. Pero maya maya, kinailangan din niyang bumalik sa pwesto niya. Sa tabi ko. Ganito ang proper seat namin....

Ako *** Lisa *** Vacant
Axel *** Raf *** Vacant

"Sweetheart, okay ka lang ba?." - nag aalalang tanong ni Rafael pero parang wala man lang narinig si Lisa.

"Sweetheart." - muling tawag ni Raf.

"H-huh? Ano yun?." - Lisa na napapakamot pa sa ulo.

"Ang sabi ko, okay ka lang ba?." - kunot noo ring tanong ni Rafael gayunpaman may pag aalala pa rin sa tono nito.

"A-ah. H-hehe. Okay lang ako no!." - ngumiti ng malapad si Lisa pero halata namang pilit lang ito.

Ngumiti na lang din si Raf sa kanya at siya naman ay muling bumalik sa pagkakatulala.

Hanggang sa matapos ang klase sa umaga ay nakatulala pa rin siya.

Nag aalala na kami sa kanya, lalo na si Raf.

Simula nung may napamilyaran daw siya sa mall nung minsang namasyal kami ay naging tulala na siya at parang parating merong iniisip.

                            "Lisa's POV"

******* FLASHBACK *******

Nandito kami ngayon nina sweetheart, Axel at Akiro sa mall. Naisip kasi naming mamasyal dahil malapit na rin ang simula ng klase.

"Saan ninyo ba gustong pumunta muna?." - tanong ni Akiro.

Lahat sila ay sabay na tumingin sakin.

"Kumain muna tayo. Gutom na ako e." - tumango naman silang tatlo kaya agad kaming pumunta sa food court.

Agad na lumapit samin ang dalawang server sabay lahad ng menu.

"I want this, this also and that one." - matapos kung sabihin ang order ko ay yung tatlo naman ang nilapitan nila.

Agad nilang nilista ang mga inorder namin.

"We'll serve your order in a minute, ma'am/sir."

Agad silang umalis para ipaghanda ang mga inorder namin. Ilang saglit lang ay bumalik na din sila dala dala ang mga inorder namin.

"Thank you." - sabay sabay naming saad matapos matanggap ang mga order.

Nagsimula na kaming lantakan ang mga ito.

Maya maya pa......

"Saan na ang sunod?." - tanong ni Axel habang naglalakad palabas ng food court.

Hinimas himas ko pa ang tiyan ko. Hay! Nakakabusog!

Naririnig ko silang nag uusap usap nang biglang matuon ang atensyon ko sa isang pamilyar na tao di kalayuan sa pwesto namin.

"Prime Princess." - mahinang bulong ko habang nakatingin sa isang babae. May mga kasama siya pero hindi ko sila kilala. Hindi nakaharap ang babae sa gawi ko pero parang siya talaga si Prime.

Queen of Hell (COMPLETED!!!!)Where stories live. Discover now