Chapter 34: All for One Mission

756 25 0
                                    

"Bridget's POV"

"Nakahanda na ba ang lahat?." - tanong ko at lahat sila ay tumango.

When I said 'lahat', literal na lahat. Nandito ang mga kapatid ko, lolo ni Akiro, maging ang ate niya na si Ayanna Clarisse Hillston. Isang assassin ang kapatid ni Akiro. Nandito din ang lolo ni Rafael, ang mga gang ko, si Hexter, Agatha, Jex, Rix. Wala kaming mga tauhan na kasama, dahil malakas ang tiwala ko sa mga kasamahan ko na kaya na naming mabawi si daddy sa dami namin. Linggo ngayon at ngayon na ang araw ng kasal nina daddy at auntie. Time check: 6:40 pm.

Hindi ko alam kung bakit gabi naisipan ni Auntie na ganapin ang kasal. Psh! Corny!

Kasalukuyan namang nasa Archade's Valley ang parents ni Akiro, kasama ang parents ni Axel, Rafael at Lisandra. Sila ang nagbabantay sa nagpapanggap na ako na nagngangalang Clarita Sydra. Kasama din nila ang anak ko at ang pamangkin kong si Alexis Bernick. Napag usapan na naming magkakaibigan at mga ka-gang ko na kapag nagkaanak ang bawat isa sa amin ay awtomatikong magiging ninang at ninong kaming lahat ng anak ng bawat isa sa amin.

Ilang saglit lang ay nakarating na kami sa venue at hindi pa naman nagsisimula ang programa.

(A/N: Ito po mga codename ng hindi ko pa nababanggit kahit kailan. Ayanna (Sharia); Hexter (Halius); Agatha (Adra); Jex (Zeus); Rix (Blackmen); Richard (Aries); Keyla (Dhian); Kylo (Astorian). Sige ilalagay ko na lahat para hindi kayo malito. Akiro (Dhamus); Axel (Rafias); Desteen (Lucky); Rafael (Rafias); Lisa (Vria); Sabrina (Prime); Miguel (Star); Xy (Shia); Angel (Veron); Liah (Daya); Migs (Nova); Liselle (Antares); Edcelle (Orion); Michael (Prince Tycoon); Rhiana (Beta Orionis); Ian (Alpha Centauri); Vega (Alpha Lyrae); Art (Alpha Bootis); Capella (Alpha Aurigae); Sirus (Alpha Canis); Miles (Alpha Carinae). Sa madaling salita, lahat sila bukod sa dalawang matanda ay may mga codename. Wohshuuu! So dami! D*mnit!. Haha sana hindi kayo nalilito, ako kasi malapit na e.)

(A/N: Codename lang po ang gagamitin ko sa scene na to bukod sa walang codename, syempre.)

Back to the scene....

"Sharia, Halius, Veron, Daya, Aries, Adra, Prime, Star, Alpha Centauri and Alpha Lyrae. Pumasok na kayo! Kayo ang magiging mata namin sa loob." - saad ko sa aking earpiece at sabay na tumango sina Ayanna, Hexter, Angel, Liah. Nakita ko namang lumabas sa kabilang van sina Richard, Agatha, Ian at Vega. Sabay sabay nilang tinungo ang loob ng simbahan.

"Queen." - nilingon ko si Dodge Hillston. Ang lolo ni Akiro. "Sasama kami sa loob." - dagdag niya. Aangal pa sana ako nang maging ang lolo ni Rafael ay sumang ayon dahilan para payagan ko sila.

"Alpha Canis, Alpha Carinae. Samahan ninyo sila sa loob."

"Yes, Queen." - sabay na tumango sina Sirus at Miles at inalalayan ang dalawa hanggang sa mawala na sila sa paningin ko.

Kaming mga naiwan ay maghihintay ng hudyat nila galing sa loob.

Ilang minuto lang ay nakita ko na ang van na sinasakyan ni Auntie at ilang saglit lang ay bumaba na siya.

"Aries." - saad ko sa aking earpiece.

("Yes, Queen?.") - kahit mga kapatid ko ay Queen ang tawag sakin.

"Papasok na si Auntie diyan." - sagot ko.

("Nakikita ko na siya, Queen.") - aniya.

"Prime."

("Yes, Queen.") - saad ng nasa kabilang linya.

"Ano na ang update?." - tanong ko at nakitang nakapasok na nang tuluyan si Auntie sa loob.

("Kasalukuyan nang naglalakad si Astera, samantalang nakaantabay naman sina Sharia, Halius, Alpha Centauri at Alpha Lyrae kay tito Kielo.") - galit si Sabrina kay Auntie dahil siya ang may kagagawan sa aksidente nito kaya pinangako niyang kahit kailan ay hindi niya ito ituturing na kamag anak.

Queen of Hell (COMPLETED!!!!)Where stories live. Discover now