Chapter 13: Strike Two

753 29 2
                                    

"Third Persons's POV."

Sa isang malaking gusali sa lugar ng mga Kylester ay mayroong isang transaksyong nagaganap. Lahat ng mga illegal na gawain ay naririto. Lahat ng klase ng sugal ay meron dito.

Sa isang VIP room ay mayroong tatlong lalaking matatanda. Lahat sila ay nagsusugal at nagtatawanan habang may kanya kanyang kandong na babae.

"Ang hina kasi ni Victorino kaya naisahan." - saad ng isang matandang lalaki.

"Tama kayo. Mahina siya kaya siya naisahan. Ako? Hinding hindi ako maiisahan nun. Mahuhuli ko din kung sino man ang taong yun." - seryoso at galit na usal nang isang matandang lalaki.

Agad niyang kinuha ang kanyang yosi at nagsindi. Matapos nun ay agad din niyang hinalikan ang babaeng nakakandong sa kanya. Ganun din ang ginawa ng dalawa pang matatanda.

Sa di kalayuan ay may mga grupong nakatanaw sa labas ng VIP room.

'Gross.' - saad ng babae sa kanyang isip matapos makita ang kalaswaang ginagawa ng mga matatanda kasama ang kanilang mga babae.

Nagkanya kanya na ng pwesto ang miyembro ng AMU. Tulad ng dati, ang plano nila ay walang dapat palabasin na buhay dito bukod lamang sa target ng kanilang Reyna. Alam nila na may iba pang plano ito kaya hindi niya pinapatay ang mga target niya.

Naghihintay lang sila ng Go Signal mula sa kanilang Reyna. Ilang saglit lang nga ay natanggap na nila ang Go Signal nito.

Agad nilang pinasabog ang ilang bomba na tinanim nila mula pa sa kailalimang bahagi ng lupa sa dulong bahagi ng gusali.

Agad naalarma ang tatlong matatandang lalaki. Bago pa sila makakilos at makalabas ng pinto para sundan ang tatlong babae ay bigla na lang itong nasara. Halos manginig sila ng makita nila sa kanilang harapan ang taong nagmassacre sa transaksyon ni Dodge Victorino dalawang linggo ang makalipas.

"Anong kailangan mo?." - kahit natatakot ay pinigilan niyang mautal dito.

"Buhay mo sana. Kaso mas gusto kong pahirapan ka muna hanggang sa ikaw na ang kusang magmakaawa na patayin na lang kita." - malamig at kahindik hindik na sagot nito.

Agad namang naihi sa takot ang dalawa. Dahil alam nila na sa pagkakataong ito ay wala na silang ligtas pa.

"Haha. You're crazy. Hindi mo yan magagawa." - nakakalokong anas nito.

"And what makes you think of that?." - sinabayan din niya ito ng isa pang nakakalokong ngisi.

"Because you can't kill an innocent person." - siguradong sigurado ang boses nito na nagpatawa ng sarkastiko dun sa kaharap niya.

"HAHAHA. Innocent?." - unti unti itong lumalapit kaya napapaatras ang tatlo. "Are you?." Dagdag niya at sa isang iglap ay napigilan niya ang nagtangkang saksakin sana siya.

Tinignan niya ang nakasirit nitong dugo mula sa pugot nitong ulo.

"Oh blood. You know, I love seeing blood. It's like a water to me. I can't live a day without seeing it." Nakakalokong tinignan niya ang dalawa.

Samantala.....

Nagsimula ng makipaglaban ang miyembro ng AMU sa mga tauhan ng kaaway.

Akmang babarilin na sana ng kalaban si Alpha Centauri pero naunahan ito ni Alpha Lyrae.

"Salamat. " - Alpha Centauri.

Ngiti lang ang isinagot ni Alpha Lyrae sa kanya.

Nagpatuloy sila sa pakikipaglaban. Wala silang tinitirang buhay tulad ng napag usapan.

Queen of Hell (COMPLETED!!!!)Where stories live. Discover now