Chapter 18: The Truth

755 31 3
                                    

"Akiro's POV"

Isang buwan na ang nakakalipas magmula nang mailibing si Allison.

Isang buwan na rin akong dumadalaw sa kanya. Sa katunayan, papunta na ako ngayon sa sementeryo. Susunod na lang daw sina Rafael mamaya. Kakarating ko lang nang may mapansin akong dalawang taong nakatayo malapit sa lapida ni Allison. Isang babae at isang lalaki.

Agad akong bumaba at nilapitan sila.

Tatanungin ko na sana sila nang marinig ko ang paghikbi ng babae. Nang mas makalapit ako ay doon ko napansin ang pagkakahawig nilang dalawa kay Allison.

Napalunok ako nang bigla akong tignan nang masama ng lalaki. Ngayon ko lang sila nakita pero kilala ko sila. Sila ang kambal ng Bythesia Clan.

Pero ang mas nakakagulat ay bakit hawig silang dalawa kay Allison. Imposible namang kamag anak niya ang dalawang to. Ang dalawang to ang ilan sa kinatatakutan pagdating sa outside world businesses.

Keijela Diane Bythesia and Kyle Adrian Bythesia.

Hindi ko pa nga kilala ang mga kamag anak niya. Wala siyang nababanggit. Hindi ko nga alam kung may kapatid pa siya e. Wala ding ginanap na misa nung araw na madeklara siyang patay. Hindi kami hinayaan na makalapit sa kanya hanggang sa ibalita na lang nang mga kaibigan ko na nakalibing na daw siya.

Isa lang ang alam ko tungkol sa pamilya niya. At yun ay ang katotohanang pinsan niya si Celestia.

"What are you doing here? And who are you?." - malamig na tanong ni Kei.

Napalunok ako. Parang kaharap ko ngayon si Allison.

Itinuro ko ang lapida ni Allison.

"I'm her boyfriend at nandito ako para dalawin siya. Kayo? Anong ginagawa niyo dito at kaano ano niyo ang girlfriend ko?." - tanong ko sa kanila.

Nagkatinginan sila at sabay na humarap sa akin.

"We're famous and I'm pretty sure you know a lot about us." - Kei answered with a grin.

"Yeah. A dangerous twin in terms of businesses." - kaswal na sagot ko.

Pareho silang napatawa.

"You know a lot about us, but not all." - nakangising sagot ni Kyle at muling pinasadahan ng tingin ang lapida ni Allison.

"Come with us." - aya ni Kei na nagpataka sakin.

"Why would I?."

"For you to know the truth." - this time si Kyle naman ang sumagot.

Tsk! Kambal nga sila.

Nagpapalitan lang ng pagsagot e.

"What truth?." - takang tanong ko.

Bigla namang ngumisi si Kyle.

"Truth about your girlfriend's relationship with us." - sagot nito.

Hindi pa man ako nakakasagot ay umalis na sila.

Napatigil si Kei na parang may nakalimutan.

"And oh! By the way, invite your friends." - saad nito at biglang umalis.

Taka naman akong napatingin sa kanila hanggang sa mapunta ang atensyon ko sa isang puno di kalayuan samin.

Now, I know why.

"Lumabas na kayo diyan."

Pagkasabi ko nun ay eksaktong paglabas ng tatlo.

***

Sinundan namin ang kotse nung kambal at dinala kami nito sa isang restaurant.

MacCaa Jigx ang pangalan ng restaurant.

Queen of Hell (COMPLETED!!!!)Where stories live. Discover now