Chapter 22: Big Brother

656 26 0
                                    

"Sabrina's POV"

Nandito ako ngayon sa room ko dito sa Archade's Valley. Dito na daw kasi ako tutuloy sabi ni Empress. Naipagpaalam na daw niya ako sa magulang ko.

Hindi na ako magugulat kung paano niya nakilala ang mga magulang ko. Empress nga siya diba? Para din talaga siyang si Queen. Ganito din kasi yun e. Maalaga din yun at hindi niya pinababayaan ang mga nasasakupan niya.

Kung may nagtatraydor man, yun ay dahil naiinggit sila. Ending, Bridewell din ang bagsak nila. Dalawang araw na ako dito at kasalukuyan ako ngayong nakaupo sa couch dito sa room ko.

Taray talaga! Ang sosyalin. Mamaya nga magswiswimming ako dun.

Isang taon na pala ang nakakalipas magmula ng mawala si Queen. Sayang talaga! Okay lang, andiyan naman si Empress e!

Dito na din nakatira ang tatlong gang warriors. Ang Five Teens Scapei, Alpha Mega Unit at Tres Falcetto. Taray nang mga pangalan nila no?

Meron din kaya akong gang? Ang totoo, nawala ang mga alaala ko. Naaksidente kasi ako dati pero hindi ko naman alam kung anong aksidente yun. Tinanong ko sina nanay at tatay, pero hindi din daw nila alam.

Alam ko naman na hindi nila ako totoong anak. Nakita lang daw nila ako dahil nga sa aksidente, tapos wala na akong maalala. Kinopkup na lang nila ako kasi kawawa daw ako nun. Muntikan na daw akong mamatay.

Ang daldal ko na masyado.

Abala ako sa pagkalikot ng mga gamit ko nang may kumatok.

"Pasok." - lang ang sabi ko habang nasa gamit pa rin ang atensyon.

"Sabrina, go fix yourself. I'll introduce you to someone."

Si Empress pala. Pero paglingon ko nakalabas na siya. Hindi halatang atat si Empress makalabas no? Pero bakit parang naexcite ako nung sinabi niya na ipapakilala daw niya ako sa isang tao?

Hay! Bahala na nga! Agad akong naligo. May sariling kwarto kaming lahat. Kanya kanya yan ah! May sariling banyo din. Taray talaga ni Empress!

Matapos maligo ay nagbihis na ako nang medyo maayos ayos na damit syempre. Kailangan presentable pa rin ako kahit nandito lang naman ako sa loob ng Valley.

Nasa second floor ang room naming lahat na mga babae, including Empress. Same size lang din kaming lahat ng kwarto at including na naman si Empress. Ayaw niya kasi na napapadama niya sa amin ang pagkakaiba namin sa kanya. Sa first floor naman ang kwarto ng mga lalaki. Ang totoo malaki ang floor ng mansyon na to. Ang rooftop ay nasa pinakamataas syempre. Ang fifth floor. Ang swimming pool naman nasa third floor. Ang fourt floor, mga antique na yun lahat. Ang yaman talaga ni Empress. No wonder, marami siyang kaalyansa. Bilang nga lang ang pinagkakatiwalaan niya, isa na kami dun.

Isang butler ang sumalubong sakin at inihatid niya ako sa isang kwarto na paroroonan ko. Naghihintay na daw doon si Empress at kung sino man yung sinasabi niyang ipapakilala niya.

Pigil ang hiningang binuksan ko ang pinto saka nagtuloy tuloy sa pagpasok sa loob.

Ang inaasahan ko ay si Empress, ako at ang taong ipapakilala lang niya ang tao sa loob. Pero mali ako. Nandito silang lahat. As in lahat! At may isang tao akong hindi napamilyaran.

Emosyonal niya akong tinignan. Sana may kuya ako! Gusto ko talaga magkaroon ng kuya.

"Sabrina, have a seat." - Empress.

Akmang uupo na ako nang biglang tumayo ang lalaking hindi ko napamilyaran at naglahad ng kamay sa akin.

Taka akong tinignan siya pero tinanguan lang ako ni Empress. Tinanggap ko ito at iginiya niya ako sa upuang katabi niya.

Queen of Hell (COMPLETED!!!!)Where stories live. Discover now