Chapter 31: Fake vs Real

718 31 0
                                    

"Viana's POV"

"I'm so disappointed with you, Ms. Gabrera." - napayuko ako dahil sa sinabi ni Ms. Lim.

Nandito kami ngayon sa Hills Office. Kasama ko ang mga kaibigan ko at maging ang pekeng queen ay nandito rin. Kapit na kapit sa hari ko. Psh!

"Kahit yung pinsan mong nagpapasok sa'yo sa paaralan na to ay kinonsente ang kabaliwan mo. Maypa pipi at bingi ka pang nalalaman, yun pala nakakarinig at nakakapagsalita ka naman pala." - mas lalo akong napatahimik dahil kahit papaano ay naguguilty din talaga ako.

Ngayon lang ako nakaramdam ng hiya sa tanang buhay ko. Psh!

Marami pang sinabi si Ms Lim hanggang sa dinismiss na niya kaming lahat. Agad akong nanguna sa paglabas at sumunod naman agad si Lisa sakin. Naiwan sa kwarto yung tatlo habang nasa likod ko naman sina Akiro.

Kung pwede ko lang kalbuhin ang babaeng dikit ng dikit sa kanya. Psh! Hindi ko din naman masisisi si Akiro kung napapaniwala siya/sila ng babaeng yun.

Kuhang kuha talaga kasi niya ang mukha ko. Psh!

Wala naman talaga kasing makakakilala sakin bukod sa mga taong alam ang totoo. May kung ano akong nilagay sa maskarang suot ko para mag iba ang mukha ko.

Naglalakad lang ako nang bigla akong nakaramdam nang kung ano. Dahil sa mabilis ang reflexes ko, agad kong naiwasan ang isang lata na tatama sana sakin.

Napatingin ako sa gumawa nun.

"Tama nga sila. Medyo matapang ka nga pero bakit hindi ko naman maramdaman ang sinasabi nilang nakakatakot na aura?." - nakangising anas niya.

'Honestly? She's too funny.'

Nararamdaman ko ang takot na pilit niyang itinatago dahilan para mapangisi ako at dahan dahang lumapit sa kanya habang siya naman ay dahan dahang napapaatras.

"Akala ko ba hindi mo nararamdaman ang takot na nararamdaman sakin ng iba?." Tinaasan ko siya ng kilay at tinignan mula ulo hanggang paa. "E, bakit napapaatras ka?." There it goes. Napalunok siya at mas lalo kong nakita ang takot niya. "Are you the real Queen?." - nagseryoso na ako.

Pilit niyang pinatatag ang sarili niya which makes her more funnier.

"Oo naman. Ako ang totoong Queen Ace at wala nang iba." - seryosong anas niya.

"Stop it." - biglang may pumagitna samin at inilayo si Fake sa akin.

Psh! Ginagawa niyang kaawa awa ang katauhan ko. D*mn this girl.

"Hindi mo na dapat pinapatulan ang mga ganyang klase ng tao, Queen." - anas nung babae at sinang ayunan naman ng ilan. Habang sina Akiro ay napatulala na lang. Psh!

Agad na akong dumeritsu sa kwarto at hinintay na lang ang ilan doon.

Agad namang tumabi si Lisa sakin. Lumipat na kami ng upuan dahil ayaw daw nung 'queen' nila na mapalapit kami sa kanila. Psh! Kahit si Rafael ay inilayo niya kay Lisa.

Kami nina Agatha, Jex at Rix ang magkasama ngayon. Lumipas na rin ang ilang araw at kami na talagang lima ang nagkakasama. Nagkakalabuan na rin sina Rafael at Lisa dahil sa paninira nung babaeng yun sa kanila.

Nasa classroom kami ngayon nang biglang may dalawang tao ang pumasok.

Nang magtama ang paningin namin ay sinenyasan ko silang simulan na ang plano. Oo. Planado ang mangyayari sa araw na ito.

"Hi sis." - bati ni ate Key sa taong nagpapanggap na ako at natulala naman ang babae. Siguro iniisip niya kung sino ang kambal na nasa harapan niya. Psh! Pathetic.

Queen of Hell (COMPLETED!!!!)Where stories live. Discover now