Chapter 12: Strike One

879 31 1
                                    

"Third Person's POV."

May isang transaksyon na nagaganap sa isang tagong bahagi ng isang cafe. Sa unang tingin, hindi mo mapapansin na mga illegal pala ang meron sa lugar na ito. Napupuno ito ng mga iba't ibang illegal na gawain. Tulad ng pagbibigayan ng bawal na gamot, shabu, sugal at iba pang maituturing na illegal. May mga babae din na nagsasayawan suot ang nagninipisang mga damit.

Sa di kalayuang bahagi, ay may nakatanaw na mga tao suot ang di mapangalanang mga damit. Napatingin ang isa sa kanila sa mga babaeng sumasayaw ng malaswa.

"Kinulang ata sa tela. Psh."

Saad ng isang babae sa kanyang isip. Purong itim na damit ang kanyang suot, may kapa din siya at nakamaskara. Tanging kakaibang mata lamang nito ang makikita. Nakatago din ang buhok nito. Sa istilo ng kanyang pananamit, iisipin mo talaga na lalaki siya.

"Queen, are we on move now?." - tanong ng isang lalaki habang hinahanda ang kanyang de kalibreng baril na hawak hawak.

"Not yet. I'm still searching for the target." Malamig na saad nito.

Kaya muli nilang pinagmasdan ang ginagawa ng mga tao sa loob ng isang cafe.

Agad silang pumunta malapit sa VIP room at napangisi na lang ang tinawag niyang Queen matapos makita ang isang matanda. Sa itsura at tawa nito, hindi mo mapagkakamalang matanda na talaga dahil sa aurang pumapalibot dito.

"Alpha Mega Unit, you know what to do."(smirk.)

"Oui, Notre Reine." - sabay sabay na sagot nila at agad nagsialisan para sa tasks na inatas sa kanila. Umalis ang AMU at naiwan ang isang lalaking may hawig ng kaunti sa features ng Reyna.

(Translation: Yes, Our Queen.)

Agad kumuha ng pana ang kanilang Reyna at itinutok sa kanyang target. Agad niya itong pinakawalan dahilan para mabigla ang kanyang target at magkagulo sila ng kanyang katransaksyon.

Tatakbo na sana sila, ngunit hudyat na pala iyon para sa susunod nilang gagawin.

Nagpapatuloy pa rin ang transaksyon ng iba nang bigla na lang yumanig ang lugar dahil sa isang pagsabog.

Agad silang nagkagulo at nagsipagtakbo. Nagsisipag unahan sa paglabas. May mga tumatalon para lamang makalabas. May nagkakasakitan na din at nagtutulakan.

Ngunit bago pa man may makalabas sa kanila ay may tatlong parang ninja ang tumalon papunta sa pinto dahilan para maharangan ito. Dalawang lalaki at isang babae. Miyembro sila ng AMU.

Bigla silang nagsilabasan ng kani kanilang baril at itinutok ito sa mga nagtatangkang lumabas.

Natakot man ngunit hindi nila iyon inalintana. Agad sumugod ang isang lalaki sa tatlo, ngunit bago pa man siya makalapit ay tumumba na siya. Nagsunod sunod na ang pagsugod nila. Sipa dito, sipa doon. Tadyak dito, tadyak doon. Ngunit walang hirap lang itong napabagsak ng tatlo sa miyembro ng AMU.

Ganun din ang ginawa ng iba pang miyembro ng AMU. Walang makagawang makalabas dahil bago pa man sila makalapit sa pinto ay sipa, tadyak at bala ng baril ang sumasalubong sa kanila.

Lahat sila ay may kanya kanyang ear piece. Isa sa mga bagay na hindi nila kinakalimutan kapag nasa isang misyon.

("All clear.")

Yan ang sabi ng lahat ng miyembro ng AMU sa kanilang mga ear piece.

Samantala......

Hindi din makaalis ang isang matanda at kanyang katransaksyon dahil sa presensya ng dalawang tao sa kanyang harapan.

'Ano ba ang kailangan ng dalawang lalaking ito sa amin?.' - sa isip isip ng matanda.

Parang nabasa naman ata ng isa sa dalawang tao iyon kaya napangisi na lang siya sa kanyang isipan.

Queen of Hell (COMPLETED!!!!)Where stories live. Discover now